CHAPTER 6

2513 Words
"ARE YOU ready for tomorrow night?" Palaisipan para sa akin ang sinabi ng head mistress kanina, yan ang itatawag namin sa kanya mula ngayon, nang makarating sa tutuluyang bahay, ang may hawak sa amin. Hindi mawala-wala sa akin ang sinabi nito na hanggang ngayong umaga ay iniisip ko pa rin iyon. Baka naman ang ibig niyang sabihin ay ang trabahong iaatang sa amin dito. Sa naisip ay nagkibit na lamang ako ng balikat. Higit na nasa bente kaming mga kababaihan. Sa mismong hapagkainan ay nagkasya kami. Dahil hindi lang simpleng bahay ang tinutuluyan namin ngayon, kundi, isa itong mala-mansyon sa laki nito. Nagtataka man, ngunit, ipinagsawalang-bahala at hindi na iniisip ang bagay na iyon. Ang mahalaga ay buhay. Wag ng maarte pa. Ang mismong opportunidad na ang lumapit sa akin. Kaya sinunggaban ko kaagad ito. Habang sabay-sabay na kumain sa hapag ay hindi ko mapigilang palihim na limbutin ang aking paningin sa paligid. Tahimik ang nasa boung paligid. Ang mga atensyon ay nasa kanya-kanyang mga kinakain. Sa unang gabi ko rito ay wala man lang akong naging kaibigan o kausap man lang. Tahimik lang sila. Kung anu-ano man ang ginagawa sa pangkaraniwang araw ay ginagawa lamang nila ng tahimik. Malalim na bumuntong-hininga ko, itutuon na sana ang atensyon sa pagkain ng may pumasok sa kumidor. Iniluwa ng malaking pintuan ang isang, hindi naman gaanong katandaang babae na sa tingin ko ay nasa trenta anyos pataas ito, maganda ang kanyang postura ay paglalakad. Sa awra pa lamang nito ay sinasabi na ang salitang respeto. Nakalugay ang hanggang balikat at kulot na kulot nitong buhok at bumagay talaga ang kulay asul na dress nito. Wag kalimutan ang nakakamatay nitong takong nasa palagay ko ay nasa limang pulgada ang taas. Napalunok naman ako. Lahat ng atensyon ay nasa harapan na ngayon, totally, nasa kanya. Mabilis na tumibok ang puso ko dahil sa pinapakita nitong awra. Kapagkuwan, ay umupo ito sa kabisera at eleganteng umupo bago ngumisi na ikinataas ng balahibo ko sa leeg. "Good Morning, ladies." inikot niya ang kanyang tingin sa paligid at nagtama ang aming paningin. "I hope you'll enjoy your stay here," usal nito. "and be a good girl." and all her emotions gone. NANG MAKALABAS sa sasakyan ay agad kong inilibot ang tingin sa boung paligid. Ang lugar na ito ay hindi nalalayo sa syudad. Ang pamumuhay at mga istraktura. Ay parang nasa isa lamang akong syudad ng pilipinas. Matataas na gusali at very crowded din sa kalye nila. Puno ng taong naglalakad. And ofcourse, his gang, na ang iingay parin at hindi na magbabago iyon. Ang una talagang gumala ay si Casius, pumasok ito isang botique. Kaia, Echo and Jadd, asual having craziness again. Nilingon ko naman ang nasa driver seat ng marinig na bumukas ito. Aad naman akong napairap sa kawalan ng iniluwa nito si Kevin lang naman. Poging-pogi sa sariling itinaas nito ang aviator glass at inilibot ang paningin sa paligid. Kung hindi kikindat ay ningingitian ang mga nagdadaraan na mga kababaihan. Napapailing na ibinaling ang katabing lalaki na gwapong-gwapo pa rin sa sarili. "Nothing's change, asual." komento nito at nilingon akong nakangisi. Nakataas ang kilay na pinagmasdan ko ang kabaliwan niya sa sarili. "What?" inosenteng tanong nito sa akin, dahil lang naman sa titig ko sa kanya. "I am just appreciating this good things." Paano nga kami nahantong sa ganito? Ah, yeah, dahil mapilit sila na ayaw akong mapag-isa maglakwatsa sa boung isla, and now the whole gang is with me. And it's been two hours to convince me, mahabang paliwanagan, yeah, i know. Napapairap, "Bakit ang defensive mo?" naiusal ko na ikinatawa lamang niya at may hinugot sa bulsa nito. And it hit me, he is going to smoke. Inilagay niya ang isang sigarilyo sa bibig pagkatapos ay sinindihan ito. Sa totoo lang, sa una naming pagkikita ay ngayon ko lang nakita na smoker pala ang isang ito. Hindi naman kasi halata sa hitsura niya. From his looks ba naman, okay, aaminin ko, pogi siya, beyond pogi pa nga eh. Ewan, basta! He has this kind of handsomness that makes everyone look at him with no reason. Mapupungay ang mga mala-tsokolateng mga mata. Mapipilantik na pilik-mata, matangos ang ilong and his thin and almost red lips, i must say, it looks like a filipino-latin looks. Head turner kung sa madaling salita. Hindi lang talaga head turner, mapapa-ohlala pa ng three hundred sixty degree's sa kagwapohan nito. "It last longer, honey." napakurap ako. And dang! kanina pa pala ako nakatitig sa kanya. Mahina akong natatikhim at nagkunwaring inilibot ang paningin sa buong paligid. Tsk. Nakakahiya! Ganito na ba ako kahalata na dahil sa kagwapohan nito ay napapatulala na lamang ako. Oh s**t! That's fvcking absorb, Pipay! And by that i saw Cain and Abel with Urion with them. Papalapit ito sa kinatatayuan namin. "Oy! Pipay!" may malawak na ngiti sa mga labi nito. "This whole island is awesome!" Abel said. Napairap na lang ako sa sinabi nito. Yeah. And you just left me, you idiot! "Let's go." Napalingon ako sa taong nagsalita dahilan para maagaw ang atensyon namin sa kanya, kay Kevin. Inapakan nito ang sigarilyong ginamit. Tapos na pala ito sa pagyoyosi. Nalakunot-noo ako. "Saan tayo pupunta?" Tinitigan ako nito na para bang natubuan ako ng tatlong ulo at kapagkuwan ay na-amuse na humalakhak ito. "Don't tell me, you'll using that kind of clothes the whole day?" Anito na napapantastikuhan pa rin akong tinitigan. "It's okay with me you'll wear that clothes, that will save my money, though." Dagdag pa nitom Pinasadahan ko naman ang buo kong katawan na may gatla sa noo. Nang pumasok sa isip ko kung ano ang ibig-sabihin ay napatampal na lamang ako sa aking mukha. Tsk! Bakit ko ba nakalimutan na dinukot ako ng mokong na ito. Malakas akong napabuga ng hangin at naasar na tinitigan ang nasa harapan. "Saan ba?" He smirk. "madali ka naman pa lang kausap," "Syempre libre mo e'." Napalukipkip ako at itinoun ang paningin sa paligid. Hindi na masama para sa isang isla lang, marami na kasing mga boutique dito. Restaurant and all na makikita sa isang syudad ay nandito na rin. Of course, credits to Jadd, tsismoso yun e' hindi nauubusan ng pagtatalakayan. Pati na siguro buhay nito ay naikwento na niya. Narinig ko ang mahina niyang halakhak. "Yeah, parang ganoon na nga. Let's go." Hinatak ako nito at kinaladkad. "T-teka!" Napalingon naman ako kung nasaan sina Cain at Abel na kumakaway sa amin. Nandoon pa rin ito kung saan namin sila iniwan. At wala na ang iba pa naming kasama. Hindi ko na alam kung saan napadpad ang iyon. "Enjoy Pipay!" Abel shouted. Inirapan ko na lamang ito hanggang sa hindi ko na sila matanaw pa. Hanggang ngayon ay kinaladkad parin ako ng hudyo. "Teka nga!" Pilit ko pa rin na tinatanggal ang kamay nito sa kamay ko. Masakit kaya. Tsk. Pero ang mokong hindi matinag-tinag ang kamay nito sa akin na hatak-hatak parin ako. "oy! Anu ba! Yung kamay ko bitawan mo na nga." Angal ko. Para lang hangin ang dumaan sa kanya ang salita ko, imbes ay mas mahigpit na hinawakan pa nito ang kamay ko. At hindi nakaligtas sa akin ang pagngisi nito at pagpisil ng kamay ko. Hinayaan ko na lang siyang kaladkarin ako kung saang isla kami mapadpad ni Kevin. Pero inpyernes ha ang lambot ng kamay ng lalaking ito. Yung feeling na ayaw ko ng bitawan ang sarap kasing pisil-pisilin at hawakan boung araw, sigurado akong hindi ako magsasawang hawakan ang kamay nito. At ang init sa kamay ko. Hindi rin nakawala sa paningin ko na napakalaki ng kamay nito sa kamay ko. Halos sakop na kasi nito ang buo kong palad at ang mga daliri ang hahaba rin. Sa naisip ay bigla na lang nag-init ang mukha ko sa iba pang naiisip ko. Tangena Pipay! Ano ba yang pinag-iisip mo. Wala sa sariling naiiling ako. Maghunos-dili ka! Wake up you woman! "Aray!" Daing ko ng mabunggo ako sa isang poste. Shit! No it's not! ang malapad na likod lang pala ni Kevin ako nabunggo. Bakit ba kasi kung san-saan lumilipad ang isip ko. Napatingala naman ako at sumalubong sa akin ang mga tsokolate nitong mga mata. Napamulahan ako ng pisngi, kunot ang noo nitong nakatitig sa akin. Para lang maiwasan ang paningin at ang pagka-awkward sa kanya ang ginawa ko ay, "aww..." Hawak ang kunyaring masakit na noo ko at yumuko. Yes, magaling akong umaktinh e'. Hidden talent ko rin iyon. "What are you doing?" Tanong nito. "A-ha?" Utal ko at pasimpleng sinulyapan siya, ganoon parin nakatingin ito sa akin. Napapikit ako sa hiya, hindi rin doon, sa naiisip ko kanina. "Engsheket keshe..." Bulong ko sa sarili. "Ano?" Ang hindi ko inaasahan ay ang paglapit ng mukha nito sa mukha ko. Nanlaki naman ang mga mata ko. Opkors! Nakahawak ako sa noo ko. "Are you okay?" Ulit nito at hinawakan ang kamay ko na nakahawak sa noo. Dahan-dahan niya itong tinanggal at marahang pinakatitigan ang noo ko. "Your forehead seems red not that your face also, are you really okay Pyper?" Napasinghap ako. Oh s**t! What the hell is he doing?! Nang mahimasmasan ay mabilis pa sa kidlat humakbang ako paatras. "O-oo naman. Bakit n-naman h-hindi." Bakit ba ako nauutal. Tuwid akong nakatayo sa harap nito at ang huli ay ganoon pa rin, nakakunot ang noo niyang nakatitig sa akin. Kapagkuwan ay napapailing ito. "We're here." Agad itong tumalikod at pumasok sa isang store. Kanina pa pala ako hindi humihinga, kaya bumuga ako ng malalim bago sumunod rito. "magtigil ka pepay." Bulong ko sa sarili bago pumasok sa loob ng isang store. Nang makapasok ay bumungad sa akin ang isang mga magagandang damit pambabae man o panlalake. Marami rin ang mga taong nandirito sa loob sa palagay ko ay sikat ito dito sa isla. At hindi nga ako nagkakamali lahat pala na nandito ay clothing brands ng iba't-ibang bansa. Hindi rin nakaligtaan ang presyo ng mga ito. Makalaglag panga ang presyo ng isang t-shirt lang. Mabilis na binitawan ko naman ang damit na hawak at sinundan si Kevin na namimili ng mga damit nito. Sa gilid niya ay dalawang sales lady. "This. This. This. And this." Nang makarating sa pwesto nito ay sinilip ko ang pinagkukuha niya. Nanlaki naman ang mga mata ko. "and also this one." Napapasinghap naman ako sa damit na pinaghahagis lang nito sa dalawang kawawang babae. Lumingon ito sa gawi ko, "hmm, there you are." Hinawakan nito ang kamay ko at pinaharap sa mga damit na pinagdadampot lang nito. "Suits yourself, baby." Nanindig naman ang mga balahibo ko sa katawan sa binulong niya. At ang lapit-lapit ng mukha nito sa tenga ko na nararamdaman ko parin ang mainit nitong hangin na binubuga. "sukatin mo kung hindi bagay maghahanap pa tayo ng iba." Pinasama sa akin dalawang babae sa fitting room. At ang hudyo ay naghihintay lang sa labas. Hanggang maisout ko ang unang pinasukat sa akin nito. Pinatitigan ko ang sarili sa malaking salamin. Nakangising tumaas-taas ang kilay ko. Hindi na masama. Lumabas ako ng fitting room at pinakita sa ngayon nagyo-yosi na namang lalaki habang prenteng nakaupo sa isang leather couch. Sa pagkakaalam ko, walang couch sa kinauupuan nito kanina, sa kung saan man nito kinuha wala na akong pakealam pa. Agad naman siyang napalingon sa akin nang lumabas ako. Nakataas ang kilay tinignan ang ayos ko mula ulo hanggang paa. Pagkatapos ay bumalik ito sa pagyoyosi at iniwas ang tingin. Napapakot sa batok na bumalik ako sa loob ng fitting room. NAIINIS na ako. Sa inis ko ay ang sarap sapakin ang isang ito. Kung hindi siya titingin, aabalhin ang sarili sa selpon o kaya ay ikukumpay lang niya ang mga kamay sa tuwing lalabas ako ng fitting room. "Nuh." "Tsk." "No." "Nope." Ilang oras na kami sa store na ito at hindi pa rin kami, hindi pala, siya, sa kaka-echos, kakaarte rather, sa mga damit na susukatin ko. Naasar na talaga ako. Last na ito at masisinghalan ko na talaga ang lalakeng iyon. Wala sa sariling lumabas ako kwarto at malakas na isinara ang pinto nito. "Diyos ko po!" "Ay!" Dahilan para mapatalon sa gulat ang mga sales lady at si Kevin sa gulat. Nawala ang atensyon niya sa aparato at malalaking mata na binaling ang atensyon nito sa akin. "What the hell, Pyper?" Gulat pa rin ito dahil ang mismong selpon nito ay nasa lapag dahilan para pigil na mapahagikhik ako ng mahina. I cleared my throat and stared at him. "Ano na?" "What?" Naguguluhang anito. Kunot ang noo. Napairap naman ako sa hangin at napahalukipkip. Nakataas ang isa kong kilay sa kanya at iminuwestra ang sarili ko sa kanya. Nang makuha ang ibig kong sabihin ay mula ulo hanggang pa niya akong pinagmasdan. Kibit ang balikat nito, "okay," Kumunot naman ang noo ko, "anong okay?" "You're dress," tuloy nito sa sout kong damit. "It fit." Pinagmasdan ko ang sarili. Spaghetti strap yellow dress lang naman ang sout ko na hanggang itaas ng tuhod at may silver belt itong kasama kaya mas bumagay sa kulay nito. "O tapos?" Nakasimangot kong tanong sa kanya. "That's it." "Anong that's it - that's it ka diyan?" Naasar na talaga ako sa tukmol na ito. Kung askal lang ako kanina ko pa nilapa ang ang abs nito--- "s**t!" Anong bang pinagsasabi ko. "What?" Napalingon ako kay Kevin sa sinabi. "Wala!" "You're wearing that tonight." "H-ha?" Kumukurap-kurap ako. "Bakit?" Hindi ko siya maintindihan. Bakit ba pagdating sa lalaking ito ay naautal ko kaya nawawala ako sa sarili ko. Tsk. Nahihibang na nga talaga ako. May sakit na ata. Panigurado iyon. Tango-tango. "What are you doing?" "Ang alin?" Balik tanong ko sa kanya. Napapailing na humarap ito sa akin at sa huling sulyap ay pinagmasdan nito ang sout ko. At the same time I see him smirk, but, there is one more thing that I saw in his eyes. I'm not really sure, but, nuh. I don't think it's desire or something. Nahigit ko ang hininga ng mas ilapit pa nito ang mukha sa akin. Ngayon ay konting galaw na lang at magkakatagpo na ang aming mga ilong. Napakuyom ang kamao ko at wala sa sariling napahawak sa dibdib dahil sa sobrang lakas ng kabog nito. Mapupungay ang mga matang tinitigan ako nito. Napasunod ang aking mga mata sa mga mata nitong dahan-dahang bumababa sa labi ko. Shit. I already smell his minty breathe for fvck sake! I bit my lower lip. s**t. s**t. s**t. Why is my chest is heavy. I can't breathe. "A-ahm, Kevin..." Utal kong sabi. Nakatitig sa mga mata nito. Kapagkuwan ay lumayo ito ng isang hakbang. Inilagay sa magkabilang bulsa nito ang mga kamay. At mariin akong tinitigan. "Wear that dress. We're invited for Abram's birthday party." Huling sabi nito bago lumabas ng store hangang sa hindi ko na ito malawa ito sa paningin. Kahit wala na ang presensya niya ay ang lakas parin ng kabog ng dibdib ko. Para akong sumabak sa isang marathon. Muli ay malakas akong napabuga ng malakas na hangin. Hawak ang malakas parin na kabog ng dibdib at mahinang bumulong sa sarili. "What was that?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD