LAURA MAY CASTILLO Mahina akong napaungol sapagkat hindi ako makahinga ng maayos, tila may mabigat at mainit na bagay na nakadantay sa aking sikmura. Hindi rin ako makakilos dahil parang nakapalaman ako sa matigas na bato. “Huwag kang malikot. Malapit na akong mahulog.” “Dikit na dikit ka kasi sa kanya. Kasalanan mo iyan.” “Kama ko ito. Dapat nga ay magpasalamat ka dahil binigyan pa kita ng espasyo.” “Ang… ang ingay.” Kumilos ako at humarap sa kanan dahil nangangalay na ako. Umihip ang malamig na hangin at nanindig ang aking balahibo kaya mas sumiksik ako sa mainit na bagay sa aking harapan. Dahil sa antok ay hindi ko pa rin maibukas ang aking mga mata. “Tingin mo… sino ang pipiliin niya sa atin?” “Hindi ko na iniisip iyon, Adrian.” May mga daliri na sumuklay sa buhok ko at pagk

