Leah's Pov.
Nakangiting sinalubong sila ni Mae hanggang sa mapadako ang tingin nito sa kamay nila.
Ibig sabihin nandito ang kapatid ng asawa!?
"Welcome back, sir!"
Tinaasan naman sya nito ng isang kilay na parang sinasabing magpaliwanag sya.
Iginiya na sya ng asawa papuntang sala.
Doon naabutan nila ang mama nito na masayang nakikipag kwentuhan sa anak at manugang.
Pero naagaw pa ng kanyang pansin ang isang matangkad na babae maputi, kulay puting buhok at balingkinitan ang katawan na hapit na hapit ang suot na jumpsuit.
Tumayo ito saka lumapit sa asawang lalaki at bahagya pang humalik sa labi?
Gustuhin man nyang magprotesta ay di nya gagawin dahil hindi sya ganuong babae, saka ito siguro ang tinutukoy ng asawa na monique at ayon nga sa kwento ng asawa ay hiwalay na sila nito.
Pero ni wala man lang karea-reaksyon ang katabi, hinila ang kamay ng asawa pero bigla na itong napahinto saka sya nito pinansin.
"Oh, hi!"
"If I'm not mistaken you are Leah, the housemaid!?"
Mataray na turan na ng babae at diniinan pa talaga ang huling sinabi!
Di sya sumagot dito pero tiningnan nito ang kamay nilang magka hawak at hinihintay nalang nya ang asawang magsalita.
"She's my wife!"
Diin ding sabi dito ni rafael.
Pati ang mama at kapatid nya ay napasinghap sa narinig.
Pero ang kaharap ay di man lang nagulat bagkos nilipat pa nito ang tingin sa kanya at tiningnan mula ulo hanggang paa.
"I don't believe you rafael..
But you?!
Your pathetic woman, a gold digger how could you-"
"Enough monique!!
And what the hell bringing you here!?"
Kahit sya'y nagulat sa biglang pagsigaw ng asawa.
Ramdam nya ang pagtitimpi nito sa kamay.
Ang mama nito at mga kapatid ay walang kumikibo.
Yumuko nalang din sya sa kanila dahil sa kahihiyan sa nararamdaman.
"I'm here, Coz I miss you rafael, and yes mama told me that your busy here, but for who?!"
Sya ang tinutukoy nito sa huli dahil naka tingin ito sa kanya.
"Stop pretending monique!
I know your not here for us, but instead for Allan. Right?!"
Yumakap pa ng mabilis ang babae sa asawa kaya nabitiwan sya mito.
"W-what are you talking about, sweetheart?"
Halos bulong nitong sabi.
"Let me clear this Monique, we broke up!
And for Allan maybe you should think about it!"
"S-sweetheart, Me and Allan is just a friend."
Kumalas na ang asawa nito sa babae saka sya binalingan.
"Come with me baby."
Narinig pa nyang tinawag ng babae ang asawa pero hindi na ito lumingon.
Tuloy tuloy na nya akong dinala sa kanyang kawarto.
"I talk to them first baby, then I will come back, I know you're worried, but let me fix this, Mmm?"
Tumango nalang sya dito saka hinalikan sa nuo at lumabas....
Umupo sya sa gilid ng kama habang natutulala.
Di nya alam kung magiging maayos ba ang lahat, kung tatanggapin ba sya o ipagtatabuyan ng magulang nito, pero kasal na sila at yun ang panghahawakan nalang nya.
Pero ang babaing yun mukhang disidido rin.
Nasa ganuon syang sitwasyon ng may mahihinang katok sa pinto bumukas ito at pumasok si Mae na may dalang tray ng pagkain, bigla tuloy syang na gutom dahil sa amoy.
"Sabi ng asawa mo dalhan daw kita ng pagkain."
Bungad sa kanya nito saka nilapag sa mesa at tumalikod, pero pinigalan nya ito.
"Sandali Mae."
Huminto naman sa paglalakad saka sya hinarap.
"Sorry kung Diko nasabi sa inyo, sasabihin ko naman din sana eh kaso parati akong inuunahan ng kaba.
Baka kasi... Baka-"
Putol nya sa sasabihin.
"Naiintindhan naman kita pero nangyari na eh, kasal na kayo. Saka kahit nung nandun pa tayo sa isla, napapansin at nararamdam ko na mahal ka talaga ni sir Rafael
At mas napagtanto ko lalo ng paalisin nya kaming lahat dun, pero panung-
kelan kayo kinasal?"
Tanung pa nito sa huli.
"Mahigit isang linggo na Mae,
Pero Kahit ako hindi rin lubos makapaniwala nung una ang bilis kasi ng pangyayari."
Bumuntong hininga pa sya.
"Panu yan, alam naba ng magulang mo?"
Umiling sya dito.
"Sasabihin ko palang."
"Mabuti kung ganun.
At anung plano nyo? Ikaw?
Tutuloy kapa ba sa pag uwi?"
Sunod sunod pa nitong tanong.
"Sinabi kong uuwi ako at pumayag naman sya pero kailangan kasama sya saka naman nya ako dadalhin sa America."
Anya.
"Kung ganun masaya ako para sayo.
At kung tutuusin wala na kayong problema dahil kasal na kayo.
Kilalanin mo nalang sya ng lubos habang magkasama kayo kasi sa nakikita ko sa ibaba ay mukhang nagkakasagutan sila!"
Anya Mae.
"Alam ko Mae, pero gaya ng sabi ni rafael pagkatiwalaan ko raw sya, saka yang babae ay kasintahan nya dati at ayuko ng pang himasukan pa, ang importante lang sakin ay kaming dalawa."
"Sige kung ganun, basta andito lang ako pag kailangan mo ng mauutusan ha, dahil sigurado namang di kana makakalabas dito sa kwarto niyan."
Anya Mae na tumawa pa.
Nagpaalam nalang din ito na lalabas na dahil baka hinahanap narin sya...
Paulit ulit parin bumabalik sa utak nya ang sinabing yun ni Mae.
Tama ito di pa nya kilala ang asawa pero pasasaan ba't makikilala nya rin.
Mag aalas dose na pero dipa rin bumabalik ang asawa mula kanina.
Kinuha ang cellphone tamang tama mag uumaga na sa pilipinas.
Pero wala man lang online sa kanila.
Binuksan nalang nya ang social media account at dito tiningnan ang bawat mga post ng kaibigan.
Mag isang buwan din nung huli syang gumamit at may iilan ng nagsesent ng friend request sa kanya.
"FAISAL MIRZA"
Bulong nya saka inaccept.
Binuksan din ang messages may galing sa ate nya nangangamusta ito kaya nagtipa narin sya ng mensahe.
Nang matapos ay bigla syang nagka interest buksan ang profile ni faisal.
Di nya kasi mahanap ang account ng asawa malamang wala ito, pinagkibit balikat nalang saka nag scroll sa album ng lalaki ni faisal.
May litrato itong nasa likod ay bundok at berdeng kagubatan napaka ganda. Meron pa tong nakuhanan dito sa labas ng bahay habang nagdidilig ng halaman, napalunok pa sya bigla dahil sa tanawing nakikita.
Ang isa naman ay naagaw ng kanyang pansin litrato ng isang babae at sya ang nasa litrato kuha mula sa balkonahe, natatandaan nya ito yung gabing lumabas sya mula sa kwartong ito upang magpahangin saglit.
At mukhang ninakaw lang ang pagkuha sa litrato dahil si sya nakatingin may caption pa itong puso kaya natuwa nalang sya ng bahagya...
Nararamdaman na naman nya ang pagka uhaw kaya bumaba muna sya upang kumuha ng tubig.
Nadaanan nya ang naka bukas na pinto sa may guestroom bukas ang ilaw dito, di nya alam kung anong pumasok sa utak at nagkainteres syang silipin ito...
Bigla pa syang napatakip sa bibig dahil sa gukat pakiramdam nya'y nanlalamig sya nakikita..
Nakasandal ang lalaki sa dingding at nakabukas lahat ng butones ng polo nito nasa paanan na nito ang pantalon habang hawak hawak sa ulo ang babae na bahagya pang dinidiin sa harap.
Pakiramdam pa nya'y sasabog na sya galit pero bigla lumandas ang luha sa kanyang mata kaya imbis na sugurin nya ang mga ito ay nagpasya syang tumalikod nalang saka lumabas ng bahay.....
*****
Mae Pov.
"Oh bat ka umiiyak?"
Tanong sa kanya ni zia.
"Nagagalit kasi si sir Rafael dahil hinahanap si Leah, eh diko naman alam kung saan yun nagpunta. "
"Anu? Ibig mong sabihin nawawala sya?"
Ani zia.
Ngayon lang ito dumating sa bahay at wala ring kaalam alam sa nangyayari..
Nariririnig nilang may ingay na sa itaas at dahil yun sa mga nababasag na gamit mula sa kwarto ni rafael..
Nakita naman nilang inaalalayan ng nurse ang matanda para ipasok sa elevator at baka pupuntahan nito ang anak..
"Natatakot na ako kay Sir rafael Mae, baka kung anong gawin na nun."
"Naawa nga ako eh, kung bakit ba kasi umalis si Leah ng di nagpapaalam."
"Tinawagan mo ba ang numero nya?"
Anya zia.
"Nakapatay na ng cellphone nya..."
Dahil sa patuloy ang ingay sa itaas ay pati mga amo nilang lalaki ay pumanhik narin dito upang awatin na ito..
Pumasok naman sila ni zia sa kwarto upang dun na mag usap at kuntakin si Leah.....