NETHAN'S POV. Dalawang buwan na rin ang nakakalipas ng madala ko na ito dito sa amerika, ngunit sa paglipas ng mga araw ay nananatili parin itong tulog. Naupo akong muli sa tabi nito at hinawakan ang kamay habang pinagmamasdan ang mukha... "Baby, please gumising kana hindi ko na kayang makitang ganito ka, at saka ang mga anak mo ay gusto ka na ring makita, kaya please gumising kana." Bulong ko pa habang pinipigilan lang ang sariling wag magalit, dahil sa totoo lang ay punong puno na ako ng paghihinagpis sa kagustohan lang na magising na ito.. Yumakap akong muli dito at hinalikan ang labi nito hanggang sa unti unti naring bumibigat ang talokap ng aking mata... ****** ALAALA... NETHAN'S POV. "Ano ba kuya, maglalasing kana lang ba dyan at hindi aasikasohin ang mga bata?! Ilan

