Working With Mister Mafia Chapter 5
NAMAMANGHANG inilibot ko ang aking boung paningin sa paligid.
Mga naglalakihang mga gusali, maiingay na mga sasakyan, mga taong paroon at parito, hindi mawari kung saan pupunta. Nasa mga tenga o kaya nakatitig ang mga mata nito sa aparatong hawak-hawal nito habang naglalakad.
May mga bata rin ang nagtatakbuhan sa gilid ng kalsada at bumubusina ang mga sasakyan dahil rito.
Ang mga naglalakihang puno at bundok ngayon ay mga gusali na.
Mga taong nagdadal-dalan lang sa gilid ng kalsada, ngayon, ay mga taong nagmamadali sa kani-kanilang mga sariling trabaho para lang mabuhay.
Mga hayop na nakatali o kumakain ng d**o, ngayon, mga nag-iingayang mga sasakyan.
Tahimik na paligid at kulay berde ay iba na sa aking paningin.
Nang magsawang pagmasdan ang paligid, sumilay ang tipid na ngiti sa aking mga labi. Wala na nga ako sa amin. Bago na sa aking paningin ang aking nakikita.
Nandirito ako ngayon para sa aking pamilya. Para sa aking kinabukasan at nila Papa at Mama. Kahit malayo man ay titiisin ko maihaon lang sa kahirapan.
Ganito naman talaga diba? Ang mga taong gustong maihaon ang buhay sa kahirapan ay pumupunta sa ibang lugar para lang mabuhay at makain ang pamilya sa araw-araw.
Ang ibang tao nga, lumuluwas pa sa ibang bansa para lang maihaon ang buhay, gumanda ang pamumuhay nila.
Ano pa kaya ako, dito lang sa maynila, ilang oras lang ang layo mula sa amin. Ang ibang tao, tinitiis ang pangungulila, ang malayo sa pamilya, may maipadalang pera, may maikakain na masasarap na pagkain para sa pamilya.
Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko at napapailing sa sariling iniisip.
Ano ba itong pinagda-drama ko na naman ngayon.
Baliw na nga, nagda-drama na naman.
Lumuwas ako ng Maynila para lang sa bagong paligid. Bagong pamumuhay, sabi nga ni
Mama sa akin, kailangan kong mabuhay na mag-isa at hindi dumipende sa ibang tao dahil walang pirmanente sa mundo. Walang tutulong sa aking sarili kundi ang aking sarili lang.
Tama nga naman siya. Walang magtatagal sa mundo. Walang sinuman ang iintindi sa iyong sarili kundi ang sarili mo lamang.
Bonus pa nga kung may taong iintindi ng kabaliwan mo sa buhay.
"Pipay, hali ka na at mag-gagabi na." napabalik ako sa riyalidad ng magsalita sa isang kasama ko rito papunta sa Maynila.
Mahigpit ang pagkakahawak ko sa malaking itim na handbag, ang mahal pa naman ng bili ko nito sa ukay-ukay at nilabhan pa talaga ito ni Mama noong isang araw, binabad ng ilang oras at nilagyan ng downy passion, maging mabango lang. Tinawaran ko pa ng isang daan makuha ko lang dahil sa daming nag-aagawan.
Dalawa lang kaya kami.
Napatango at sinundan siya...
PABABA PA lamang ako ng hagdan ay naririnig ko na ang ingay ng mga kasamahan ko mula sa kung saan. Ewan ko ba sa kung anu-ano na namang kabaliwan ang pinaggagawa nila sa buhay.
Huling baitang ay naamoy ko na ang mabangong amoy ng pagkain na alam ko na kung saan nagmumula. Sinundan ko naman kung saan ito nagmumula at makita ang mga kalalakihang nakaupo sa malaking dining table at ang iingay nila.
Hanggang dito ba naman ay ang iingay na naman nila? Wala ba silang binigyan ng hustisyang lugar. Kahit kaunting katahimikan lang, kahit ilang minuto.
Pati rin ang tiyan ko, nag-iingay na dahil gutom na ang mga alaga ko.
Una akong nakita ni Jadd, "Oh, good morning, Piper?" ang laki ng ngiti nito sa akin. Nahiya naman ako sa bunganga nitong ang daming laman.
"How was your sleep, Piper?" tanong naman ng katabi nito, sa himig ng pagkakatanong ay parang nanunudyo, si Kaia.
Hindi ko na lamang siya sinagot at lumapit sa bakanteng upuan na nakita.
"Maganda siguro ang tulog niya, ikaw ba naman na katabi mo si bossing," hirit na naman ng isa pa.
"Pumapag-ibig na ba si bossing, Echo?" natatawang sambit ni Jadd sa huli.
"Ano sa tingin mo?" tanong ni Echo sa katabing si Jadd at Kaia na napapagitnaan ng dalawa. Habang nagtataas-baba ang dalawang kilay nito, para bang may iniisip na kabulastugan.
Napapailing na ibinaling ang atensyon ko sa hapag. May nakahandang masasarap na pagkain na mas lalong ikina-alburoto ng tiyan ko.
Bigla na lang tumahik ang tatlo sa tabi. Napakunot ang noo ko na nagkakatitigan ang mga ito habang may ngisi sa mga labi kapagkuwan ay sumusulyap sa akin at kay Kevin na tahimik kumakain sa may kabisera.
At naghahagikhikan sa huli.
"I think, they are thinking crazy again." nilingon ko naman ang katabi ko. Seryoso itong kumakain na may kutsara at kutsilyo sa tigkabilaang mga kamay. Smooth and elegant itong kumakain ng umagahan niya.
"You know, in a situation like this, particularly, being stupid," uminom ito ng kape, "they're in like in one stupid and one body, thinking stupidity."
Grabe naman ang isang ito.
"And I think, I need to shop my clothes, I am stress." dagdag pa nito at pinagpatuloy ang pagkain. You know, rich kid, and that's Cassius.
"Hey! That's my pancake, you pancake stoler!" napalingon naman ako sa sumigaw. Si Otis na ang dilim ng bakas sa mukhang
nakatitig kay Siruis na may nginunguya sa bibig nito.
"This is mine, already," sagot ng huli.
"At paano mo naman nasabi iyon?"
Lumingon ang huli kay Otis, "b'cuase, it's on my mouth." walang ganang sagot nito.
"tangna mo talagang hayup ka." bulalas ni Otis. "sana mabulunan ka."
"So, Pipay," naagaw ang atensyon ko kay Egan na siya pala ang nagluluto ang umagahan namin. "Do you want roam the place? I can be your tourguide."
"Tourguide mo pagmumukha mo Egan," nilingon ni Jadd si Kevin na tahimik pa rin na kumakain. "Bossing, ipasyal mo kaya si Pipay sa boung isla," may ngiti sa mga labi nito. "You know parang dit-dit." dagdag pa nito na mas ikinalaki ng ngisi ng tatlong unggoy.
Tinapunan ako ng titig ni Kevin. Ilang segundo siyang nakatitig sa akin kapagkuwan ay nakangisi na ikinatindig ng balahibo ko sa katawan.
"That's a good idea, Santhunder." nakatitig pa rin ito sa akin.
" I want to see what is new in this island, matagal-tagal na rin akong hindi nakabalik rito."
"Yeah, marami na nga ang nagbago rito kesa sa huli nating punta rito, boss." segunda ni Echo.
Napapansin kong wala dito ang dalawa, Cain at Abel. Nasa kwarto pa ba ang mga ito?
"If you are looking for Cain and Abel, they're with Urion in Island proper, wandering." wala sa sariling napatitig ako kay Kevin na nakatingin din pala sa akin.
Kung hindi ko lang mapapansin ay bahagyang nakangisi ang mga labi nito habang may laman ang bibig.
Napababa ang mga titig ko samaninipis niyang mga labi. I felt my stares glued on that particular area of his face. Maliban sa mapupungay at mala-tsokolate nitong mga ay nakatitig lamang ako sa mamumulang labi nito. And the way he lick his lips it's like inviting me to kis--- oh s**t! what the fvck am I thinking all of this?!
Malalaking mga mata na nabaling ang tingin ko sa kanya. And that hit me, he is seducing the hell out of me. He is smirking. He knows! He knows that I'm staring at his lips, damn it!
Sheeet na malagkit naman oh!
Napaiwas naman ako ng pagkakatitig sa kanya. Snap out of it, Pipay!
Tsk!
Napasingkit na lamang ang aking mga mata sa maalalang, iniwang ako ng mga abnoy na iyon dito. At hindi ako isinama sa paggagala nila sa isla.
At ang mga hunghang naman na ito, specificaly, these three idiots, ang mga kaharap ko ay naghagikhikan.
Nabaling ulit ang tingin ko kay Kevin na kumakain ng nakangisi ang mga labi.
"Ready yourself, Pyper, I'll tour you around the island." Ani Kevin.
"Kaya ko naman na ang sarili ko." salita ko pa habang nakatusok ang tinidor sa hotdog at inilagay ito plato ko. Nagsalin na rin ako ang juice sa isang baso.
"Hmm, but, I insist." pilit pa nito.
"hayaan mo na, Pipay, malay mo maglevel kayo," tawang-tawa namang singit ni Jadd.
"Maraming lugar dito na kailangan mo talalang puntahan," Echo.
"Ofcourse, kailangang may kasama sa paglilibot ng isla. Yung pro kamo," Kaia said.
Bakit ba nila pinipilit na samahan ako ng lalaking iyon.
"Hindi na ako bata para samahan maglibot sa boung isla. I can handle myself." ofcourse, sanay na akong mag-isa.
"Hindi mo pa alam kung anu ang kalakaran ng isla, especially, it's your first time here, Pyper." sabi pa ni Kevin habang ang mga kamay nasa ilalim ng panga nito at ang lalim kung makatitig sa akin.
"There is this thing that you should be familiar about the place," kapagkuwan ay sumandal ito sa upuan nito. "Who people you should've trust, Pyper." He pointed.
"Yeah, that's true, kung ano ang ikinaganda ng isla. Digging more inside is really that dangerous, especially people like you."
"What about me?" kunot ang noo na tanong ko kay Kevin.
Tinitigan lamang ako ni Kevin at nagpatuloy sa kanyang kinakain. "as I've said, ready yourself later,"
Ako lang ba o may iba pang ibig-sabihin pa ang sinabi nito. Napapailing na lamang ako sa naiisip ko.
"Tang-na! you always stole my pancake again, Siruis!" asik ni Otis na ikinatawa lamang ng iba kumakain sa hapag.
Napapailing na ipinagpatuloy ko ang aking agahan.
May ikakaganda pa ba ang araw ko ngayon?
Tsk.