LAURA CASTILLO Hindi na ako umimik pa dahil baka kung ano pa ang maungkat sa usapan. Pasimple akong lumingin kila Mariposa at napansin ko na pasulya-sulyap din ito sa akin. Napalunok ako at kinuha ang baso ng tubig. Humigop ako ng kaunti at pagkatapos ay binaba iyon. Nag-inat si Adrian at bumagsak ang braso nito sa sandalan ng aking silya. “Laura, ihahatid na kita mamaya.” Dumiin ang pagkakahawak ko sa kutsara. “Uhm, a-ano kasi, may iba pa akong pupuntahan mamaya.” “Ayos lang. Wala rin naman akong pupuntahan kaya puwede kitang samahan.” Nilingon ko ito. “Adrian, sorry ha? Hindi kasi ako kumportable na may naghahatid sa akin. Pwede bang sa susunod nalang?” Matagal itong nakatitig sa akin, samantalang ako naman ay hindi mapakali dahil kinakabahan ako sa susunod na gagawin niya. N

