NETHAN'S POV. Nasa loob ako ng opisina ng taong hinihintay habang nababasa ng libro nitong nasa lamesa, binuklat ang isa at lengguaheng Filipino ang nakasulat, kaya nagtataka kong binasa ang likuran nito at ang may akda ay hindi ko kilala, ngunit ang pakiramdam na hinahatak nito pagkatao ko sa bawat katagang binibitawan... Bumukas ang pintuan at isang lalaking kasing tangkad ko rin ngunit halata kong mas bata ito sa akin. Kinakausap ako nito sa lengguaheng kanilang ginagamit saka nakipagkamayan. "Maupo ka Mr. Hendas." "Salamat Mr. Hassan." "Sya nga pala, pagpasensyahan mo na kung ngayon lang ako nakarating kinailangan ko pa kasing yayain ang mag-iina ko para kumain, kaya nakalimutan kong may importanting tao pala akong kakausapin." Hinging paumanhin nito. "Ayos lang, naiintindi

