LAURA CASTILLO Kinabuksan ay si Jack nga ang naghatid sa akin. Nakiusap ako kay Jack na huwag ihinto ang sasakyan sa tapat ng Santo Nikolas College para hindi ako makita ng mga kakase ko. Itinabi niya ang sasakyan na halos limang metro ang layo sa main gate. Bago ako tuluyan na bumaba ay nilingon ako ni Jack. “Laura, i-text mo ako kapag susunduin na kita.” “Hindi na. Magko-commute nalang ako, Jack. Nakakahiya na.” “Alam mo ba ang mangyayari sa akin kapag nakauwi na ako at ikaw ay hindi pa?” “Uhm… s-sige.” Pagbaba ko ay mabilis akong naglakad upang makalayo sa sasakyan. Pumunta na ako sa classroom ng una kong klase— Anatomy. Umupo ako sa upuan na nireserba nila Adrian sa akin. Ngunit hindi ako masyadong makapag-focus dahil nasa pinakalikuran kami at ang karamihan ng tao sa row na

