Chapter 4

1267 Words
Leah Pov. Kelangan nilang maglinis ulit ng bahay kaya kanya kanya na silang parti, sya sa labas at ang mga kasama ay sa loob ng bahay. Umalis ang mga amo nila at isinama ang matanda, mas maganda rin pag ganito ang trabaho nilang wala ang mga amo dahil malaya silang  nakakagalaw. Lumipas narin ang isang buwan pero Imbis na umuwi sila sa mansion ay nanatili muna sila dito pansamantala at dahil yun sa kagustohan ng matanda.  kilala narin nila anak ng amo at Rafael nga ang pangalan nito, may pagka mabait din dahil minsan pa silang kinausap at nakipag biruan dito. Pero minsan din nya itong nakitang nagalit ng dalhan nya ng kape sa kwarto at sinisigawan ang kausap sa cellphone kaya tuloy natapon ang  kape sa lamesa nito at takot na takot syang humingi ng paumanhin, naaalala nya tuloy ang mama nito nung unang araw ng kanyang paninilbihan, Pero di naman ito nagalit sa kanya bagkos nag alala pa ang dahil daw baka natapunan sya ng kape... "Anu nangyari?" bigla nyang tanong sa sarili sabay kamot sa ulo biglaan kasi ang paghinto ng tubig. Inis nyang binuksan ulit ang gripo pero bigla nalang bumulwak ang tubig dahilan para mabasa sya ng tuloyan. Di nya alam kung paano ito aayusin. "What happened here?" Dinaluhan sya ni faisal at mabilis na inalis ang damit para pantakip sa gripong nasira saka kumuha ng ibang magagamit pamalit sa nasirang tubo.. "I-I'm not sure, just I saw the water gushed out! Natataranta kong paliwanag dito. "Okey, but next time ask for a help, you don't know how to fix it, right?" Anya pa. "OK, and thanks for help." Saka naman nya napansing nakatitig pala ito sa dibdib nya kaya naalarma sya at mabilis na tinakpan ang dibdib gamit ang paalad. "Bastos!" Bulyaw nya dito, pero kumunot ang nuo nito dahil di sya naintindihan "What?" Tatalikuran nalang nya ito imbis na sagutin pero bago pa sya makalayo ay hinabol sya nito at nahawakan sa braso. "Wait Leah, I'm sorry." Pakamot kamot ito saka sya binitiwan. Bigla naman syang tinawag ni Zia. "Leah,pinapatawag ka ni sir punta ka raw sa itaas!" Tumaas ang kilay ko sa narinig. "Bakit daw?" Nagkibit balikat lang ito. "Pero akala ko ba umalis din si sir rafael?" "Akala ko rin, kaya nga nagulat ng tawagin at uutusang papasukin ka... " Tatlong katok muna bago sya pinagbuksan, nakatapis lang ito ng tuwalyang pang ibaba. "Y-your calling me sir." Tanong nya habang mabilis na  tumalikod. "Come inside!" Ma autoridad nitong Sabi. Bigla syang naalarma sa isipan. Seryuso sya? Wala syang damit! Tapos papapasukin nya ako, ayuko!! Hahakbang na sana sya palayo pero bago pa tuloyang makaalis ay nahila na sya neto papasok saka sinandal sa pintuan. "What do you think your doing?" Nanigas at nanlaki ang mata nya sa tinuran ng lalaki ang lapit nito sa kanya. "W-what do you mean sir?" Halos pigil hininga nyang tanong dito dahil sa subrang kaba. "You're flirting with that man!?" Bahagya pang tumaas ang boses nito. "S-sir, I'm not!" "Yeah, you are! See yourself woman!" Sabay tingin ni rafael sa dibdib nya saka binalik sa kanyang mata. Naalala nyang nabasa pala sya kanina pero dahil sa pagmamadali ay nakalimutan na nyang magbihis man lang, apurado rin kasi ito kung mang utos. Mabilis nyang pinagsalikop ang braso para takpan ang dibdib. "I'm not flirting with him sir, and excuse me I'll go down." Sagot nya sabay irap dito. Lumabas sya ng kwarto at naabutan  nya si Zia na abala sa pagluluto. "Oh,nangyari sayo?" Tanong nito. "Mamaya na, magpapalit muna ako." Sabi nyang tuloy tuloy sa paglalakad. "OK, paki tawag narin sila para sabay na tayong kumain." Habol pa nito sa kanya. Tinungo nya ang kwarto at naabutan sila Elle at Mae na abala sa cellphone. "Pinapatawag na kayo ni Zia para kumain,susunod lang din ako magpapalit lang sandali." Anya. "Ano pinagawa sayo ni sir rafael? I felt something kasi eh" Makahulogang turan sa kanya ni Mae. Sabay na silang lumabas ni Elle sa  kwarto. "Sunod kana lang my friend." Pahabol ni Elle. Habang nasa banyo ay inalala ang kaninang kaganapan.. Bat ganito ang nararamdaman ko? Bigla bigla bumibilis ang t***k ng puso ko, saka bat sya nagagalit kanina, Anong paki nya kung makipag landian ako sa lalaki? Nakita ba nya ako kanina kasama ng faisal na yun? Nagseselos kaya sya? May gusto kaya sya sakin? No, no no no Hindi pwedi anak sya ni madam, Hindi rin ako pweding magka gusto sa kanya! Pero Di nya maiwasang mangiti sa tagpong yun kahit na sinong babae rin siguro ay Kikiligin sa ganuong sitwasyon! Natapos syang magbihis ay nagtungo na sya sa mga kasama ang mga mata nila ay sa kanya nakatutok. "Magkwento ka nga kung anong nangyari sayo kanina sa labas na basang basa ka?" Ano Zia. "At kung bakit ka pinatawag ni Sir Rafael sa itaas?" Tanong naman ni Mae. Si Elle ay tahimik lang na nakikinig parang may sarili itong mundo.. "Kwan kasi, yung tub-" "Wag mong sabihing -" Oh my god Leah!?" Binatukan nya sa ulo si Mae dahil siguradong iba na naman ang iniisip nito. "Ehm, kung ano ano iniisip mo!" Napakamot naman ito sa ulo saka pinagpatuloy ang kinakain. "May nasira kasi dun sa gripo sa labas, eh hindi ko alam panu ayusin kaya nabasa ako pero buti nalang dumating si faisal at tinulongan ako." Anya. Tumango ang mga kasama nya. "Eh yung si Sir sa itaas?" Si Mae ulit. "Nakita nya siguro kami ni faisal kaya hayun sinabing nakikipag landian daw ako. " "Tapos kaya ka ba nya pinatawag dahil dun?" "Diko sigurado, pero kasi pagpasok ko dun ay nagagalit na." Naningkit naman ang mga mata ni Mae sa sinasabi nya. "May nabubuo yatang selosan ah?" Ani Mae ulit na sinang ayunan pa ng dalawa. "Anong selosan?" "Ang hina mo talaga nuh! Syempre baka may gusto sayo si Sir kaya ka pinatawag." Totoo kaya na posibling magkagusto sakin si sir? "Hindi, hindi.. Saka tigil tigilan moko Mae ah, nakakadalawa kana nung una yang pag bibigay nyo ng number ko tas ngayon pag iisipan nyo pa ang anak ng amo natin?" Anya. "Joke lang, dikana mabiro sige na mauna na muna ako sa kwarto kailangan ko naring maligo eh." Anya na sabay sabay rin silang nagpaalam sa kanya kaya naiwan syang mag isa dito sa kusina habang pinagpatuloy ang ginagawang minatamis... "Can I try some?" Anang tinig mula sa likuran na sa paglingon ay natingala nya ang lalaki habang titig na titig ito sa kanya. Pipikit pikit pa nyang tinitittigan ito dahil papalapit ang mukha nito sa kanya na bahagya pa syang pumikit.. Di nya alam kung ilang sigundo syang ganuon at sa pagdilat ay ang mukha ng lalaki ang nakita, pumantay ito sa kanya habang tinitingnan ang kabuuan ng kanyang mukha.. Kagat kagat parin nito ang pastilas na gawa nya habang titig na titig parin ito. "Why your face making red?" Anang lalaki sa kanya na mabilis naman nyang pag atras. Naramdaman nya ang pahinga nito ng malalim habang nasa likod parin. "Sorry for my words earlier." Humihingi ba ito ng paumanhin? Dahil ba sa kaninang Sinabi? Pero kung oo man pwes diko tinatanggap ang sorry mo, pagkatapos mokong sabihan na nakikipag landian? Manigas ka!! Binibilisan nalang nya ang ginagawa para makaalis narin sya dito, masyado syang naaasiwa sa presensya nito pero bigla pa nitong hinawakan ang kamay nya dahilan para matigil sya sa ginagawa. "I said sorry Leah." Kasabay ng pagkabigla nya sa pag hawak ng lalaki sa braso ay ang agad din nyang pagtanggap sa  sorry nito... "Bat ganito, bat Di ako makatulog? Bat ko sya iniisip?grrr!".....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD