CHAPTER 7

2352 Words
NAGMAMADALING lumabas ako ng boutique na pinasokan at hinahanap ng mga mata ko ang huling lalakeng lumabas dito. Nang makita, nasa malayo na ito, pero, nakikita ko pa rin siya dahil sa laking lalake nito. Sa tantya ko ay tatlong store ang layo ko sa kanya. Tsk. Dinala-dala ako dito tapos iiwan rin naman. Kinuha ko muna ang mga paper bags at nagpasalamat muna sa mga nag-asikaso sa akin bago ako sumunod kay Kevin. Nang maabutan ko siya ay agad itong lumingon sa akin sandali at inabala muli ang sarili nito sa paglalakad. Nasa harap ang atensyon nito at nasa mga bulsa naman niya ang mga kamay. Tahimik lamang kaming naglalakad at pasulyap-sulyap sa katabi kong walang imik. Kunwaring napaubo ako para makuha ang atensyon niya at hindi naman ako nagkamali dahil nilingon ako nito na nakataas ang dalawang mga kilay. "Ahm..." Simula ko at tumikhim ulit. "Saan ulit tayo pupunta?" Nagkibit-balikat ito. "Nuh, just stroll," Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nito. Tirik na tirik ang araw mag-gagala lang anu yun? Ang init kaya, mas mabuti pa nga doon na lang ako sa ancestral house nito nagpaiwan. Ang lamig pa ng simoy ng hangin. "Tsk." Napapasimangot na pinagpatuloy ko ang pagsunod sa kanya. "And Pyper," napaangat at napalingon ako sa pagtawag niya sa pangalan ko. "Familiarize this places, store, roads and even the people." Nalilitong pinagmasdan ko siya. "Understand?" Tanong nito na yumuko para makita ako. Ngayon ko lang napansin na nakahinto na pala kami sa gitna ng dinadaanan ng mga tao rito. Hindi rin nalayo sa mga mata ko ang kakaiba nilang pagtitig sa amin. Nang pumasok sa isip ko ang ibig niyang sabihin ay nakatitig ako sa mga mata nito habang dahan-dahang napapatango. Kapagkuwan ay nagpatuloy muli kami sa paglalakad. Napansin ko naman na nagsisindi ng sigarilyo si Kevin. Napapangiwing napasulyap sa kanya habang binubuga nito usok mula sa yosi. Feel na feel pa talaga ang hithit nito. Bakit ba ang hilig nito sa pagsisigarilyo, hindi na nga ako magtataka dahil sa laking tao nito ay makikita ko na lang siya sa malaking puno at naninigarilyo. "Pfft!" Pigil ang tawa ko dahil sa naiisip ng baliw kong utak. "What?" Nakakunot naman ang noo niyang tanong. Napailing-iling ako habang sa ibang direreksyon nakatingin. Tumikhim ako, nagdadalawang-isip kong itatanong ko ba ang nasa isip ko ngayon. There's no wrong to question him some things that makes my mind go crazy. Isip kasi ako ng isip dahil wala naman siyang sinabi kung ano ang ipapagawa niya talaga sa amin dito. But, I have an idea about this kind of things, i just have to clarify some things so, my mind go at ease. May karapatam naman akong magtanong. Pakapalan na lang talaga ng mukha. "Ahm...Kevin?" Tawag sa pansin ko sa kanya. Sumulyap muna sa akin ito saglit pagkatapos ay ibinalik muli ang atensyon sa harap niya at nagyo-yosi. "What is it?" Anito. Hindi patin nakatingin sa akin. Bumuga ako ng malakas, "simula ng dumating tayo dito," tinitigan ko siya ng mabuti. "hindi pa ko rin alam ang dahilan kung bakit ako, kami, ang pinili mo para bagay na ito." Huminto siya sa paglalakad ganoon din ako. "Ang kukuha sa importanteng bagay para sayo." His stares makes my knees weak. I don't know why but, i found myself staring at him intenly. Like, I'm staring my reflection through his chocolate-like eyes. His both hands on his pocket, "why did i chose you even though there are so many like you, more expert, smar and cognitive than you," he smirk. There is something playing on his eyes. "but still, I'd choose you." Mahina itong humalakhak, tumingala sa langit na para bang may kung anong bumabagabag sa isip niya na nakakatawa. His mind is joking. I told you. Nagkibit ito ng balikat, "I don't even know why i chose you but, all I know is you make me choose you." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Baliw na ba ang isang ito. Noong isang araw nga lang kami nagkita at nagkausap tapos ngayon sasabihin niya ako daw ang dahilan kung bakit ako ang pinili niya. Ang gulo naman ng lalaking ito. Abnoy na ata. "Ano?" May halong pagkairita sa boses kong tanong. I stepped backwards when his face is an inch from me. "Now, tell me, why i choose you, Pyper." Fvck! Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa, tuloy ay, parang nagririgudon ang puso sa bilis ng t***k nito. "Abnoy ka ba? Aba't ewan ko sayo." Agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya ay inilang hakbang paatras. Nakikinita ko pa itong nakangisi sa gawi ko. "Come on. May pupuntahan pa tayo." Doon na ako tumingin muli sa kanya. Muli ay napabuga ako ng hangin at pinakalma ang kinakabahang dibdib. Tinatapik-tapik ko pa ang pisngi ko feeling ko ay namumula ito. Nakita kong papalayo na naman sa akin si Kevin kaya ay may pag mamadaling sinundan ko ito. Ang bigat-bigat pa naman ng mga dalawa kong paper bag. Tsk. AKALA KO tapos na ang pamimili ng mga damit, kaso, eto ako, para akong nagtatrabaho na walang sweldo para sa twenty-four-seven na on-duty. Peste lang! Oo nagpapasalamat ako kasi may bago akong mga damit pati na rin sa mga sapin sa paa. Nakakabwisit lang kasi. Nasa akin lahat ang pinamili niyang nga gamit. Kung pwede lang talaga na bumulagta ang isang ito sa isang tinginan lang ay ginawa ko na. Sana pala may laser-beam ako katulad ni superman. Para isahang p*****n na lang ang lalaking ito. Tsk. Nakakainis din kahit na ganoon ay ang poging-pogi parin niya. Kainis! Ngayon ay papalabas na kami ng huling store na pinasokan and thank god! Makakauwi na rin ako at makakapagpahinga. Pagkalabas na pagkalabas ay bumungad sa amin si Egan ang butler ni Kevin s***h pogi rin at s***h macho. Para nga lang siyang ewan sa buhok niyang pang-mais ang datingan dahil sa kulay dilaw ito. But, all in all, napaka-pogi pa rin nito. Prente itong nakasandal sa pulang magarang kotse na sa pagkakaalam ko ay isa itong Lamborghini. Hindi ako mahilig sa mga ganitong bagay kaya ganoon na lang na hindi ko alam ang tawag sa mga ganyanan. "Good afternoon, boss." Nang makita kami ay bati nito. Tinanguan naman ako ito. "Here's your key." Binigay nito ang isang susi kay Kevin na tinanggap naman ng huli. Pinagmamasdan ko lamang si Egan na pumasok sa isang puting kotse pagkatapos ay paharurot itong umalis na lang. "Hop in." Anito ni Kevin. Hindi na ako nagsalita pa at bago pumasok ay pinaglalagay ko pa muna ang mga sangkaterbang mga pinamili niya. Pagkatapos ay pumasok na ako at umupo sa passenger seat. Bago ko pa mailagay ang seatbelt ay bigla na lang niya pinaharurot ang sasakyan na ikinatili ko. "Fvck! Ano ba Kevin! Magdahan-dahan ka naman!" Narinig ko pa siyang tumawa na ang sarap batukan. Nagmamadali akong inilagay ang seatbelt at umayos ng upo. Para kasing may humahabol sa amin kung makaharurot ng sasakyan. Pagkarating sa ancestral house nito ay nagmamadali akong lumabas ng kotse niya. Sinamaan ko naman ng tingin so Kevin ng makalabas ito. "what?" Inosente pa nitong tanong. Inirapan ko siya at nauna ng pumasok ng mansyon. Pagpasok ay naabotan ko ang magulo at maiingay na nga tao na nandirito. Napansin kong naghahabulan sina Kaia, Echo at Jadd. Pinagkakaisahan ng dalawa ang huli. Naghahabulan na makuha ang selpon nito. Tawa ng tawa naman sina Kaia at Echo habang nagatitig ang mga mata sa skrin ng selpon. Si Jadd na naman ay ayun ang pula na ng mukha sa hindi ko malaman na dahilan. Nakikita ko rin si Urion na tutok sa laptop nito sa isang pang-isahang sofa. Si Otis at Cain naman ay nagch-chess habang nanunuod sa tabi nito si Abel. Cassius on the other hand playing on his cellphone, silently. "Fvck! You assh-le! Give me that phone to me!" Galit na sigaw ni Jadd sa dalawa. "s**t! I cannot believe it! Nagawa mo ba talaga ito Jadd?" Parang mawawalan na ng hininga si Kaia na katabi naman nito si Echo na kulang na lang maglupasay sa sahig sa kakatawa. Napapailing na lamang ako. Lalagpasan ko nasa ang mga abnoy na ito ng may napansin akong weird sa lahat ng weird. Napapakunot ang noo ko ngayon kay Siruis, kunot ang gatla ng noo nitong tutok sa pagma-manicure ng isang babae sa kanya. May mahaba itong buhok na naka-ponytail at bangs. She has this heart shape face and red cheeks. Mamula-mulang mga labi. "Done!" Napakurap-kurap ako sa sinigaw. "Okay, sa kabila naman, Siruis." Utos nito sa lalake na sinunod naman ng huli. "Pink is really cute on your fingernails." Nakangiti itong nakatitig sa mga kamay ni Siruis. Napatanga ako. Seriously? Alam ko namang weird si Siruis pero hindi sa ganitong ka-weird na napapa-manicure ito sa kamay. "Yeah. Pink is cute." Walang emosyong sang-ayon ni Siruis. Mariin ang titig nito sa kukong may kulay pink. Nakanganga naman akong napatitig sa kanila. And who the hell is this woman, by the way. Napansin siguro ng babae na may nakatitig sa kanya kaya nagtagpo ang aming paningin kapagkuwan ay nakangiti itong tumayo ng tuwid. "Hi. I'm Admiral Aurelian Devereux, Lourd Napoleon sent me here to escourt everyone of you to his party this coming evening." Ang kaninang masayang mukha ay napalitan iyon ng kaseryosohan ng magpakilala ito. Tumitig lamang ako sa kanya. Sa katunayan ay napakaganda niya. Hindi ko man lang napansin ang sout nito. She's wearing navy-red military outfit kaso, iba ito, imbes na long pants, skirt ito na hanggang limang pulgada ang taas mula sa tuhod at may cute na red cap din ito to fit on her appearance. And she's really sexy on that uniform. Gusto ko rin ng ganyan. Lahat ba ng mga babaeng kasali sa army dito ay ganyan din ang sout. How about boys naman? Ano kaya ang sa kanila. Nakita ko na kasi kina Commander Vasiliev at Captain Effie ang mga sout nila and they look so hot. Siguro ay kasama na rin sa application nito ang good looks. "Oh." Kapagkuwan ay yan lang ang naisagot ko sa pagpapakilala nito. Pero hindi parin nawala sa paninitig ko kay Siruis na nakasimangot na dahil sa naantala nitong dapat gagawin. "Admiral Aurelian, nice to see again. Nang huli kong punta rito ay nagt-training ka pa lang." Anito ng nasa likuran ko. "And look at you now." Nilingon ko ang nasa likuran at makitang si Kevin iyon at napangisi ako sa bitbit nitong mga bags na naglalaman ng mga damit. "Of course, nice to see you too, Kevin." May ngiti sa labi nitong anito. "Ang huli kong balita ay may hinahanap ka daw-ng babae." Kumunot ang noo kong bumaling kay Kevin. Babae? Sino? Nanlaki naman ang mga mata ni Kevin at narinig ko na lamang ang sipol at panunudyo nila Jadd at Kaia na sinundan naman ni Echo. And tatlong mga butiking ito kahit na kailan ay ang iingay. "So," Admiral Aurelian thrilled. "did you found her." Ngayon ay nakatitig na sa akin ang babae na ngayon ay ang lawak ng ngiti. "Hi. Pyper." Bati nito. "H-hi..." Nakakailang ang paninitig nito. "Did you?" Bumaling ang atensyon nito sa katabi kong lalaki na ang tahimik. "Tsk." Humalakhak naman si Admiral Aurelian sa sagot nito. "are you blushing?" Panunudyo nito. Hawak pa nito ang dalawang pisngi na para bang namamangha sa nasaksihan. "Naks naman bossing, umamin ka na kasi." Anito ni Jadd. "Oh come on, boss." Echo. "Pfft! His blushing did you see that?" Kaia. "Sinong babaeng pinapahanap niya?" Tanong naman ni Abel na nakakunot na rin ang noo. "Yeah, who is she? I'm really curious," segunda ni Cain. Naputol pala ang paglalaro nila ng chess. Napansin ko rin ang ngisi sa labi ni Otis na naiiling na rin. "Just say it boss." "Do you wanna die huh?!" Said Kevin. Namumula na ang boung mukha nito sa inis. "Woah! Boss easy lang!" Si Jadd na nakataas nanang mga kamay pareho nila Kaia at Echo. "Ayaw pa namin mamatay kaya chill!" Echo, na natatawa pa rin. "Pfftt!" Pinipigilan ni Kaia at Otis na napatawa. "Hey, Mister Kevin." Tawag naman na pansin ng Admiral. "Tss." Naguguluhan na talaga ako. "Chill, just kidding. I'm just here to escourt you to Lourd Nepoleon. That's all." Anito ni Admiral Aurelian. Nakakrus ang mga braso nito sa ibaba ng dibdib. "Pyper," nilingon ko si Kevin ng tawagin niya ako. "Here." "Ofp! s**t!" Pinagdutdotan talaga sa akin ang mga dala niyang mga bag. Muntik pa akong mapaatras sa ginawa nito. Natatawa na ang mga nasa sala ng mansyon sa nakita. Siningkitan ko ito ng tingin. Habang papunta ito sa hagdan papuntang ikalawang palapag. "His really pikon talaga," sabi pa ni Aurelian na napapailing narin. "Alam mo naman na pikon ang isang iyon katulad ng kakambal niya." Otis said. Siya na mismo ang nagpapagalaw ng chess pieces dahil umalis umalis si Cain sa paglalaro. "May kakambal siya?" Tanong ko. "Yeah, and it's a she." Si Jadd na ang sumagot. "Madali lang silang napipikon, but his twin sister can show that she's really get irritated but, Kevin, nuh, malabo na ipapakita niya sayo na nagagalit o kaya napipikon siya." Si Urion na ang sumagot dito. Akala ko ba abala ito sa harapan ng laptop nito. "Kaya nga takot ang asawa nitong si Drexel kasi kapag nagagalit na si Jackie, nunkang hindi ka matatamaan ng galit nito." Natatawa pa si Otis. "Awieee...simula ng maikasal silang dalawa two years ago, hindi ko na nakita pa si Jackie." Aurelian excliamed. "She so sweet pa naman--" "Once in a blue moon kamo mangyayari," putol naman ni Jadd. Hindi ko na maintindihan pa ang mga usapan nila. Ang alam ko lang ay may kakambal pala si Kevin. What is that? Pinagpatuloy ko na ang paglalakad papunta rin sa silid ko sa ikalawang palapag ng bahay na bitbit ang mga gamit na pinambili kanina. At naalala ko rin kung bakit nandito ang Admiral na iyon. Kailangan ko pa palang makapag-ayos. Hindi ko naman alam kung paanong mag-ayos. Aarrghh! Nakakaasar! Kaya ayoko sa mga party e. Nasa hagdan na ako ng may nagsalita muli. "Can you color my nails now, Aurelian?" "Oh sure, bebe Siruis."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD