NETHAN'S POV. ANG NAKARAAN... Dinadala ko na naman ito sa opisina ng aming bahay at patulak na pinapasok. "Ano bang problema mo, mahal ko? Eh, gusto ko lang naman tumira dito para makasama ka." "Hindi ako nakikipaglokohan sayo Hannah, kaya isang pagkakataon nalang ang binibigay ko para umalis ka." "Edi subukan mo, nang sabihin ko rin sa kanya ang pagdala mo sa akin sa bahay na yun at ang ilang beses din nating pagtatalik." Malakas ko itong sinampal dahilan para mapaupo sa sofa, at lapitan ulit para hawakan naman sa panga.. "Subukan mong sabihin ang kasinungalingang yan ng mawala kana ng maaga." "Ang sama mo, napakapasama mong tao." Mariin pa nitong sabi, pero patulak ko lang itong binitiwan saka tinalikuran. "Sorry na mahal ko... Pangako hindi ako magsasalita ng kahit na

