Leah's Pov.
Tulog na tulog na ang mga kasama nito pero sya ay dilat na dilat parin...
Bigla nalang syang nauhaw kaya lumabas sya at nagtungo sa kusina, maliwanag naman sa labas dahil sa buwan at yun na ang tanging nagbibigay liwanag sa loob ng bahay dahil sa glass wall nito.
Para pa syang naaakit na lumabas at magtungo sa dagat.
Pero hindi, mag alalas dose na at maaga pa silang gigising bukas dahil sa trabaho.
Nagulat pa sya bigla ng may bulto ng lalaki ang nakaupo.
Di nya maaninag ang mukha dahil nasa madilim na parti ito ng bahay, pero nakakasiguro syang kilala nya ito.
"Leah.."
Humakbang palapit sa kanya ito at ikinulong ang mukha sa dalawa nitong palad pero bago pa sya makapagsalita ay siniil na sya neto ng halik.
Ang una nyang halik.
Ang lambot ng labi nito at ang halik ay napakagaan kaya pakiramdam nya'y nanlalambot ang mga tuhod, naramdaman pa nya ang kamay ng lalaki na pumulupot sa kanyang baywang.
Pero bat ganito, bat nya hinahayaang halikan sya ng lalaki, napaka bilis naman ata pero bago pa sya tuloyang madala ay tinulak na nya ito kaya bumitaw naman ang lalaki na kita sa itsura ang pagkamangha, Di na nya ito hinayaang makapagsalita dahil tumakbo na sya...
Pagkatapos ng tagpong yun ay nasa kwarto na sya at di tuloyan ng
Di dalawin ng antok dahil.
Sa naganap na kanina ang isiping hinalikan sya ng anak ng amo ay nagpapalito sa kanya ngayon.
Nagpapalit palit narin sya ng higa sa kama habang iniisip kung bat nagawa yun ng lalaki?
"Anu ba kasi pumasok sa utak ng lalaking yun at hinalikan ako?"
*****
Rafael's Pov.
"F**k, why I kiss her?"
Napahilamos sya sa mukha.
Di nya akalaing gagawin nya sa babae yun o dala ba yun ng init ng katawan?..
Kanina pa nya eto pinagmamasdan habang kumukuha ng tubig sa fridge hanggang sa mapadako ang kanyang tingin sa binti nitong napakakinis ang puwetan nitong bakat na bakat dahil sa suot.
Akala nya'y aalis na eto pero hindi dahil huminto muna sa harapan at mukhang may balak pang lumabas.
Nakasuot lang ito ng malaking damit at maikling short pero kitang kita ang tayo nitong dibdib dahil sa walang suot na panloob...
Bumaba lang naman sya dahil may kinuha syang package mula sa driver, kelangan nyang makuha yun dahil napaka importante.
Isa pa ang driver na yun na nagpapainit ng ulo nya!
Lalaki sya kaya alam nya ang galawan ng mga ganuon.
Nakikita nya mula sa kwarto kung paanong titigin ng driver na yun si Leah pag may iniaabot itong package at sigurado syang may gusto ito sa babae...
At nung isang araw din na naiwan sya sa bahay at nagkataon na binuksan ang kurtina ay tumambad sa kanya ang kaganapang mas lalo nyang ikina Inis.
Basang basa ang babae habang hawak hawak ng lalaki ang braso nito, at mukhang may pinag uusapan pa?
Tinawag at inutusan nya si Zia para papuntahin ito sa kwarto nya.
Sakto namang palabas sya ng banyo ng kumatok ito at pinagbuksan, bahagya itong nagulat at namula ang mukha pagkakita sa kanya.
Pero mas napagtanto nya ang iniisip dito ng mapansin ang katawan nito sa basang damit.
kaya naman pala ganun nalang din kung makatitig sa kanya ang lalaking yun...
****
"PREPARE ALL THOSE DOCUMENTS AS SOON AS POSSIBLE!!"
Halos tumilapon ang kape nya dahil sa pagpalo sa lamesa.
Nasisigawan nya ang secretaryang lalaki sa kabilang linya at late pa syang nagising.
Nahihirapan pa syang mag adjust tungkol sa trabaho at parating puno ang schedule nya na halos di na sya makalabas ng kwarto.
Magkaiba rin kasi pag nasa sariling opisina ka at hindi yung ganito kung hindi lang naaawa sya sa mama ay matagal na syang bumalik ng state.
Tatlong katok ang pumukaw sa atensyon nya.
Salubong ang kilay nyang pinagbuksan ang pinto,pero bigla rin nag aliwalas ang mukha ng mapagbuksan ang nakangiting mukha ng mama.
"Good morning son!"
"Good morning ma."
Sabay halik at yakap sa mama saka inaangat ang tingin sa babae na kasa kasama nito.
Niluwagan ang pinto upang makapasok ang mga ito.
"I have a meeting this morning Ma.
Can you wait for me atleast 30 minutes?"
"Sure son, go ahead."
Naghihintay ang mama nya sa balcony ng kanyang kwarto habang nakikipag kwentuhan sa babae, nakikita nyang magkasundo na talaga ang mga 'to...
Nang matapos ang meeting ay tinungo na ang mama..
"Then how is it, son?"
Ngiting tanong ng mama nya
Ngumiti sya dito at sinabi ang magandang balita.
"Congratulate me Ma, because i closed the deal in a good partnership!"
Malaki ang ngiti ng mama nito at binati sya, yumakap naman sya dito pabalik.
At si leah na nasa likod ng mama ay nagingiti rin para sa kanya, dinantayan pa ang kamay nito pero agad ding binawi ang kamay.
Iniwan narin muna sila ng babae para makapag usap ng sarilinan..
"This place is giving me relaxation, so i want to stay here son."
Hayag ng matanda.
"No problem Ma, you can stay here for a long time you want.
But I need to talk to them."
Anya sa Mama.
"I understand son, I know all of you is busy on your work but only I need is another woman who can take care of me and stay here. Leah is no longer with me anymore she need to go in her country."
Nakaramdam sya ng awa sa mama, matanda na ito at gusto nalang din mag pahinga na malayo sa ingay ng syudad.
Pero sa kabilang banda ay nalulungkot sya para naman sa sarili dahil matatapos na ang trabaho ng babae at di na nya makikitang muli.
Kailangan nyang mag isip ng paraan para di ito tuluyang makaalis at iisa lang ang nakikita nyang paraan ang
Islang yun!!
******
Faisal Pov.
Naglilinis ito ng sasakyan dahil utos ni Rafael.
Pagkakataon na nya para magawa ang pinaplano..
Nakikita na nitong papalabas ng bahay kasunod ng babae pero nagtataka sya kung bat ito kasama sa lakad nilang dalawa.
Napahampas pa sya ng mahina sa sasakyan...
Sinalo nya ang susing tinapon ni Rafael saka ito suminyas na mag drive..
Nakikita naman nya sa itsura ng babae ang pagtataka nito na minsan ay titingnan ang lalaki ng masama habang nakatalikod..
Pinagbuksan nya ng pinto ang babae sa harapan para dito sana paupuin pero biglang hinablot ni rafael ang kamay nito saka pinapasok sa backseat katabi nito..
Pumaikot nalang sya saka pumasok sa sasakyan, dito inayos pa ang salamin sa harap saka tiningnan ang babae na nakatingin din sa kanya.
May kung anong nararamdaman sya sa tagpo ng dalawa, at kung ano man yun ay kailangan din nyang malaman..
Nakarating sila sa bilihan ng sasakyan.
Dito nakipag kamustahan sya sa mga tauhan at kalaunay naghintay nalang din sa sasakyan kasama ang babae.
Kinakausap nito ang babae at napag alaman na isinama lang talaga sya ni Rafael para bumili lang ng bagong sasakyan..
Gustohin man nyang makausap ang babae ay masyado naman itong matipid sa pagsasalita at hanggang sa lumipas ang isang oras ay sa wakas dumating na ang lalaki na masama ang tingin sa kanya dahil nakadungaw sya sa loob ng sasakyan kaharap ang babae.
Tinawag nito ang babae para palabasin saka iginiya sa bago nitong sasakyan.
Umuwi syang mag isa sa Resort habang Di nya alam kung saan pa dinala ng lalaki ang babae.