LAURA Isinara ko ang aking locker at nagpaalam sa aking mga kasama. Dahil sa biglaan na pagtanggap sa akin ay hindi ako nakapaghanda ng maipapalit na damit. Kaya ang ginawa ko nalang ay isinuot ang aking itim na palda at hindi na hinubad ang pangtaas na uniporme ng Pad Point. Papalabas na sana ako ng Pad Point nang harangin ako ni Adrian. “Laura! Tapos na ang shift mo?” Napamura ako ng pasikreto dahil nawala sa loob ko na magpaalam sa aking mga kaklase. Napuno kasi ni Hans ang aking isipan hanggang sa hindi ko na maalala ang ibang bagay. “Oo, pasensya na at hindi ako masyadong nakasalo sa inyo. Hindi namin inaasahan na dadami ang tao ngayon.” Iniipit nito ang ilang hibla ng aking buhok sa tenga ko. “Ayos lang. Naiintindihan namin. Marami pa naman pagkakataon para makapag-hang-

