LAURA MAY CASTILLO Natapos ang presentation namin nila Adrian sa Anatomy at naging maganda ang grade namin. Agad na nagyaya sila Ross na mag-bar dahil Biyernes naman ngayon at walang klase bukas— pero tumanggi ako. Dahil kailangan ay maaga akong magising bukas dahil marami akong labahin at kailangan kong tumulong maglinis sa mga Aquillas. May nakuha rin akong itu-tutor na bata kaya paniguradong wala akong pahinga hanggang linggo. Buti nalang at puno ang schedule ko dahil magkakaroon ako ng dahilan na hindi manatili sa bahay nila. Tama na ang sakit na idinulot sa akin ni Hans. Nagpaalam na ang propesor ng pinakahuling subject namin at nagsimula na kaming magligpit ng damit. Nilingon ako ni Mariposa. Malungkot ang kanyang mga mata. “Laura, walang palaka sa amin. Naghanap kami ni Anne

