LAURA MAY CASTILLO Hapon na nang magising ako at wala na si Hans sa tabi ko. Hindi ako kaagad bumangon dahil tinatamad pa ako. Inangat ko ng kaunti ang blanket at napansin na ibang damit na ang suot ko. Hindi rin ako naglalagkit dahil pinunasan ako ni Hans ng maligamgam at malambot na bimpo bago matulog. Nakarinig ako ng kaluskos sa labas at base sa mga yabag ay si Hans iyon at tila may kausap ito. Nagbuntong-hininga ako at bumangon dahil nagrereklamo na rin ang tiyan ko. Paglabas ko ay naabutan ko ito na palabas ng balkonahe habang hawak ang cellphone na nakatapat sa tenga at ang kabilang kamay niya ay hawak ang sigarilyo. “Jack, iwanan mo nga kay Matt iyong gawain na iyon. Nasa isla naman si Summer at Greyson.” Bahagya kong sinara ang sliding door upang hindi masyadong pumasok ang u

