LAURA MAY CASTILLO Hindi ako makapakali habang hinihintay na dumating si Tonyang. Si Hans naman ay lumabas upang abangan ang sasakyan nito. Tila napansin at ani Adrian ang pagkabalisa ko kaya inabot niya ang aking kamay at pinagdikit ang aming palad. “Hindi ka sisintensyahan ng kamatayan.” “Hindi ko alam kung napatawad na ba niya ako. Ang dami kong binitiwang masasakit na salita sa kanya. Ako rin ang dahilan ng pagkawala ng anak niya.” “Laura.” Pinisil niya ang aking kamay at matipid na ngumiti. “I’ll protect you.” “Lagi mong sinasabi ‘yan. Lagi mong inuuna ang iba kaysa sa sarili mo— tingnan mo nga ang nangyari sa iyo.” “Hindi ka naman iba sa akin.” “Dahil sa akin kaya—" “My life has a lot of misfortune events. None of it is your fault, Laura. May natatandaan ka ba na sinisi ko

