CHAPTER 8

2998 Words
"ANO BA! Wag ka ngang malikot Estong." Bulong ko sa katabi kong napakalikot. "Atsaka, wag ka ngang maingay diyan at baka makita at malalagot talaga tayo dito." Nayatamot kong dugtong. Napapakamot naman si Estong sa batok niya, "eh sa bakit kasi tayo nandito ha?" Sermon niya. "Kung malalaman to ng Nanay at Tatay mo pagagalitan ka nun." Napairap lamang ako sa hangin at itinuon ang atensyon sa harapan. Mas inilapit ko pa ang sarili ko sa party, ngunit nakatago parin sa mga malalaking paso ng bakuran ng mansyon na ito. Namamangha akong pinagmasdan ang kasiyahan sa aking harapan mula sa pinagtataguan ko at baka makita kami ng mga napakaraming guwardya sa paligid. Pumuslit lang kaya kami rito makita ko lang ang napakagandang bahay. Inakyat pa namin ni Estong ang malaking bakod mula sa likod makapunta lang dito at nagtatago. Mga nagkikislapang mga ilaw at mga iilang batang naghahabulan sa di-kalayuan. Ang gaganda pa ng sout nilang mga bistida. Sigurado ako at mamahalin ang mga iyon hindi katulad sa akin na mumurahin lang at nabibili lamang diyan sa palengke. Nakakainggit tuloy ako. Sana ay may ganyan rin ako. "Pipay, hali ka na at baka mahuli pa tayo rito." Hindi ko na pinansin pa ang sinabi ng katabi ko at naaliw na pinagmasdan ang paligid. Mula sa napakalaking mansyon ng kilalang pamilya dito sa probinsya sa mga taong nagsiyahan at nagtatawanan. Natuon ang pansin sa isang batang lalake. Sa pagkakaalam ko ay ito ang may kaarawan ngayon kasama ang kakambal nitong babae. Hindi ko nga lang sila kilala. Halos magkaedad lamang sila ni Estong na apat na taon ang gulang sa akin. Nakuha nito ang atensyon mula sa kasiyahan. May kausap itong isang batang lalaki rin. Sout nito ang puting tuxedo, yun daw ang tawag sa damit ng mga mayayaman kung may kasiyahan na ganito sa kanila sabi ni Estong sa akin. Hindi ko alam kung anu ang pinag-uusapan nila ba panay kasi ang lingon ng kaharap niya sa kakambal na babae na may ibinigay na bagay sa mga iilang bisita nito. Napasimangot naman ang batang nagsasalita at binatukan nito ang kaharap na nakasimangot na ngayong nilingon ang huli. May sinabi ito ngunit hindi ko marinig dahil sa layo ko sa kanila. "Pipay hali ka na, umuwi na tayo at baka mahuli pa tayong pumasok rito. Bawal iyon." Nilingon ko si Estong, " mamaya na..." Aniko at ibinalik muli ang tingin sa harapan. Ngunit, wala na akong makita dahil may nakaharang sa harapan ko. Tsk. "Ano ba yan! Nakaharq ka e' umalis ka nga." Naiinis na sabi ko sa harapan. Pero matigas ang nasa unahan ko. "Pipay..." "Tsk. Ikaw rin ang ingay mo." "Pipay..." "Tumahimik ka nga Estong," Naiinis na ako sa harapan ko ha. "Pipay..." "Ano ba---" Kumunot ang noo ko ng may itinuro si Estong. Nang tingalain ko ito at doon ko lang napagtanto kung ano ang nangyayari. Nanlalaki ang mga mata ko. Ang batang nakikita ko lang kanina ay ngayon nasa harapan ko na ay kasama nito ang isa pang batang kausap nito. "Who are you?" Salita nito. "What are you doing here?" Napalingon ako kay Estong na ngayon ay namumutla na. Patay! PINAGMAMASDAN ko ngayon ang aking sarili sa harapan ng salamin. Wearing a yellow spaghetti strap v-neck dress. Hinagod ko ang aking boung katawan ng tingin, may nagkikislapan rin itong diyamante sa aking bewang more like a belt; a slit from my mid-tigh down to my ankle to give it more sexy, simple and elegant. An updo with a messy hairstyle that perfectly braided looking all over that gives a beautiful waves and paterns on to top it all. Pinaresan pa iyon ng napakasopistikadang make-up sa aking mukha. At five inches na puting high heels. Para naman akong papatayin sa sout kong high heels. First time ko pa naman magsout ng ganitong bagay. At first ko rin ang dumalo sa isang party. Noon pa lang ay pinangarap ko na ang dumalo sa mga kasiyahang tulad nito. Hindi ko mapigilan ang ngitian ang babae sa harapan ng salamin. Naks! Ganda mo talaga 'pay. Napalingon naman ako sa pinto ng bumukas ito at iniluwa ang poging-pogi sa tuxedo nitong si Abel. Nang masilayan niya ang gandang taglay ko ay napangisi ito. "Naks, naman gandang-ganda natin 'a." Anito. Hinagod ng tingin nito ang bou kong ayos. Umikot pa ako para makita niya ang likod ko. Hindi ko pa pala nakikita ang likod. It is a backless. Kitang-kita talaga ang sexy kong likod. Akala ko nga ay simple lang ito pero nang makita at maisout ko na ay doon na nakita ang pagka-daring nito. Simple yet sexy. "I bet for sure he will be drooling when see's you." Napapakunot naman ang noo ko sa sinabi. "Ha? Sino?" May ngisi sa labi nitong nilipat ang paningin nito sa akin. Inilagay niya ang dalawang kamay sa mmagkabilang bulsa nito. "Secret." He wink. "Come on. They are waiting downstairs." Sabi pa nito at nauna ng lumabas ng kwarto. Napakibit-balikat na lamang ako at sumunod sa kanya palabas ng silid. Bumaba ako ng hagdanan at mula roon ay nakikita ko pa ang ibang kasama ko. Mukhang ako na lang ang hinihintay nila. "Yow! Pipay! So gorgeous." Hindi pa ko nakababa ng isigaw iyon ni Jadd. "Sexy," Kaia seconded. "Pretty." Echo added then wink at me. Hindi ko na lamang pinansin ang tatlong itlog at nagpatuloy sa pagbaba ng hagdan. "Pipay, are you ready?" Bungad sa akin Egan pagkababa ko. "You look gorgeous by the way." He added. "Thank you." Ngumiti ako sa kanya at inilibot ang paningin ng mapansin kong kulang kami. Napakinot naman ang noo ko. "Nasaan ang iba?" Tanong ko sa kanya. Ang nakikita ko lang ay sina Abel, Cain, ang tatlong itlog at si Cassius. And of course, Admiral Aurelian Devereux wearing her sparkling lace sleeves red evening sexy gown that shows her every curves. Nasa kanang bahagi nito ang blonde nitong wavy na buhok. She formaly smile at me, "Goodevening, Miss Pyper." Nginitian ko rin bilang pagbati. Tiyak na halata sa mukha ko ang pagtataka kaya nagsalita si Egan. "Ahm, they have an another errands to do." Tumango na lamang ako sa sinagot niya. "Si--" "Kevin?" Putol sa akin ni Abel na ngayon ay nakangisi na at nakipag-apiran pa sa kapatid nito. Pinaningkitan naman ko naman silang dalawa. Kapagkuwan ay narinig ko pa ang mahinang halakhak ng mga kalalakihan. "Ayun." Gamit ang nguso ni Cain ay itinuro nito sa akin kung saan si Kevin. Nang malingunan ko ito ay nakita ko itong nakatitig lang sa akin. Mouth open. Nasa tenga nito ang selpon na parang may katawagan pa. Mas kumunot ang noo ko ng malaglag ang selpon nito sa lapag. Kasabay din nun' ang tawanan sa paligid. Nagtatakang binalingan ko sila. "Anong problema niyo?" Imbes na sagotin ay naghiyawan pa sina Jadd, Kaia at Abel. "Fvck!" Si Echo na nagkakamot pa sa ulo nito. "Tangina naman 'o." Mura pa ni Cain at may hinugot sa bulsa nito. Nagkumpolan naman sina Jadd, Kaia at Abel sabay lahad ng mga kamay nila na may malapad na ngisi sa labi. "This is your fault!" Inis na baling ni Echo kay Cain. "Anong ako ikaw kaya." Sagot naman ni Cain. "Bud, walang dayaan." Ang lawak ng ngisi no Jadd. "Yeah bet is bet so, give it to us." Kaia. "Cain, anu ba yan? Amin na." Abel. "Tsk!" "Anong nangyayare sa kanila?" Baling ko kay Egan na natutuwa sa nakikita sa mga baliw na kasama namin. "A bet." Tipid na sagot niya. "Bet?" "Yeah." "Anong bet?" Tanong ko ulit. Nakakalito naman nitong kausap. Nakangisi itong bumaling sa akin. "It's you." Mas lalong kumunot ang noo ko sa isinagot niya. "Hey!" Nabaling ang atensyon ko sa nagkakagulong mga kalalakihan at tila may binibilang. Ang dalawa naman ay bagsak ang mga balikat nito. "Yes! May pambili na akong corneto!" Sigaw ni Jadd bigla. Kung makasigaw ay parang nananalo lotto. "Pipay ililibre kita, ano ba gusto mo?" "Bibili ako ng icepop." Ang lalawak ng ngiti ng tatlo. Sinundan ko lang sila ng tingin hanggang sa makalabas ito ng mansyon. Ang dalawa naman ay ayun nagsisihan. Weird na nga baliw pa. Hinayaan ko na lamang ang mga ito sa kabaliwan nila. Nilingon ko naman ni Kevin na nakatulala pa rin kapagkuwan ay tumikhim ito. "Magkano ba ang pustahan nila?" Tanong kay Egan na nakatuon ang mga mata ko Kevin na inaayos ang sarili nito. "Bente." Hindi makapaniwalanh mabilis akong napabaling rito. Kunot ang gatla ng noo. "Seryoso?" Tumatango-tango ito bilang sagot. Hindi ko maintindihan, ano ba ang pinagpupustahan ng mga baliw na iyon at bente pa talaga ha. "Let's go, the party will be start any minute by now." Mariin ang pagkatitig nito sa akin atsaka ito tumalikod at umalis na lang. Binalingan ko muna si Egan at nagkibit ng balikat. Nginisihan lamang ako ng huli at naunang maglakad palabas ng mansyon. Pagkalabas ay bumungad sa akin ang limang mha magagarang kotse. Nakita ko sina Abel na nagbibilang ng barya nito sa kamay habang nakangisi, si Cain naman ay ang talim ng tingin nito sa kapatid. Walang pakealam ang huli sa kakabilang ng barya nito. Nilapitan ko sila. Tumikhim ako, "so?" Naptigil sa pagbibilang si Abel at natuon ang pansin nila sa akin at kapagkuwan ay tinaasan naman ako ng kilay ng dalawa. "Anong 'so'?" Asik ni Cain, mukhang talagang ang laki ng natalo nito. "Diyan ako sasakay diba?" Punto ko nakakrus ang mga braso sa dibdib. "Not here, Pyper." Si Abel at pinagpatuloy ang bibilang. "Ha?" Nagtataka akong umalis ang dalawa sa harapan ko. "T-teka saan kayo pupunta?" Sinundan ko sila ng tingin papasok sa sasakyang nakaparada. "Hindi niyo ba ako isasama?" Tumigil si Abel na nasa harapan ng driver seat. "Pipay, hindi ka dito sasakay." Nakangising sabi nito at pumasok sa loob. Hindi maproseso ng utak ko ang sinabi niya hanggang sa umalis ang sasakyan sa harapan ko. Ilang beses akong napapakurap, "hala! Hoy! Iiwan niyo 'ko dito! Mga hayup!" Wala na akong pakealam na nagpapadyak na lang sa inis na nararamdaman. Haayyss...kainis to. Saan ako ngayon sasakay? Tch. Pati rin si Aurelian nawawala na rin. Nakikita ko rin ang mga sasakyan na isa-isang lumalayo sa paningin ko. Marahas na napabuga ako ng hangin, tsk, babalik na siguro ako sa kwarto ko at doon magpakatanga boung gabi kasama ang mga butiki. Babalik na sana ako ng marinig ko ang isang pamilyar na boses. "Where are you going?" May pagtataka na bumaling ako rito. Bumungad sa akin si Kevin na nakataas ang isa nitong kilay habang nakakrus ang mga braso nito sa dibdib. Ngayon ko lang napansin ang sout nitong grey na three-piece tuxedo at bowtie. He is really handsome on that attire. Samahan pa ng ayos na ayos nitong buhok. Napahakbang ako ng isang beses ng magsimula itong maglakad papalapit sa akin. Ilang hakbang na lamang at magakakalapit na ang aming katawan. Nasamyo ko ang napakabango nitong mamahaling parfum. "Ano?" Nakatingala ako sa kanya dahil sa tangkal nito. Imbes na sumagot ay mas iniyuko nito ang ulo upang mas magkalapit pa ang mga mukha namin. He has this smirk plastered in his lips. Two hands on his pocket. Nanlaki ang mga mata ko. "Did i told you that you are really amazing tonight?" Mababa ang boses nitong tanong. Tila ay nang-aakit ang tono ng boses nito. Sa hindi malamang kadahilanan ay bumaba ang tingin ko sa maninipis nitong mga labi. Tila ay nanunuyo ang lalamunan ko. I mentally groaned at myself. s**t! Pipay gumising ka! Wag kang matulala lang diyan. Napakurap ako ng ilang beses at pinaningkitan si Kevin. Humakbang ako ng isang beses para naman makahinga ako ng maayos dahil hindi ko namamalayan na hindi na pala ako humihinga kanina sa lapit namin. "I already know that i am gorgeous and thank you for your flirty complement by the way." Hindi talaga ako maniniwala at hindi ako uto-uto sa mga ganitong bagay. Marami ng kababaihan ang nahuhulog sa mga ganyang da moves ng mga lalake. Yung kino-complement nila sa kung gaano ka kaganda si gurl. And si gurl naman ayon, nagpalandi naman kasi gwapo si lalaki. Hindi ako tanga para maniwala sa mga ganyang bagay. So, don't me. Nabalik sa riyalidad ang lumulutang kong isip ng marinig ko halakhak nito. Nakatingala pa ito itaas tila ay pinipigilan ang luha nito. Pagkatapos ay mariin akong akong tinitigan ng mga mata nito. "I picked a very rare flower but, beautiful." Kumunot naman ang noo ko. Hindi na ako nagsalita pa at sinasabayan ng mata ko ang bawat galaw nito. Inangat nito ng bahagya ang pulsuhan nito upang makita ang relo nitong kulay ginto. "it's about time." Anito at pinukulan ako ng isang makahulugan na tingin at ngisi. "We have a new member by midnight, so, hope in before myself will do it for you." Sambit nito. Hindi na ako nagdadalawang-isip pa kahit na naguguluhan. Agad akong pumasok sa passenger seat at inilagay ang seatblet. Naramdaman ko pa ang paggalaw sa kabila. Nakita ko pa itong nakangisi habang ikinakabit ang seatbelt nito kapagkuwan ay napanganga dahil sa kinindatan pa ako nito. Tangina 'tong gagong 'to ha. Namalayan ko na lang na umandar ang sinasakyan at tahimik na binapaktas palabas ng ancestral house nito. Nakatanaw lamang ako sa labas ng bintana kahit wala masyado akong makikita dahil sa dilim. May mailan-ilan naman akong nakikitang mga bahay. Hindi tulad sa syudad ang mga bahay dito ay hindi pipitsugin lang. Wala pa nga akong nakikitang kahit barong-barong lang. Sa ilang minutong pagmamaneho nito ay tahimik lamang kami hanggang sa magsalita ang nasa tabi ko. "Be cautious this night." Mula sa bintana ay nabaling ang tingin ko sa kanya. Ano ba ang tingin sa akin ng lalaking ito, padalos-dalos? Hindi ako ganoon. Bago ko gawin ang isang bagay ay iisipin ko muna bago ako umaksyon. Aaminin man o hindi, may mga tao talagang gagawin ang mga bagay na gusto nila hanggang sa magsawa habang hindi iniisip ang kinakalabasan nito. "Alam mo bang paulit-ulit mo na yang sinasabi sa akin." Napahalukipkip ako, ang atensyon ay nasa labas na ng bintana. "I'm just reminding what you do." Sabi nito, nasa harap ang atensyon at kunot ang noo. Napabuntong-hininga ako. "I know, i know. So, stop reminding me that nonsense thing." "That's not a nonsense thing, Pyper." Naramdaman ko na sa boses nito na tila ay naiinis ito. Bumaling ako rito, "ano ba ang pinupunto mo?" Pinaningkitan ko siya ng mata. "Na padalos-dalos ako sa mga ginagawa ko? You don't know me so shut up." "Yeah. I really don't know you. But, you're wrong, baby." "Ano?" "We're here." Salita nito kapagkuwan ay nabaling ang tingin ko sa labas. Ganoon na ba nawala ang isip ko sa paligid dahil sa pagdediskusyon namin kaya hindi ko na namalayang nakarating na pala kami sa pagdadausan ng party. Naiiling na pinukaw ang sarili. Narinig kong bumukas ang pinto sa gilid ko at bumungad roon si Kevin na nakalahad ang kamay sa harapan ko. Nakataas ang kilay nito, "what are you waiting for?" Mas inilapit pa nito ang kamay sa akin. Walang pag-alinlangan na tinanggap ko ito at lumabas na ng sasakyan. Pag-angat ng aking paningin ay bumungad sa akin ang napakalaking mansyon. Napanganga naman ako sa nakikita ko. Kasing-laki nito na ang isang mall. Isang beses lang ako nakapunta rito pero ngayon ko lang mas napagmasdan ang bawat detalye ng napakalaking bahay nito. And i felt, homey and secure dahil sa labas pa lang ay napakaraming ilaw ang nakapaligid rito. Tila pinaparating sa bumibisita rito na feel at home. Iginaya ako ni Kevin papasok ng mansyon habang nakanganga pa ring nakatingala sa boung paligid. Nakakamangha naman! Nang makapasok ay bumungad sa akin ang tahimik na paligid. Nagtataka naman akong napabaling sa katabi ko. "Tama ba ang pinuntahan nating venue? Baka trespassing tayo dito." Sabi ko pa na inilibot ang paningin sa paligid. Naghahanap ng mga taong nakasiyahan at baka gino-good time lang kami ng birthday celebrant. Maliban lang sa mga katulong na nagsisiyukuan ng makita kami. "Nuh." "Bakit walang tao?" Iginaya parin ako ni Kevin sa kung saan. Binuksan nito ang napakalaking pinto at bumungad sa akin ang malawak na dining area. Halos lumuwa ang mga mata ko sa laki nito. Parang magkakasya dito ang singkwenta katao sa laki ng dining table at sa napakaraming magagarang upuan. May chandelier pa sa itaas nito. "Mister Grant," napalingon ako sa nagsalita. At doon bumungad sa amin si Commander Vasiliev sout ang magarang black amerikana nito. "And Lady Pyper, Welcome." Sa bawat English nito ay madiin itong nagsalita. "The party will start, you two should be in Stavro's by now." "Sorry for the inconvenience Commnander Vasiliev we're having a little time with my woman." Salita nito habang tinapik-tapik pa ang kapay ko na nakakapit sa bisig nito. Mabilis na tinapunan ko ng masamang tingin ang katabi ko. Ano ba ang pinagsasabi ng isang ito? "I understood, shall we?" May ngiti sa labing anito. Agad na inakay ako ni Kevin sa isang pinto. Pagkabukas ay yumakap sa akin ang malamig na hangin ng gabi. Ang ilang buhok ko ay tinatangay ng simoy ng hangin. Kung sa labas ng mansyon ay napanganga ako pero ngayon sa nakikita ko ay halos lumubwak ang mata ko sa nakikita ko sa di kalayuan sa amin. "Hey, flies will be your dinner, baby." Bulong sa akin ni Kevin. Hindi ko na itinuon ang pansin sa napakalapit nitong mukha sa gilid ng tenga ko. Ang boung atensyon ko ay nasa harapan ko. Dinig na dinig ko pa ang hampas ng alon sa haliging semento. "Totoo ba itong nakikita ko, Kevin?" Wala sa sariling tanong rito. Nakatanga pa rin ako sa harap ko. "Yeah," tipid na sagot lamang nito. Hindi ko alam kung ano ang salitang ipaliwanag o deskripsyon sa nakikita ko. Nakatanga parin na humarap humarap ulit sa amin si Commander Vasiliev, "This is one of Stavro's battleship." Nanlaki ang mga mata ko." Battleship? But, for now, this will be the place for the party as the Lord request and ofcourse, i will be your captain." Battleship?! Captain?! Tangina!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD