LAURA MAY CASTILLO Niyakap ako ng mahigpit ni Adrian at pinaikot ko sa kanyang leeg ang aking braso habang magkadikit ang aming labi. “Laura…” “Ayos lang, Adi.” Tinulak niya ako palayo at yumuko ito habang habol-habol ang kanyang hininga. Umiling ito at lumunok. “Patawad. Patawad, Laura.” “Adi…” Kumuyom ang kanyang kamay habang nakatukod iyon sa sahig. “Laura, lahat ng pinakita ko sa iyo ay totoo. Walang kahit anong kasinungalingan doon.” Pagkatapos niyang sabihin iyon ay may malakas na kalabog ang narinig mula sa labas. Sa lakas niyon ay napwersang bumukas ang pinto. May unipormadong kalalakihan ang pumasok sa loob ng silid at napunta sa amin ang kanilang atensyon. Agad nilang nilapitan si Adrian at inilayo ako sa kanya. Nilabas nila ang isang syringe at itinusok iyon sa bi

