Working With Mister Mafia Chapter 3
APAT NA ORAS ang lumipas, heto ako ngayon, nagpapapak ng pancit canton, sweet and spicy kamo. Pinagpapawisan, nayayamot pa rin na kinakain ang pancit canton ngayon sa kusina, nahiya kasi ako sa kanila. Ako pa ang bisita ako pa ang magluluto ng kakainin ko.
Feel ko na nga ang sinasabi nilang, feel at home. Leche!
Nasa pagkain lang ang atensyon ko ng mapansing may pumasok sa kusina na pinagsawalang-bahala ko lamang. Naiinis pa rin ako. Nakakapanggigil at gusto ko manabunot ng panot.
"How's your staying here so far, Pipay?"
Nabalik lamang ako sa aking ulirat ng marinig ang pamilyar na boses na iyon. Tiningala ko ito. Tinaasan ng kilay kapagkuwan, walang pakealam kung siya pa ang may-ari ng mansyon na ito.
Sarkasmong ngumiti ako, "Sa boung apat na oras kong pananatili rito?" umingos ako. "sobrang saya! sa sobrang saya at feel at home ko rito napagluto ako ng pancit canton, sweet and spicy flavored pa. At gusto ko manakal ngayon sa sobrang saya, and how was that, hmm?"
Napangisi naman siya sa sagot ko. "I see."
Kumunot naman ang noo ko. Maliban sa pagkakasandal niya sa refrigerator, napapansin ko ang iniinom niya sa can. "Orange juice?"
Kibit ang mga balikat, "I don't like beers, liquors, so, that's why."
"Bakit?" wala sa sariling tanong ko. Feeling close na kung matatawag pero gusto ko lang maging awkward habang nandito kami sa iisang lugar.
"When you drunk, you will make things complicated and nonsense, ika nga, prevention is bette that cure." sagot nito pagkatapos ay nilagok ang iniinom nitong juice.
Tama nga naman siya. May mga bagay-bagay naman talaga na dapat iwasan bago makagawa ng ikasisi pa ng isang tao.
Tiningala ko muli siya ng maalala ang sinabi niya kanina lang. "yung islang sinasabi mo," tinitigan naman ako nito at nakataas na ang mga kilay.
"What about it?"
"Totoo ba talaga iyon? Ang ibig kong sabihin ay may ganoon talagang isla? Sakop ba iyon ng Pilipinas? Alam ba iyon ng gobyerno?" sunod-sunod ang pagtatanong ko rito.
Pagkatapos nitong inumin ang juice ay itinapon niya iyon sa basurahan at lumapit sa kinauupuan ko ngunit nasa harapan ko lamang siya sa pagitan ng island counter. He lean and stared at me intently.
"It's a good that asked that." he paused. "Sasabihin ko lang ito ng isang beses, and I hate repeating myself here, so, listen carefully." ilang beses akong napatango-tango. Excited sa sasabihin niya.
"Gennevieve Island is under of the mafia lord, where is all the organisation started. Yes, this island has own law different. Walang kinikilalang presidente, hari o sinuman, but Abram Nepoleon Zabat Orlov Stavro the current mafia lord is. Gennevieve Island has a own government and punisher. So, if I were you, don't make a move that can lead you harm." kapagkuwan ay umayos ito ng pagkakatayo. "at sa tanong mong alam ba ito ng gobyerno ng Pilipinas? No, as I am saying prevention is better than cure."
Napakunot naman ang noo ko, kung ganoon delikadong isla pala talaga ang papasokin namin. Eh, bakit pa kami pupunta roon. Para na rin inilibing na namin ang aming isang paa sa hukay.
Nah, kahit na anonh delikado pa iyan. May patutungohan naman ang perang makukuha namin.
At sa kasamaang-palad, hindi ko alam kung anong bagay ba ang kukuhanin. Masyado kasing pa-thrill ang isang ito. Nakaka-nosebleeding narin 'to. Kanina pa english ng english marunong naman magtagalog.
Napairap na lamang ako sa hangin. May pagka-abnoy din ang isang 'to. Napapaigtad na lamang ako ng maramdaman ang mainit na bagay sa aking pisngi. Tumingala ako at namimilog ang mga matang makasalubong ko ang nag-aapoy na araw-ng mga mata nito. Mga kamay niya pala ang humahaplos sa pisngi ko.
What the freaking-bibingka is he doing?!
"Ano baㅡ"
"Scar..." kunot ang nuong sambit nito at nakatitig lamang sa peklat ko sa may panga.
Kahit nakapagitan pa rin sa amin ang island counter ay hindi rin pala hadlang sa kanya para maabot ang mukha ko.
"Ahm..." napakagat ako sa labi ko dahil sa kiliting nararamdaman.
"Where did you get this?" kapagkuwan ay tanong niya na ngayon ay nakatitig sa kagat-kagat kong labi.
Marahan ko namang tinampal ang kamay nito sa aking mukha. Kakaiba kasi ang nararamdaman ko ng mahawakan lang niya ang balat ko. Pagkatapos ay simpling tumikhim upang mawala ang awkward na nararamdaman.
"Limang taon na ang nakakalipas ng makuha ko ang peklat na ito." wala sa sariling sagot ko at tinapos na ang pagkain ng canton.
Isang mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa at ramdam na ramdam ko mariing mga titig nito. Pinagsawalang-bahala ko na iyon at kumain na lamang.
Narinig ko naman siyang bumuga ng hangin, "you should rest," anito at umalis.
Hanggang sa mawala ito at lumiko sa kung saan ay nakatitig lamang ako sa pintong nilabasan nito.
Pagkatapos kong kumain ay niligpit ko na ang pinagkainan ko at pamanhik sa silid na ibinigay sa akin kanina. Buti na talaga at hindi ko makakalimotin pagdating sa mga direksyon dahil hindi ko maliligaw sa malaking mansyon na ito.
Napakamot sa batok at binabawi ko na ang sinabi ko. Bumuga ako ng marahas na hininga.
Naliligaw na ako. Peste naman!
Nasaan na ba ako ng lupalop ng mansyon na ito. Tangna naman. Bakit ba kasi may ganito 'pang bahay, nakakalito tuloy ang daming pasikot-sikot.
"Are you lost?" napaigtad akong lumingon sa nagsalita. At makita itong nasa may hamba ng hagdan papuntang ikatlong palapag ng mansyon at nakaupong nakapangalumbaba. Isang batang nasa mga tatlong taong gulang. He tilted his head to the side with a question in his face. "Are you lost?" he repeated.
"Aah." nakakahiya tuloy sa batang ito. "Hindi naman sa ganoon," napahinto at sumingkit ang aking mga mata. "parang..." naisagot ko na lamang at malawak na nakangiti sa batang nakaupo parin.
"I think your room is that way," sagot nito at nakaturo sa isang daan na patungo sa mga silid.
Nilingon ko naman ang daang itinuro nito. Mukhang iyon na nga. "Thank you, bat---"
"Keanu is my name." Putol nito ano pa man ang sasabihin ko at umalis na ito sa kinauupuan.
Kibit ang mga balikat na tinungo ko itinuro nito sa akin. Nang makita ang silid ay agad akong pumasok at pabagsak na humiga hindi ko na rin namalayan dahil sa pagod ay agad na pumikit ang mga mata ko.
KINAUMAGAHAN hindi pala, madaling-araw pa pala at para parin akong hinihila ng malambot na kama. Kaso, andito ako sa labas at napapahikab.
"Oy!" siko sa akin ni Cain. Inirapan ko lamang ito. Bakit kasi ang aga-agang ginising ng mga ito.
"Hindi ako morning person." naaasar na balala ko rito na ikanahakhak lang ng huli.
Alam na niya kasi ang ugali ko kapag umaga. Partly, ganito kaaga. Parang gusto kong manabunot.
"Ano ba ang ginagawa natin dito ha?" kapagkuwan ay tanong ko sa kaharap na si Abel na nasa mga bulsa nito ang mga kamay.
Napakunot naman ang noo ko ng mapansing may dala-dala itong pack-bag. Nilingon ko rin si Cain at ang iba. Nang maalala ang pinag-usapan kahapon ay gising pa sa lasing ako napamulagat.
Tangna! Bakiy ko ba nakalimotan na ngayom pala ang alis. s**t!
"Teka-teka! Time-out!" sigaw ko na ikinalingon ng lahat.
"Hulaan ko, Pipay." ang tsismoso ng bayan, Jadd. Nakangisi itong nakalingon sa akin. "nakalimotan mo 'no?"
Inirapan ko lang ito sa asar. Basagin ko mukha nito 'e.
"Me too," sabad naman ni Cassius. "I didn't finish my shopping yet."
"Pakamatay ka na, Cassius." naaasar na sabad naman ni Urion. "naiirita na talaga ako sa pagmumukha mong hayop ka." dagdag pa nito at naglakad na ito papasok sa iyang jet na ngayon ko lang nakita na nasa harapan lang pala namin.
"Kahit kailan pikon talaga ang isang ito." tumatawang salita naman ni Kaia at sumunod sa pagpasok nito.
"Arg! Fvck! I want something to it!" sigaw na lang ng isang wierdo din.
"Kakakain mo lang gago!" sabay sapak naman ni Echo kay Siruis.
"Do you wanna die, assh-le?" nakakatakot na tingin ang ipinukol nito kay Echo.
Humalakhak lamang ang huling nakataas ang mga kamay sa ere pagkatapos ay iniwan na itong ang sama pa rin ng titig sa huli. "Fvcker." bulong nito.
Napapangiwi na lang akong pinagmamasdan sila. May i-wi-wierdo pa pala sila kesa sa mga kasama ko.
"Masanay ka na sa kabaliwan ng mga iyan." Nilingon ko naman ang nagsalita sa likuran ko. At doon nakita ko sa Otis, ang may wierd na mga kulay ng mata. Nakangiti na nakatayo. "kahit ganyan ang mga iyan ay mapagkakatiwalaan sila. You know, they are just bunch of idiots."
Napapailing na rin ako sa sinabi niya. Pati narin naman siya ang wierd. Akala mo matino rin hindi naman. Imbes na mga gamit na kakailanganin ang bibit nito ay unan at kumot ang hawak. Nagsalita rin ang hindi abnoy.
"abnoy din naman siya." bulong ko sa sarili. "Cai---" nagpalinga-linga ako sa paligid para hanapin ang magkakapatid at natagpuan ko ang mga ito sa hagdan ng jet nakikipagsikskikan ang mga ito ang nag-uunahan makapasok.
Napatampal na lamang ako sa sarili kong mukha. Bakit ba ako napapalibutan ng mga abnoy. May kasalanan ba ako. Argh! Mahabagin! sapian sana ako ng kaluluwang pasensya.
"Miss Pyper?"
Tumingala ako sa hamba ng pintuan ng jet. Nakatayo ang kagalang-galang din na abnoy s***h butler ng familia grant. Egan Nicholas. "We're leaving in a munite," anito.
"Uncle Kevin pasalubong ko po ha?" nilingon ko muna ang pamilyar na boses na iyon. At ang nakita kong bata noong isang araw ang nasa mga bisig ngayon ni Kevin na may ngiti sa mga labi.
Bumilis naman ang t***k ng puso ko ng makita ko siyang ang lawak ng ngiti nito sa mga labi. At lumalabas pa ang dalawang biloy nito pisngi. Wala sa sariling napahawak ako sa dibdib ko na ang bilis ng t***k.
"May sakit na ata ako." bulong ko sa sarili. Natutulala sa kaharap na ang sarap tignan ng ngiti nito.
"Pipay?"
Magpapacheck-up ako sa puso kapag nakakaluwag.
"Pipay?"
Tama-tama at baka nahawa ako ng mga ka-abnoyan ng mga ito. Pati puso ko, naabnoy na.
"Pipay!"
"Ay! Pipay!" napalundag ako sa gulat.
Shit!
Napahawak pa ako sa puso ko. Aatakihin na talaga ako nito.
"What the heck happened to you?" kunot-nuong tanong niya habang nasa bisig parin ang batang nagpakilala sa akin na Keanou kagabi.
"I think she is in the outer space, Uncle." bulong ng bulingit na narinig ko naman kapakuwan ay humahagikhik.
"You think so, buddy?"
Umingos lamang ako sa dalawa. Pinagkakatuwaan ako ng dalawang ito.
"Hey! Assh-le! Give me back my son!" sigaw ng papalapit na lalaki sa aming kinatatayuan. Madilim ang mukha nitong inaabot ang anak kay Kevin.
Tumawa lamang ang huli. "Oh come on, Drexel, hinihiram ko lang naman."
"Kay aga-aga ninanakaw mo ang anak ko. Kung gusto mo ng bata, gumawa ka ng iyo." sabi pa nito na naiinis at lumayas na lang.
"bye-bye, uncle!"
"Bye, buddy!"
Napapailing na lumingon sa akim si Kevin. "Ready?" anito at inilagay sa magkabilang bulsa nito ang mga kamay.
"Everything is ready, boss." sagot ni Egan na nasa likuran ko na. "Lord Nepoleon, acknowledge our visit." dagdag pa nito.
"Good." tumarangong anito at naunang lumakad at hila-hila ako.
NAPAPANGANGANG ipinalibot ko ang aking paningon sa buong lugar. Hindi makapaniwalang nakatungtong ako sa Gennevieve Island. Malayo sa naiisip kong lugar. Yung bubungad sa akin ang magulo at napakapangit na pamumuno.
But, I think, I'm wrong. This island is beyond fvcking beautiful. Nakikita ko mula sa kinatatayuan ko ang malinaw at berdeng tubig ng dagat. Nagkikislapan ang mga ito sa tumatamang sinag ng araw.
"Beautiful, right?" ani ng nasa gilid ko. Amoy pa lang ay alam na alam ko.
"Beyond beautiful." sagot ko naman na nasa karagatan ang aking atensyon.
"Yeah, you're right. But, behind this beautiful place has a darkest secret."
"Ano ang ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya.
Nagkibit ng balikat lamang ito. "Let's go. His waiting."
Tignan mo ito ang labong kausap. Napapailing na sinundan ko lamang ako palabas ng paliparan. Sumusunod naman ang iba sa aming likuran na ang iingay ng mga abnoy.
Papalabas na kami sa exit nang mapansin ang tatlong lalake na nakaabang sa amin. Sa tindig at aura pa lamang ay masasabing nasa pinakamataas na posisyon ang mga ito.
Nang makalapit ang grupo sa mga ito ay malalapad ang ngiting iginawad sa amin.
"Familia Grant is in the house everyone." salubong sa amin ng nasa gitna.
"Commander Vitalis," Nakangising bati ni Boss Kevin at nakipagkamayan. "How are you?"
"Heto at gwapo parin, Grant."
"Wala pa rin pinagbago nagdadala ka parin ng sariling aircon Vasiliev," natatawang anito ni Jadd.
"Tumahimik ka. Hindi kita kinakausap, tsismoso."
"Boo!"
"Burn, bud."
Natatawang napapailing ako kay Jadd na nakahawak sa dibdib nito na parang nasasaktan.
"Walang hiya kang hayop ka. Bestfriend pa naman kita tapos gaganitohin mo ako?"
Nagkibit ng balikat lamang ang huli. "What are friends are for."
"Kapag parin naman ng mukha mo."
"By the way, he is waiting." tumango bilang sagot si Kevin. "With my Captain Xander Effie and Admiral Aurelian Devereux we will accompanied you to him."
Tama nga ako. May matataas na katungkulan ang mga ito sa isla. Ganito ba ka importante ang isang Kevin Grant na mismong matataas na tao pa ang susundo sa amin. Kung ganoon ay napakalaking bagay nga sa mga ito ang hinahanap namin.
Sa gitna ng aming paglalakad patungo sa dapat namin sasakyan ay bigla na lamang sumigaw si Jadd.
"Tangna! Nagmo-mobile legend lang pala ang gagong ito!"
#IamDyosa #unedited