NETHAN'S POV. Umabot na ng dalawang linggo ang paghihintay namin sa mama nila at ni anino nito ay hindi man lang nagpakita, pinapahanap ko narin sa mga tauhan ngunit wala silang nakalap na balita, kaya ngayon ay nagdesisyon na akong dalhin ang mga bata patungong amerika... "Daddy baka umiyak si mommy pag nakita po tayong wala na sa bahay." Inosenteng tanong ng aking babai. Nakasakay na nga kami ng eroplano at paalis narin ito.. "Don't worry anak, susunod rin ang mommy nyo sa atin pag nakita ang sulat na iniwan natin..." "Mommy is dead na po ba daddy?" Tanong ni Yasir na nagpakaba sa akin. Ayukong isipin at sabihin sa mga bata ang tungkol sa ganitong sitwasyon, ngunit sila na mismo ang nag aakala, pero naniniwala ako na buhay pa ang mahal ko at darating syang muli sa amin...

