chapter 1
Pauwi na si Yuri galing sa school. Naiinis pa rin siya.
Paulit-ulit sa utak niya yung sinabi ng nanay niyang si Merlin.
"Puro ka na lang absent! Magtrabaho ka na lang kaya! Tutal tinatamad ka naman mag-aral!"
Napapakunot na lang ng noo si Yuri.
"Tandaan niyo 'to," sabi niya sa isip niya. "Balang araw, kikita ako ng pera habang natutulog ako."
Habang naglalakad siya pauwi, may narinig siyang ingay.
Hinahanap niya kung saan nanggagaling. Sa iskinita pala.
Akala niya naglalandian lang, kaya hindi na sana siya makikialam. Aalis na sana siya.
Pero may narinig siyang boses ng babae. Humihingi ng tulong. Mahina lang, pero sapat para marinig niya.
Dali-dali niya itong nilapitan. Dahan-dahan lang, para hindi siya mahalata.
Nang makapwesto na siya, naaninag niya ang apat na lalaki. Pinapalibutan nila ang isang babae.
"Miss, halika na. Sumama ka na. Masaya dun sa pupuntahan natin," sabi ng isa. Nakakaloko yung ngiti.
"Ano ba! Lubayan niyo nga ako! Hindi tayo talo, mga gago!" sagot ng babae. Halatang irita na.
Doon lang napagtanto ni Yuri na tomboy pala yung babae. Hindi niya nahalata dahil sa taglay nitong ganda.
"Huh? Tomboy siya? Sayang. Ang ganda pa naman niya. Siya pa naman yung tipo kong babae eh. Maputi, mahaba ang buhok, at yung mga mata niyang magaganda," wika niya sa sarili. Nanghihinayang.
Habang nanonood siya, bigla na naman niyang naalala yung sinabi sa kanya ng nanay niya. Bigla na naman siyang nainis.
At nakita niya yung kamay ng isang lalaki. Dahan-dahang lumalapit sa babae para hipuan ito.
Dahil doon, mas lalo siyang nainis.
"Ang mga gagong 'to, pati ba naman tomboy pinapatos na," wika ni Yuri sa isip niya.
Kahit tomboy yung babae, nakakaramdam pa rin ito ng takot. Napapikit na lang ito sa sobrang takot.
Ilang sandali pa, nang mapansin ng babae na wala pa ring nangyayari, dumilat siya.
At nakita niyang hawak-hawak na ni Yuri ang kamay ng lalaking hahawak sana sa kanya.
"Hoy, gago! Sino ka ba? Ang lakas ng loob mong mangialam! Gusto mo na bang mamatay?!" Galit na galit na wika ng lalaking hawak-hawak niya.
"Nangha-harass ng babae para makaraos? Haha. Wala ba kayong mga asawa? Sabagay, hindi na ako magtataka kung wala kayo. Sa pangit niyong 'yan eh," nakangiting wika ni Yuri sa mga lalaki, pero nanlilisik ang mga mata.
"Gago ka! Sugurin niyo siya para mamatay na yung putang 'yan!" Galit na galit na sigaw ng lalaki sa mga kasama niya.
Sumugod na yung tatlo pang lalaki kay Yuri.
Sinuntok siya ng isang lalaki, pero nakailag si Yuri. Sinundan pa ito ng sipa papunta sa mukha niya.
Habang papunta na sa mukha niya yung sipa, tinitigan ito ni Yuri. Bigla siyang yumuko nang naka-fighting post. Pagkayuko niya, nagbigay siya ng isang right hook sa tagiliran ng lalaki.
Natumba yung lalaki sa lakas ng suntok ni Yuri.
Pagkatumba ng lalaki, may sumugod naman na isa pang lalaki. Nagbigay siya ng straight punch kay Yuri.
Hindi agad ito napansin ni Yuri. Nang mapansin niya, huli na. Kaya sinangga na lang niya ito ng mga kamay niya.
Sa lakas ng suntok, napaatras si Yuri ng dalawang hakbang.
"Aba, aba, hindi na rin masama ah," sabi niya nang may ngisi.
At muli siyang napaisip.
"Masama 'to. Hindi pa naman ako marunong makipag-away at pinoprotektahan ko pa 'tong babaeng 'to. Nakakabadtrip talaga. Dapat talaga umuwi na lang ako eh," sabi niya sa isip niya habang pinagpapawisan na.
"Ahh, gano'n ba? Pasensya ka na, bata. Hindi kasi kami patas kung lumaban eh. Hahahaha," wika ng lalaking hawak-hawak ni Yuri kanina. Habang sinasabi niya yun, bumubunot na ito ng patalim sa tagiliran niya.
Nanlaki ang mata ni Yuri. Halatang hindi niya ito inaasahang mangyari.
"Ano? May patalim pa sila? Yari na," wika pa niya sa isipan niya.
Napatingin si Yuri sa babae. Nakita niyang nag-aalalang nakatingin ito sa kanya, may takot.
"Hoy ikaw, tumakbo ka na. Bilisan mo," wika ni Yuri sa babae nang may kalmadong tono at may konting ngiti sa labi para pakalmahin ito.
At biglang sumugod yung lalaking hawak-hawak ni Yuri kanina. Hawak-hawak ang patalim.
"Hoy gago, wag kang kung saan-saan tumingin!" sabi niya habang sumusugod kay Yuri at akma na siyang sasaksakin.
Biglang napalingon si Yuri sa lalaki nang may gulat. Iiwasan na sana niya yung saksak nang maalala niyang nasa likod pa niya yung babae. Kapag umiwas siya, baka sa babae naman tumama yung saksak.
Kaya umatras na lang si Yuri. Dahil sa pag-atras na iyon, napasama din yung babae sa pag-atras at napasandal sa pader. Matagumpay naman nilang naiwasan yun.
Pero agad namang sumugod ang isa pang lalaki sa gilid. Akma na itong sasaksakin yung babae nang hinarang ito ni Yuri ng kaliwa niyang kamay. Sabay tulak sa babae para patakbuhin na ito.
Pagkatulak naman dito ni Yuri, sumigaw siya ng, "Umalis ka na dito! Bilisan mo!" Wika ni Yuri sa babae habang pinipigilan niya ang mga lalaki na sumunod.
Napatingin naman ang babae sa kanya nang nag-aalala.
"P-pero ikaw? Paano ka?" wika ng babae nang nag-aalala.
Ngumiti si Yuri bilang sagot. Agad naman itong naintindihan ng babae. Nag-aalangan man, umalis pa rin siya.
Susunod sana ang isa sa mga lalaki para habulin ito, pero hinabol din ito ni Yuri at sinapak pabalik sa eskinita.
"Hoy, ako ang kalaban niyo. Kaya wag kayong pumunta kung saan-saan," wika ni Yuri sa mga lalaki habang tinatalian ang kanyang sugat.
"Haha, bata, matapang ka rin pala ah," sagot ng isa sa mga lalaki.
Ngumiti lang si Yuri habang nagfi-fighting post para ipaalam sa mga lalaki na handa na siyang lumaban.
Nang makita ang porma ni Yuri ng mga lalaki, agad naman itong sumugod.
End of Chapter 1