LAURA MAY CASTILLO Nilisan namin ni Adrian ang Estrella. Kinuha ko ang gamit ko habang mahimbing ang tulog nila inay at nag-iwan ako ng mahabang sulat kay itay, katabi niyon ay ang regalo kong cellphone para sa kanyang kaarawan. Sukang-suka na ako sa nangyayari sa trato sa akin ni inay, panahon na upang unahin ko ang aking sarili. Madilim nang umalis kami ni Adrian at tahimik lang ako sa loob ng sasakyan. Kapag nagsisimula akong humikbi ay ihihinto nito ang sasakyan at yayakapin ako ng mahigpit upang pakalmahin. Upang makapagpahinga sa pagda-drive si Adi ay huminto muna kami sa isang motel. Niyakap ko ang unan at nagsimula na namang lumuha ang aking mga mata. Iniunan ni Adi ang ulo ko sa braso niya at niyakap ako mula sa likod. Matagal kaming nasa ganoong posisyon. Tanging mga hik

