LAURA Halos isang linggo na kami nag-iiwasan ni Hans at tila nahalata na iyon nila Jack. Kahit ngayong nasa sasakyan kami upang dalhin si Ate Summer sa general check-up niya ay hindi kami nag-uusap. Hindi naman nakasama si Sir Greyson dahil may emergency ito sa kaniyang office at hindi na maaaring i-reschedule iyon. Bumaba kami ng sasakyan at inalalayan ko si Ate Summer papasok sa medical facility. Hindi ako maaaring pumasok doon dahil sa pagbabawal ng assistant ng doctor. Nakaupo lang ako sa waiting area samantalang si Hans ay nakatayo sa gilid ng pinto. “Main, balik na ako sa sasakyan.” Paalam ni Jack na sa tingin ko ay nailang na sa amin. Yumuko lang ako at pinanatili na sa sahig ang tingin. Ngayon ko lang napansin na may kadumihan na pala ang aking sapatos at naisip na linisin

