LAURA MAY CASTILLO Tumunog ang doorbell ngunit hindi ko iyon pinansin. Hindi ko rin sinasagot ang mga tawag ni Hans dahil alam kong mahahalata niya ang lungkot sa boses ko. Siguradong hindi niya palalagpasin ang ginawa sa akin ng mga tao sa ospital at baka magkaroon pa ito ng mga padalos-dalos na desisyon. Mas nilakasan ko ang volume ng telebisyon upang malunod ang tunog ng doorbell. Niyakap ko ang unan at pinatong doon ang aking baba. Nakapatay ang ilaw sa buong living room. Kahit nakatutok ang mga mata ko sa telebisyon ay lumilipad naman ang isip ko sa mga nangyari kanina. Umuwang ang pinto at gumapang ang liwanag. Humiga ako at nagtulug-tulugan. Inaasahan ko na may susi si Hans sa unit kaya pipilitin nito na makapasok sa loob. Nakarinig ako ng yapak ng sapatos papalit sa akin at p

