Working With Mister Mafia Chapter 1
WALA SA sariling napabuntong hininga ako dahil sa konsyomisyon kong halos mapasabunot na ako buhok sa sobrang prustasyon ngayon. Parang gusto kong sumakal ngayon pa lang sa sobrang gigil. Nawawalan na talaga ako ng pasensya sa trabahong ito. Teka nga, bakit nga ba ito ang kinuha kong kurso.
Tsk! Ay ewan! Pero nag-e-enjoy naman ako kaso nga lang ay sumasakit ang ulo ko kapag ganito na ang nangyayari.
Padabog akong umupo at tinitigan lamang ang mga estudyante kong sobrang ingay at ang kukulit. Takbo dito, takbo doon ang mga ito na parang 'bang hindi mapakali ang mga ito sa mga inuupuan nila. May isa naman na umiiyak dahil kinuhaanan ng baon.
"Loki! Isauli mo kay Tanya ang baon niya." sabi ko pa ng pumalahaw na ito ng iyak at nilapitan na ito.
Nako! Isa pa itong batang ito, masasakal ko na talaga!
Paano ba. Recess time ngayon at hindi ko mapigil ang mga batang ito kapag ganitong oras. Nakikinig naman kung tuwing klase kaso nagiging mga demonyo ang mga ito kapag recess time na.
"Oh! Eto na baon mo!" sigaw pa ni Loki habang ibinibigay rito ang pagkain. "Damot mo naman." pagkatapos ay iba na naman ang binu-bully nito.
Napapailing na lamang akong bumaling kay Tanya na umiiyak pa rin. "Tahan na..."
"Ang bad-bad niya talaga teacher." sumbong nito sa akin.
Sasagot na sana ako ng may marahang kumatok sa pinto ng classroom. Napabaling naman ang atensyon ko roon at napakunot ang aking noo.
Okay, sa pagkakaalam ko na eskwelahan itong pinasukan ko at hindi office.
"May kailangan po sila?" nilapitan ko ito. Baka naman ay naligaw ito, kawawa naman kung sa ganoon.
Sayang pa naman ang porma ni kuya pogi itim na naka-tuksedo ito at mas lalo pa akong nakakunot ng noo dahil kulay dilaw ang buhok nito. Napangiwi tuloy ako. Ang weird lang kasi ng buhok niya.
K-pop lang, ganern?
"Good morning," anito na may makalaglag panty smile. Sheeet! "Your Pyper Jeyce Reyes, right?" paninigurado nito.
Tumango lang ako bilang pagsang-ayon, "great, he want to talk to you." sabi pa nito pagkatapos ay bigla na lang akong hinila na ikinagulat ko. "H-ha?" ano daw?
Huli na para magreact dahil konting hakbang na lang ng mga paa ko ay gate na ng eskwelahan.
Oh s**t! Bali-balita pa naman ngayon na maraming naki-kidnap at binibenta ang mga organs nito.
Oh nose! Hindi pwede! Mawawalan ng genius sa mundo!
"Teka lang kuya!" pilit ko namang hinihila yung braso ko sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya pero matigas talaga ang apog ng isang ito.
Umusbong naman ang kaba sa aking dibdib ng sa likod kami ng eskwelahan dumaan at mula sa kinatatayuan ko ay nakikita ko ang nag-iisang sasakyan roon at isa itong black van.
Oh my ghad talaga! Tama nga ang hinala ko kahit na pogi 'tong si kuya ay hindi ako magpapadali sa ka-poging taglay nito kung ito lang naman ang kukuha ang mga organs lalong-lalo na ang genius brain ko!
"Aaah!! Kidnap---hmmp!" napatigil ako sa dapat na iisigaw ko ng takpan nito ang bibig ng napakalaki niyang kamay na halos sakop na ng boung mukha ko. "Hhmmpp!!" help me!!
"Get her in." utos nito sa mga kasamahan niya. Nanlaki naman ang mga mata ko. Hindi ko maintindihan bakit nila ako dudukotin eh wala nga akong isang libo sa pitaka ko pang-ransom. Waaahh!
Pilit parin akong pumipiglas sa pagkakahawak ngayon ng mga inutusan niya. Dalawa ito kaya sa magkabilang mga braso ko sila nakahawak ngayon. "Anu ba! Wala akong ginawang masama bakit ninyo ako dudukotin!" sigaw ko ng makawala ako sa pagtakip ng bibig ko.
Ngunit ng bumalik sa balintataw ang ginawa ko noong isang araw ay nanghina ako sa pagpupumiglas.
Shit! Dahil ba doon?!
"Kuya parang awa niyo na! Ginawa ko lang naman iyon kasi naman ang ingay-ingay ng pusa na iyon sa kabit-bahay ko. Jomo-jowa na nga lang ang ingay pa kaya hayon..." ngumuso pa ako para maawa sila sa akin at nagp-puppy dog eyes pa ako para isahang bagsak na. "Nilagay ko sa ref ko ayun tumigas." dagdag ko.
"What the fvck!?" nasabi na lang ni kuyang pogi. May hindi ito makapaniwalang ekspresyon sa mukha.
"Bakit? Ikaw ba hindi mo din ba gagawin ang bagay na iyon? Nakakainis kasi! Lalandi-landi pa sa bubungan ng bahay ko ayun nilagay ko sa ref." Sana nga ay hindi iyon hanapin ng amo niya edi yari talaga ako. "Ano?"
Iniisa-isa ko sila ng tingin lahat.
"She's crazy alright." sabi ng isa na nakapamulsa na ngayon.
Sa totoo niyan nakatayo ako ngayon sa gitna nilang limang mga lalakeng nag-ga-gwapohan at makalaglag panty nga naman ang mga kapogian ng mga ito at nagmumukha silang kapre sa liit kong ito.
Ang isa naman ay nakakunot lang ang noo na nakatitig sa akin para bang binabasa ang baliw kung utak.
"Tapos anong ginawa mo sa pusa?" interisado namang tanong ng isa akin para bang natutuwa ito sa dapat kung sasabihin.
"Alam mo Jadd, napakatsismoso mo talaga kahit kailan." dugtong naman ng isa habang may ginagawa sa harap ng aparatu nito.
"Bakit? Inggit ka lang." bumaling ulit ito sa akin. "Ano na?"
"Ahm," hindi ko na alam ang dapat kong sasabihin, maliban sa mga gwapo sila at matalinong dyosa ako ay wala na akong masasabi pa talaga.
Pero isa lang ang nasa isip ko ngayon ay ang tumakas. Habang nachi-chika sila diyan ay naghahanap ako tyempo para makatakas. Dahan-dahan naman akong humakbang at ng makatakas na sa mga mongoloid na ito. Nang makahanap ng tyempo ay agad akong tumakbo, palayo sa eskwelahan.
"Hoy mga gago! Tumatakas si Miss Pyper!" rinig kong sigaw sa kanila kaya mas binilisan ko ang pagtakbo ko.
Waaah!! Takbo Pepay ibuhis mo ang buhay mo dito. Takbo lang ng takbo. Wala ka namang ginagawang masama sa kanila kaya tumakbo ka at ilagaw sila.
Nilingon ko pa sila at medyo malayo na sila sa akin at nagtutulakan pa habang tumatakbo na parang mga tanga. "Ayy!" At dahil nga sa hindi ko nakikita ang tinatakbohan ay bumangga ako sa isang pader.
Shit! Tumingala ako ngunit hindi pala ito pader kundi isang malapad na matitipunong mangangatawan ang nabangga ko. Dahil nasa akin ang liwanag ng araw tumatama ay hindi ko ito makita ng malinaw. Pero alam kong naka-sun-glasses ito kapagkuwan ay inilapit nito ang mukha sa akin, dahan-dahan niyang inilayo ang sun-glasses at mariin na may ngisi akong pinatitigan nito.
Para naman akong nawalan ng hininga ng makita ko ang kulay ng mga mata ito. Magkaiba ang kulay ng mga ito. Abo at berde ang mga ito. Sa pagkakaalam ko ay klase ng sakit or syndrome ito.
Nakatulala lamang ako sa magaganda nitong mga mata. "Hey, beautiful." Ang mga mata rin nito ay sumabay sa pagkakangiti tulad sa makalaglag panty rin nitong ngisi.
"Oh my gee..." naibulong ko sa hangin.
"Otis, buti na lang nakaabot ka." ngayon nga ay naabutan na ako ng mga baliw.
Nilingon ito ng lalaking may magagandang mga mata, "oh, so, it's her?" nilipat niya ang atensyon sa akin at may nakakalokong ngisi sa mga labi at nag-iba ang aura nito mula kanina. "It's you, huh."
Para parin akong nalulunod sa mga mata nito. Ngayon lang kasi ako nakakita ng malapitan ng ganitong klaseng mga mata. "So, Egan, why not bringing her to boss?" nakakunot ang noo nitong tanong sa lalaking may kulay dilaw na buhok.
Nagkibit-balikat lamang ito. "She's trying to escape, Otis."
"Kaya nga nagkanda-ugaga kami sa paghabol sa kanya." hiningal na sabat ng isa. "Ang totoo Miss Pyper, runner ka ba? Ang bilis mong makatakbo eh."
Inirapan ko lamang ito. Tsk! Paano ba, eh sa gusto kong takasan sila.
"Stop this nonsense chit-chat his waiting." sabi pa nito at umuna ng naglakad habang nasa magkabilang bulsa ang mga kamay nito.
"Teka! Anu ba! Bitawan niyo ko!" angal ko pa dahil ngayon ay ang higpit na ng hawak nito sa akin. "Ano ba ang kailangan niyo sa akin ha?!"
Ni-isa sa kanila ay walang sumagot sa tanong ko. Naku naman po! Paano kung hahanapin ako ng magkapatid. Siguradong mag-aalala ang mga iyon.
Hindi na ako makaangal pa dahil nasa harapan ko ang itim na van. Nakasakay na doon ang lalaki na tinawag ni yellow hair---eh sa hindi ko kilala ang mga poging ito---malakas akong napabuntong hininga at pinabayaan nalang sila.
At ang inalala ko rin ay ang mga naiwang estudyante ko paniguradong sisante na talaga ako nito. Nunkang late na nga pinabayaan ko pa ang mga estudyante ko.
Naku naman!
Dahil sa napakalalim ng iniisip ko ay namalayan ko na lang na nakarating na pala kami sa desntinasayon kung saan nila ako pagdadalhan. Tumigil ang sasakyan at isa-isang lumabas ang mga ito. Hindi naman ako lumabas dahilan para sinenyasan ako ng isa nilang kasama, yung tinawag na tsismoso. "Oy! Lumabas ka na dyan."
Iningusan ko lamang ito at padabog na lumabas ng sasakyan. At napalaki na lamang ang mga mata ko ng makita ang nasa aking harapan. Kung pwede lang malalag ang panga ko kanina pa ito nasa sahig.
Sa harapan ko ngayon ay isang napakalaking mansyon. Pwede na sigurong magkasya ang apat na bahay nito eh' na sa sobrang lawak ay nakakalula ng tignan. Iginaya ako papasok ng isa sa mga lalaking kumuha sa akin at sa pangalawang beses ay napanganga ulit ako sa nakikita at nalulula ako sa laki ng espasyo nito sa loob. Kulang na lang gawin na itong functions para sa party na sa sobrang luwag nito sa loob at nagkalat ang mga katulong rito.
Napasinghap ako. Gaano ba kayaman ang gustong kausapin ako ha?