LAURA MAY CASTILLO Hindi ako gumalaw sa aking kinauupuan. Hindi ko rin magawang lingunin si Hans— natatakot ako na makita ang ekspresyon niya. Huminga ng malalim si Hans at itinabi ang sasakyan. Hinahanda ko na ang sarili sa kung ano man ang sasabihin niya ngunit hindi ko mababago ang plano ko. “Hans… I—” “I’m fine with that.” Mabilis akong napalingon sa kanya. Hindi ako makapaniwala na hindi siya nagalit or na-disappoint sa sinabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil iyon. “Okay lang sa iyo?” Tumango siya. “Naiintindihan ko, Laura. Nag-i-start ka palang sa career mo. I don’t want to ruin it.” “Talaga?” “Yes! Tingin mo ba ay magagalit ako sa iyo dahil ayaw mong mag-anak tayo? Laura, marriage life is not all about procreating. We’re making each other happy.” Namuo ang luha s

