Working With Mister Mafia Chapter 4
"FANCY SEEING you here, Mister Kevin Grant." ito agad ang bungad sa amin isang lalake pagkapasok pa lang namin sa mala-palasyo nitong mansyon. Specifically, sa napakalaking opisina nito. Mula sa kina-tatayuan ko ay matatanaw ang kumikislap na karagatan ng isla.
Inilibot niya ang kanyang atensyon niya sa amin kapagkuwan ay tila natatawa. "And the squad."
He has this strong and fierce aura na kakatakutan kapag titigan pa lamang. Pero, s**t lang, sa nakikita ko ngayong pagpipigil niya ng tawa ay lumabas tuloy sa magkabilang pisngi nito ang mga biloy niya na sobrang lalim. Pogi bebs.
How to be yours po, kowya.
"You know, squad." sa pagpipigil niya ng tawa ay kulang na lang ay mau-utot ang isang ito.
Napakunot tuloy ang noo ko sa ka-weirdohan ng isang itom. "Gold squad in that television series. Did yoi watch that? That really amazing and---" napatigil ito sa pagsasalita ng tumikhim ang nasa kanan niya.
Ito yung lalakeng nagpakilala sa amin kanina sa paliparan ng isla, "You are acting crazy again, sire." Commander Vasiliev whispered.
Rinig na rinig pa rin naman namin.
May gulat na ekspresyon sa mukha ang huli. "Oh, did I?" Para itong batang walang muwang na nakakunot ang noo kapagkuwan ang sumeryoso ang badha ng mukha nito.
Tumango-tango naman ng marahan si Commander Vasiliev. "Again, sire." he pointed.
Dahil sa pagsita sa kanya ay mariin itong tumikhim at seryosong mukha na tinitigan kami. Bipolar ata ang isang ito may pagkabaliw rin e'.
"You are not here for a vacation, a business that includes your families property, though." pinaghugpong nito ang mga palad na nakasandal sa lamesa nito. "Am I right, Kevin."
Malakas na napabuntong hininga si Kevin. "Yes. The culprit is here in your island, I want him or her to capture as possible as I can."
Bilang pag-intindi ay mabilis itong napatango.
"As I want to help you, but it's against the rule of the island. All I can do is to let you enter, damages to properties are prohibited. As I can see on your companions, every each of you, cannot do that on what I pleased to you here in my Island.
"Tumayo siyang dahilan para tumayo rin kami sa aming kinauupuan.
Inilahad nito ang kamay sa kaharap. "Peacefulness is my number one priority in the Island don't forget that everyone, or else..." ang napaka-seryoso nitong hitsura ay mas dumoble pa at madilim ang mga matang tinitigan kaming lahat.
"I won't let you get away on it and face my punishment that no one can imagine." Ngayon ay nagbago na naman ang mood nito at umaliwalas naman ang bakas mukha nito na para bang hindi ito nagbabanta kani-kanina lang.
"Goodluck and have a good stay in my island, everyone."
Pagkatapos ng pag-uusap namin, hindi, ni Kevin lang pala, kay Lord Abram ng Isla ay ihinatid kami ng mg alipores nito sa isang ancestral house. Nasa dalawang palapag ito, kita ko rin sa labas pa lang ang napakalaking ispasyo sa loob nito.
There is a long pathway papunta sa malaking bahay. At ang paligid nito ay pinaliligiran ng mga niyog at mga naglalakihang punong kahoy.
Nasabi ko bang ang likod nito ay ang napakagandang asul na asul na karagatan ng isla. Kahit gabi ay nakikita ko pa rin ng malinaw at tumitingkad na tubig nito dahil narin sa maliwanag na ilaw na nagmumula sa ancestral house at sa maliwanag na buwan.
It is a good thing that this house felts really homey.
"Hindi na rin masama." napabaling ang aking atensyon sa nagsalita na ngayon ay nakatingala sa malaking bahay na tutuluyan. Si Abel, katabi nito ngayong ang tahimik na si Cain.
Lumingon ang dalawa sa gawi ko at tinaasan ng kilay. "Ano?" inosenteng tanong ko sa dalawang magkapatid.
"Ikaw..." si Cain.
"Ano sa tingin mo?" pagpapatuloy ni Abel sa tanong ni Cain.
Kibit ang mga balikat na umiwas ako ng tingin sa kanila kapagkuwan ay tumingala muli sa magandang bahay.
Ano na ba ang mangyayari na ngayon ay nandito na ako sa imposimbleng isla na ito. Marami na akong naririnig about this island, pero ipinagsawalang-bahala ko lamang ang lahat ng iyon dahil mga haka-haka lamang ang mga iyon.
But now, that I am here, tinawanan ko na lang ang sariling iniisip. So, this is real, huh. There is this kind of island that be impossible to be possible. Tinatawanan ko lang ang mga sabi-sabi nila pero ito ako ngayon tinatawan ang sariling kahibangan.
Napaangat ako ng tingin at tinititigan ang boung kapaligiran. May ganitong lugar pala sa ganitong klaseng isla na napapalibutan ng mga nakakatakot na mga tao.
I breathe the fresh air of the place and exhale ito. Napakaganda nga ng bahay na ito. Kung pwede nga lang ay dito na ako tumira habang-buhay ginawa ko na.
Napalingon ako sa aking likuran napapansin ko na isa-isa ng pumapasok ang mga kasamahan ni Kevin as always ay ang iingay pa rin nila.
"Damn! Ano ba, Egan! Dahan-dahan naman sa pagbibitbit ng mga gamit ko." Na pu-frustate na saway ni Cassuis sa butler na bitbit ang ibang gamit nito.
At hindi ko mapigilan ang lihim na mapatawa sa hitsura niya ngayon. Nakasimangot at ang sama ng tingin nito sa huli. Kapagkuwan ay malakas nitong binagsak ang mga dala nito.
"Fvck you," anito.
Bagsak ang panga na sinundan ng tingin ni Cassuis si Egan na ang dilim ng mukha habang papasok ito sa bahay.
Napapailing na naglakad ako papasok ng bahay. Hindi ko na pinansin pa ang mga kabaliwan ng iba. Dahil sa ako ay pagod na pati utak ay parang gusto ng magpahinga dahil sa mga nangyayari ngayon.
Napapikit na pabagsak akong umupo sa malaking couch sa sala. Habang nakapatong ang mga braso sa sandalan nito.
Gawa ng pagod at kakaisip sa kung anong mangyayari ngayon ay nilamon na ako ng antok at kadiliman.
NAALIMPUNGATAN ako dahil sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana na tumatama sa aking mukha. I mentally groaned and change my position to cover my face on it.
Pero nanlalaki na lamang ang aking mga mata at mabilis na bumangod, sisigaw na sana ngunit malakas akong bumagsak sa sahig.
Shete!
Ang sakit ng likod ko.
"What are you doin' there?" masakit ang bewang na napaangat ako ng tingin sa hudyong nagsalita. Nakakunot ang noo nitong nakatingin sa akin.
Nakakatangna lang ang lalakeng ito. Para bang walang ginawa ang hayuf na ito.
"Sa palagay mo, ano ang ginagawa ko rito?" nakakaasar! Tinatanong pa ba iyon. Dapat ng ako ang magtatanong sa kanya kung ano ang ginagawa ng pesteng ito rito sa kwarto ko?
He tilted his head to side as if eyeing me here. Hr smirk afterward, "Ah, did you sleep there, Piper?"
Naasar na napapikit ako dahil sa lalakeng ito. "Wag mo nga akong ma-english-english diyan gago!" naisigaw ko nalang at padabog na tumayo. "s**t lang sakit ng likod ko." I hissed.
Sinamaan ko naman ng tingin ang gago kapagkuwan ay napakunot ang noo dahil sa nginunguya nito ngayon.
"At saan mo naman nadampot ang pagkaing iyan?" mukhang may hinala na ako agad.
"Hmm?" sabay tingin sa kinakain nitong mani nang mapagtanto, "ah, diyan lang sa tabi-tabi." sagot pa nito.
Nagngingitngit na mga ngipin ko siyang tinitigan. Sumusobra na talaga ang isang ito.
Una, dito pa talaga siy natulog sa nakalaang kwarto ko, pangalawa, ay iyan na namang mani ko, pinapakealaman ng bwisit na ito at kinain pa talaga. "Sumusobra ka na talagang hayup ka!" naisigaw ko na lang at dinambahan siya.
Ngayon ay nasa ibabaw na niya ako at pilit na inaabot ang mani ko na konti na lang at mauubos na.
Bwisit talaga ang lalakeng 'to! Makakalbo ko na talaga siya ng wala sa oras kahit na gwapo siya!
Ang hudyo naman ay panay tawa nito habang iniiwas sa akin ang mani ko. Huhunaman, bebs!
"Pipay! Anong nangyayaㅡ diyos ko pong mahabagin!"
Sunod-sunod na yabag ang naririnig ko at ang malakas na pagbukas ang pinto ang narinig.
"What the fvck!?"
"p**n!"
"Woah!"
Nakarinig pa ako ng sipol.
"Naks naman Pipay!"
"p**n!"
"Ang lupit mo Pipay!"
"p**n!"
"Under agad."
"Porㅡ aray!"
"Tangna mo talaga Jadd, kailangam ba talagang paulit-ulit? Alam namin! Alam na naman!" sigaw pa nito.
Napalingon naman ako sa mga nagsalita at doon ay nakikita ko ang mga kasamahan namin na nagugulat at nakangisi ang bakas sa mga mukha nila. Nakita ko pa ang pagbatok ni Kaia kay Jadd at ang masamang tingin nito.
"Ayos Pipay naka-score ba agad?" balewalang tanong ni Echo sa kasamahan nito.
Nang mapagtanto ang posisyon namin ni Kevin na ngayon ay nakangisi at mabilis pa sa kidlat lumayo ako rito.
Shit!
Nang makalayo ako ay sinamaan ko naman ng tingin ang mga baliw sa may hamba ng pinto, naghihintay ng eksplinasyon at nakangisi pa talaga ang mga ito. Katulad na katulad ni Kevin na pinapapal pa talaga ang mani kong dala na ngayon ay paubos na.
Dahil sa inis ay kung anong bagay na lamang ang nadampot ko at pinagtatapon sa kanila.
"Tangna niyo!" sigaw ko pa dahil sa naiinis ako sa mga baliw na ito na todo nama sa pagsangga sa mga gamit na pinagtatapon.
"Magsilayas nga kayo rito sa kwarto ko! Bwisit!"
Nang mawala sila ay pabagsak kong isinarado ang pinto.
"So, how was it?"
"s**t!" napatalon naman ako sa gulat dahil bumungad ang pagmumukha ni Siruis, ang weirdo sa grupo ng mga baliw.
Masamang tinapunan ko siya ng tingin habang nakahawak sa dibdib ko. "Tangna mo rin sumama ka doon sa mga baliw mong kasamahan." sabi ko at agad siyang tinulak palabas.
Sinilip ko pa ang likuran ng pinto at baka may susulpot na lang at atakihin na talaga ako sa puso nito.
"mga baliw talaga," napapailing na lamang akong pumasok sa pintuan ko kunng nasaan ang banyo. "mukhang mamamatay ako sa konsumisyon sa mga kasamahan kong baliw, hindi sa pinunta namin rito."