LAURA MAY CASTILLO Bumaba sa sahig ang tingin ni Hans. Nagbuga ito ng hininga at pagkatapos ay umupo sa aking tabi. Umusog ako ng kaunti upang hindi magtama ang aming mga braso. Katahimikan ang namayani sa pagitan namin. Ang maririnig lamang ay ang mga yabag ng nurse at ibang tao na dumadaan sa harapan namin. Pinagsalikop ko ang aking kamay at taimtim na nagdadasal na sana ay nasa mabuting kalagayan si Adrian. “That kid will be alright.” Matalim na tingin ang ibinigay ko kay Hans. “Hindi siya bata.” Itinaas nito ang kamay sa ulunan at ginawang unan iyon. Agad kong iniiwas ang tingin sa kanya dahil naaakit ako sa bawat galaw ng kalamnan niyan roon. “How long have you known him?” “Isang taon.” “Isang taon,” ulit niya. “Sa maikling panahon na iyon ay handa kang ibigay ang sarili m

