Chapter 18

1272 Words
*KASALUKUYAN* Leah's Pov. Nasa biranda sila, dito na ang araw araw nilang lugar kung saan sila mag aagahan katapat ang dagat at ang puting buhangin. "Nethan anak wag masyadong nagtatatakbo, halika nga." Tawag nya sa anak saka pinunasan ang pawis nito. "Mommy, I'm so happy lang po but sorry na po." Cute na turan ng anak masyado itong makulit.. "Good morning sweetheart." Bungad sa kanila ni Faisal mula sa likuran. Kararating lang nito galing Maynila at may dala na namang laruang eraplano. Tumabi ito sa kanya at pinatong sa lamesa ang dalang laruan saka nakipag high five sa anak. "How are you buddy?" "Dipo kita nakita kagabi tito, where are you po ba?" Tanong ng anak dito dahil di nga umuwi ang lalaki. Nakasanayan na ng bata ang makipag laro dito bago matulog at ito narin ang nakagisnang ama sa ilang taon na pagsasama nila. "Your tito faisal is busy too anak. You know naman tumatanda na si tito kaya kelangan na nyang mag-" Naputol ang sasabihin nya dahil pinigilan sya ng lalaki sa bibig gamit ang hintuturo . Tinapik naman nya ito. "Sorry buddy kung di nakarating si tito, nagpunta kasi sa Manila para bilhan ka ng new toys." Nilapit pa nito ang mukha sa bata at ginulo ang buhok... "Woow, thank you tito!" "Halika saglit at may ipapakita pa ako sa car. " Hindi kana sasama sweetheart? " "kayong dalawa nalang ni nethan, pagud ako eh." "Ganun ba, gusto mo masahiin kita mamaya-" "Sampal gusto mo!" Anya sa lalaki saka mabilis na binuhat ang bata at tinungo ang sasakyan. Ganito na talaga ito kung makapag usap sa kanya at nakakasanayan na nga nya at sa ilang taong pamamalagi ng lalaki sa bansa ay natuto na to ng salita at heto nga't hasang hasa na sa lengguahe. Malaki ang utang na loob nya dito dahil ito ang tumulong sa kanya upang makaalis at makauwi ng bansa.. Mula ng gabing masaksihan ang asawa at ang babai sa ganung sitwasyon ay umalis na sya ng bahay. Naglalakad sa kalsada na walang sapin sa paa, di alam kung saan pupunta, blangko pati ang kanyang isip at halos mamugto ang kanyang mata sa kakaiyak, huminto muna sya sa tabi ng kalsada at umupo.. May huminto namang sasakyan sa kanyang harapan at pinatong sa balikat ang suot nitong jacket saka sya inalalayan papasok sa sasakyan. Dinala sya nito sa isang bahay na di kalakihan at pinag pahinga. Kinabukasan kinausap sya nito kung anong nangyari, kinwento naman nya ang lahat dito pati ang pagpapakasal at ang tagpong nakita nya. Kaya kinumbinsi sya nitong ayusin ang lahat ng kelangan upang makauwi na ng pilipinas... Umuwi sya sa magulang na nasa probinsya, nagulat pa ang mga ito dahil sa biglaan nyang pagdating at kasama ang lalaki, ang akala nila ay asawa nya ito pero pinaliwanag nya ang lahat maliban sa pagpapakasal sa isang lalaki.. Sa paglipas pa ng mga araw nagpaparamdam na ang lalaki sa kanya. Natatandaan pa nya kung ilang beses syang ayain nito ng pag ibig pero tanging tanggi lang ang sinasagot dito at kahit ganun ay di parin ito sumusuko. Minsan ay kahit ang mga magulang nya ay kinukulit sya dahil bagay naman daw sila pero sadya sigurong dipa sya handa. Mahalaga sa kanya ang lalaki ngunit bilang isang kaibigan lang at sa ilang taon nilang pagsasama ay naintindihan na sya nito ngayon. Tinulongan sya nitong makapag aral ulit at kumuha ng kursong Human Resource Management dahil nga sa kahiligan ang pag luluto.. Makalipas pa isang buwan ay nalaman nyang nagdadalang tao na pala sya. Nasa kalagitnaan sila noon ng field ng bigla syang matumba at dinala sa klinika ng paaralan at ayon nga sa doktora ay buntis sya pagkatapos syang pagamitin ng aparato. Nasa mahigit dalawang buwan na ang pinag bubuntis nya ng makumpirma talaga sa ikalawang pagsusuri. At dito halo halong emosyon ang naramdaman nya galak dahil sa supling sa kanyang sinapupunan at galit dahil sa ama nito. Kahit paman nahirapan sya pag aaral dahil sa pinag bubuntis ay di sya tumigil bagkos naging idulo pa sya ng ilang estudyante dahil may dedikasyon daw sya at dahil narin sa awa ng maykapal ay naipagpatuloy at nakapagtapos pa.. Dito kasama pa nyang pumanhik sa stage ang anak upang kumuha ng diploma walang kapantay na saya ang naramdaman nya sa sandaling yun dahil kasama ang pamilya at anak sa mahalagang okasyon. Lumapit naman ang lalaki sa kanya na galing maynila saka hinapit sa beywang at mabilis na kinintalan ng halik sa labi, kahit na bigla ay pinagsawalang kibo nalang nya ito dahil baka dala lang ng saya kaya sya hinalikan... Dinala sila nito sa isang resort kinabukasan kasama ang mga magulang at kapatid, napaka presko ng lugar kahit pa medyo dipa ganuon kaaliwalas pero napakalawak nito. May mga cottage na gawa na sa kawayan at iilang mga tauhan. Kinagabihan ay dinala sila sa resto bar ng resort, dito nakahanda na ang lahat ng putahi ng pagakain. Nagtataka sya kung bat parang sila lang ang tao Maliban sa mga tauhan at habang kumakain tinawag sya nito. Tumayo naman sya at lumapit saka binati. May inaanunsyo ito tungkol sa resort hanggang sa may ipakita itong ilang dukomento na nagpapatunay ng partnership owner silang dalawa, sa totoo lang di sya makapaniwala dito, dahil panung nabili nya ang resort na ito ng kaagad agad samantala bago pa lang sila sa bansa. Nuon pa man ay masyado ng malihim si faisal na kahit magpa hanggang ngayon ay ganun parin... Ang tungkol sa pagpapakasal nya kay rafael ay ginawan narin nya ng paraan nag sampa sya ng petisyon para mapawalang bisa ang pero hanggang ngayon ay walang sagot ang korte.. Kahit paman sa paglipas ng mga taon na di nya nakasama ang lalaki ay di naging madali para kanya lalo na sa gabing mag iisa, inaamin nya sa sarili na hinahanap nya ang yakap at halik nito lalo na ang mga alaalang pinagsaluhan nila ng paulit ulit... Pero ngayon para sa kanya ang lalaking inalayan nya ng pagkababai at nagbunga ng isang Hendas ay sapat na para kalimutan ito. Siguro ay masaya na ito sa kung Anong meron sila ng monique na yun tanggap na nyang kailanman ay hindi magiging bagay ang mundo nya sa mundo ng lalaki..... Bumalik na ang dalawa at may dala dala na itong isang malaking track. "See mommy oh, ang big dibah." Anya Nethan. Ang saya nito sa bagong laruan kaya naman binuksan an kaagad sa lalagyan nito.. "Bat ngayon ka nga lang?" Tanong ko ulit dito dahilan para maging seryuso ang mukha nito. "Sweetheart alam mo naman ang trabaho ko dibah, busy lang." Anang lalaki. Pinaningkitan naman nya ito ng mata habang nakasandal ito sa upuan kaharap sa kanya. "Ano ba kasi yang trabaho mo?" "Sweetheart, sabi ko naman sayo hindi pweding sabihin dibah?" "Bakit, iligal ba yan?" "Kung iligal ang business ko edi sana matagal na akong wala dito dibah?" Sa bagay may punto naman ito, pero kasi palaisipan parin sa akin kung ano talaga ang trabaho nito,pero bahala na nga. "Okey, sya sige kung ayaw mong sabihin-" Anya pero bigla sumabat ang lalaki. "Pag sinagot mo na ako ay sasagutin ko rin ang tanong mo." Anya saka ngumisi. "Asa ka, eh ang dami mo ngang babae dyan sa cellphone mo!" Pag iiba ko dito ng usapan. "What? How did you know?" "Basta nakita ko lang." Anya pa saka tumayo. "Saglit lang at Ikukuha nalang kita ng makakakain.." "Wait, ang daya mo!" Habol nitong tawag pero dina na nya ito nilingon... Tinungo na nya saglit ang restaurant upang kuhanan nga ito ng makakain, saka bumalik at natatanawan na nga nya ang dalawa na masayang naglalaro...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD