LAURA CASTILLO Napasinghap ako at napalayo kay Hans. Matalim itong nakatingin sa akin habang mahigpit pa rin ang hawak sa aking kamay. “The same scent as the boy you’re with last time.” “Magkaklase kasi kami kaya palagi kaming magkasama.” Hinila ako papasok sa loob ng bahay. Seryoso ang kanyang mukha at umiigting ang panga nito. Isinanda niya ako sa nakasarang pinto at inilagay ang dalawang braso sa aking gilid. “This amount of scent cannot be obtained by just standing next to you, Laura.” Nanliit ang kanyang mga mata. “He is owning you and I can’t let that happen.” “Bakit sa akin ka nagagalit? Ginusto ko ba na i-mark niya ako? Isa akong beta. Hindi ako naaapektuhan ng mga pehromones niyo.” Pinikit nito ang mga mata at nagbuntong-hininga. Ang akala ko ay mas magagalit pa ito dahil

