Terms of Temptation

2457 Words
Hindi agad kumilos si Sancho pagkatapos ng nangyaring pang sasabotahe sa meeting ni Jeida. Hindi siya nag-celebrate sa tagumpay niya. Instead nasa loob siya ng kotse niya, nakaparada sa tapat ng Eve’s Palace. Tahimik at nakatitig sa harapan ng hotel. At ang tanging ilaw na tumatama sa mukha niya ay galing sa signage ng hotel na pilit pa ring kumikislap kahit halatang napapagod na. Pareho sila, pagod pero hindi sumusuko. Napahilig siya sa upuan, isang kamay ang nakahawak sa pants niya ng mahigpit, matalim ang tingin niya sa hotel lalo sa isang particular na floor. “Hindi ako titigil hanggat hindi ko nagagawa ang gusto ko.” bulong niya sa sarili. Oo, nasira niya ang deal. Oo, napilitan umatras ang mga investors na nakukuha ni Jeida. At oo nahaharang niya ang lahat ng potencial na investor na gustong tumulong para ibangon ang hotel. Yes, actually malaki ang pag-asa ng hotel, kaya pa talaga itong ibangon kung tutuusin pero dahil sa kanya. Palubog na iyon ng palubog at unti-unti ng nawawalan ng pag-asa pero dahil kay Jeida, nanatili pa rin lumalaban ang hotel. Hindi pa rin sumusuko si Jeida. Hindi pa rin niya binibitawan ang hotel. Hindi pa rin siya yumuyuko at iyon ang mas lalong nagpapainis sa kanya. “Ang tigas talaga ng ulo mo,” mahina niyang sabi, pero may halong ngiti. Hindi siya galit kay Jeida, hindi na puro galit ang nararamdaman niya ngayon. May halo ng fascination at iyon ang mas delikado. Dahil hindi niya iyon plano, hindi niya plano na mapansin kung paano tumingin si Jeida kapag galit. Hindi niya plano na maalala kung paano ito huminga nang malalim bago sumagot. Hindi niya plano na ma-amuse sa bawat mataray nitong sagot. Hindi niya plano na ma-curious. Huminga siya nang malalim. “This is business,” paalala niya sa sarili, simple lang dapat. Pressure, control and break her options. Force her the sale or the marriage pero ngayon parang hindi na lang iyon ang gusto niya. Napapikit siya sandali at huminga ng malalim at doon niya na-realize, mali ang ginagawa niya. Hindi sapat ang pressure, hindi sapat ang intimidation at hindi sapat ang logic. Kasi si Jeida hindi tinatablan ng ganon. Napangiti siya ng malala ang batang Jeida noon na hinamon siya pero... napapikit siya at bahagyang umiling at pinilit kalimutan ang nakaraan. Kung gusto niya itong mapilit ibenta sa kanya ang hotel, kailangan niya itong lapitan sa ibang paraan. Something she wouldn’t expect. Something she wouldn’t be ready for. Dahan-dahan siyang napangisi dahil sa planong tumatakbo sa isip niya. “Fine,” bulong niya. “Let’s try a different approach.” "Let's go." utos niya sa driver saka muli ng umandar ang sasakyan at umalis na sa harapan ng Eve's Palace, kailangan niyang paghandaan ang muli nilang paghaharap ni Jeida. - - - - Kababalik lang ni Jeida sa office niya sa L'Heritage hotel galing siya sa isang close door meeting, medyo pagod siya dahil maghapon siyang umattend ng meeting sa iba-ibang agenda. Nag-ikot sa buong hotel, kinamusta ang mga employee at ilang mga guest. At puntahan ang ilang branch ng hotel na hawak niya, ganun siya ka busy basta M-W-F kaya wala siyang night life kasama si Charmie na busy din naman. Kapag naman T-TH nasa Eve's Palace siya at nag hahanap ng mga potensyal investor. Sabado nasa out of town naman siya para bumisita sa ilang resort naman na pag-aari pa rin ng La Huerta. Sa madaling salita Sunday lang ang pahinga niya. Pabagsak siyang naupo sa swivel chair niya at hinilot ang sintido. Ngunit hindi pa man nag-iinit ang pwtan niya sa upuan pumasok naman si Noreen para sabihin na may bisita daw siya. Hindi inaasahan ni Jeida ang bisita, actually ayaw niyang tumanggap ng kahit sinong bisita. After what happened yesterday, halos hindi siya nakatulog. Nasakit na ang ulo niya, malapit na siyang mawalan ng pag-asa. Paulit-ulit sa isip niya ang eksena na ginawa ni Sancho. Ang meeting, ang mga investor na isa-isang nag babackout na malakas ang kutob niya may kinalaman si Sancho at dahil doon na alala niya ang mukha ni Sancho habang sinisira nito ang lahat. “Ma’am, may bisita po kayo,” sabi ng secretary niya. Napapikit si Jeida na bumuga ng hangin. “Kung si Sancho Montenegro ‘yan—” “Hindi po.” Napakunot ang noo niya. “Then who?” “Hindi po sinabi ang pangalan… pero—” Naputol ang sasabihin nito nang bumukas ang pinto. At doon pumasok si Sancho. Napahigpit ang hawak ni Jeida sa armchair niya. "Seriously?” malamig niyang sabi sabay tingin kay Noreen ng masama. "Hindi po siya yun—." Itinaas na ni Sancho ang kamay para patahimikin ang secretary ni Jeida. Ngumiti si Sancho na kinindatan pa ito at inutusan na silang iwan, alanganin naman tumalikod ang secretary. Muling ngumiti at kumaway si Sancho, hindi iyong usual na mayabang na ngiti. Mas… relaxed, mas casual. “Good afternoon, My future.” parang wala lang na bati niya. “Get out.” Diretsong utos ni Jeida na itinuro ang pinto na hindi gumagalaw sa puwesto. Dahan-dahan naman naglakad si Sancho papalapit kay Jeida na parang hindi niya narinig ang utos nito at parang wala siyang pakialam sa galit nito. “Relax,” sabi niya. “I’m not here to ruin anything today.” Napairap si Jeida. “Too late for that.” Ngumiti siya ulit pero may kakaiba na ngayon. Hindi na lang pang-asar parang may ibang agenda at iyon ang mas lalong kinainis ni Jeida dahil ano pa bang agenda ng lalaking ito maliban sa hotel. “What do you want?” tanong niya, hindi agad sumagot si Sancho. Sa halip tumingin siya sa paligid ng opisina. Pinagmasdan ang kabuoan ng magarang office ni Jeida. “At this point,” mababa niyang sabi, “I think I’ve been doing this wrong.” Naningkit ang mga mata ni Jeida parang mas hindi niya nagustuhan ang sinabi nito. “Excuse me?” Bumaling si Sancho kay Jeida at naupo sa gilid ng mesa ng dalaga. “Atake kasi ako nang atake. Pinipilit kita, sinisira ko lahat ng options mo.” Bahagya siyang ngumiti habang nakatitig kay Jeida na hindi kumukurap. “And yet—here you are.” Tahimik silang nagkatinginan, hindi na siya nagsalita. Hinayaan niya itong magpatuloy. “So I thought…” dahan-dahan niyang sabi na bahagya pang inabot ang ilang hibla ng buhok ni Jeida na nakaharang sa magandang mukha ng dalaga pero tinabig ni Jeida ang kamay niya at iniiwas ang mukha saka siya sinamaan ng tingin na ikinangiti lang niya. “Maybe I should try something else.” “What?” tanong ni Jeida, halatang hindi kumbinsido. He leaned forward at tinitigan pa lalo si Jeida. “At least this time…” mahina niyang sabi, “I won’t force you.” Tumaas ng husto ang kilay ni Jeida, mas lalo siyang nagduda sa lalaking ito. Si Sancho Montenegro… hindi nangpi-pressure? Hindi nangkokontrol? Hindi mapang-aasar? Hindi siya naniniwala. Parang sinabi nito na mamaya kulay pink ang buwan sa langit. “Stop whatever this is,” sabi ni Jeida. Hindi siya gumalaw. “Why?” tanong niya. “Because I literally don’t trust you.” Ngumiti si Sancho. “Good.” Naningkit ang mga mata ni Jeida at nag salubong ang kilay. “Because I don’t want you to.” Mas lalong naguluhan si Jeida na nanahimik dahil pakiramdam niya may bago, may nag bago. Hindi sa paligid, hindi sa sitwasyon. Kundi sa paraan ng pagtingin ni Sancho sa kanya. Mas matagal itong tumingin ngayon na parang minememorize nito ang mukha niya. Mas mabagal, mas… personal. At malinaw iyong napansin ni Jeida at hindi niya nagustuhan ang galawan nito. “Don’t look at me like that,” malamig niyang utos. “Like what?” “Like I’m something you want.” Ngumiti si Sancho, mas mababa at mas tahimik. “And what if you are?” Tumigil ang mundo ni Jeida. Hindi siya agad nakasagot, hindi dahil wala siyang sagot kundi dahil hindi niya inaasahan ang sinabi ni Sancho. “You’re unbelievable,” bulong niya. “And you’re interesting,” sagot ni Sancho, na tumaas ang sulok ng labi nito. Kung noon ang angas ng dating nito, ang yabang na parang walang sino man ang maaring tumangi dito. Ngayon naman mas matindi yung landi na nito may halo ng hint ng kamanyakan. “At first—” Lumapit pa siya ng kaunti na halos dumikit na ang hita nito sa armrest ng upuan niya. Hindi siya hinawakan, hindi pinilit, namulsa lang ito habang nakatitig pa rin sa kanya pero sapat para maramdaman niya ang kakaibang init na gusto nitong iparating sa kanya lalo na ng tingnan nito ang hita niya. “At first, this was about the hotel.” Naningkit ang mga mata ni Jeida. “At ngayon?” tanong niya. Saglit na tumahimik si Sancho parang pinipili ang sasabihin. At iyon ang mas lalong nakakabahala para kay Jeida. “Now,” mahina niyang sabi, “I’m not so sure anymore.” tumayo si Sancho at biglang itinukod ang dalawang kamay sa armchair ng upuan niya at napasandal siya ng di oras para ilayo ang sarili dahil kung di niya iyon gagawin mahahalikan siya ni Sancho na parang iyon ang eksaktong gustong gawin. Biglang bumilis ang t***k ng puso ni Jeida. Hindi niya gusto ang nararamdaman niya, hindi niya inaamin pero naramdaman niya at iyon ang kinainis niya dahil may malakas na epekto si Sancho sa kanya ng mga oras na yun at hindi niya maiwasan na titigan ang labi nito dahilan para mapalunok siya. “Don’t,” mariin niyang sabi ng unti-unting lumalapit ang mukha ni Sancho. “Don’t what? Jeida.” “Don’t play with me.” Hindi siya umatras, hindi rin siya ngumiti at hindi rn siya nagbiro. Instead mas inilapit pa niya ang mukha niya. “I’m not playing." At iyon ang mas delikado. Tumatama na sa mukha niya ang mabangong hininga ni Sancho. “Then what is this?” tanong ni Jeida na lakas loob na ibinuka ang labi na halos mag dikit na. Dapat itulak niya ito pero parang na paralyze nalang siya at hindi na makagalaw. “Atake ulit?” “Strategy?” “Another way to control me?” tanong ni Jeida. Umiling si Sancho ng dahan-dahan. “Wrong.” Lumapat na ang labi ni Sancho pero hindi siya nito hinahalikan. Na para bang hinihintay lang nitong siya ang humalik. “I don’t need to control you.” “Then what do you want?” tanong niya. At doon bahagyang napangiti si Sancho at tuluyan na siyang hinalikan. Magaan lang na parang tinatantsa siya kung itutulak niya pero hindi niya ginawa pero hindi rin siya gumanti ng halik. Lumayo si Sancho ng bahagya at tinitigan siya. “At first?” sabi niya. “I wanted your hotel.” Saglit siyang tumigil. “At ngayon?” Mas bumaba ang boses niya. “I want you.” Diretso at literal na sabi ni Sancho. Hindi gumalaw si Jeida, hindi siya nagsalita at hindi niya alam kung ano ang mas nakakainis ang sinabi nito o ang paraan ng pagkakasabi. Inaakala ba nito na madali siya nitong mabibilog ang ulo porket nag pahalik siya? Ano bang tingin nito sa kanya cheap na babae. Pero parang hindi rin naman ito nagbibiro, parang hindi naman ito nakikipaglaro, parang totoo lang kaso after ng ginawa sa kanya noon ni Sancho, kahit katiting wala na siyang tiwala dito. Kaya niyang sakyan ang powertrip nito pero never siyang maniniwal dito ulit kahit kelan. “You don’t get to decide that,” mahina niyang sabi. “Maybe not,” sagot ni Sancho. “But I can choose to pursue it.” Naningkit ang mga mata ni Jeida. “Don’t.” “Why?” “Because I’m not interested.” Ngumiti siya ng bahagya. “Liar.” “At least I’m honest about it.” “At least ngayon…” dagdag niya, “I’m not offering you marriage because of the hotel.” Napatingin si Jeida sa kanya na nag salubong ang kilay. “And what makes you think I’d say yes now?” tanong niya. “Nothing,” sagot ni Sancho. “Then stop.” “Also no.” Napairap siya pero hindi niya ito itinulak, hindi ito umalis nakatitig lang sa kanya na may ngiti sa labi. “At ano na ngayon?” tanong niya. “What’s your plan?” Ngumiti si Sancho, mas kalmado, mas ang kumpiyansa sa sarili na tiningnan ang labi niya. “I’m going to court you.” Natigilan si Jeida. “Excuse me?” “You heard me.” “You’re insane.” “Probably.” pinilit ni Jeida basahin ang expression ng mukha nito pero wala siyang makitang kakaiba. “At least this time…” dagdag niya, “I’ll do it right.” Napatawa si Jeida. Hindi dahil nakakatawa. Kundi dahil hindi siya makapaniwala. “You think I’ll fall for that?” tanong niya. “I think…” sagot ni Sancho, “you’re already affected.” Naningkit ang mga mata niya. “Don’t flatter yourself.” “Then prove me wrong.” At doon naramdaman ni Jeida na nagbago ang laban. Hindi na ito simpleng negosyo, hindi na ito simpleng deal. Hindi na ito simpleng pilitan, mas delikado na ngayon ang gusto ni Sancho. Kasi hindi na lang pera ang ginagamit ni Sancho. Kundi sarili niya at malinaw na nakikita iyon ni Jeida, ang charm nito, ang presence at isang bagay na hindi niya inaasahan sincerity na di niya alam na meron pala ito. “At kapag hindi ako bumigay?” tanong ni Jeida na hamon ni Jeida. Ngumiti si Sancho. “I don’t give up, easy my future.” “At kapag natalo ka?” Mas lalo siyang ngumiti si Sancho. “Then at least this time—” Tumigil siya at tumingin diretso sa kanya lalo na sa labi niya. “I lost because I wanted something real.” Hindi na alam ni Jeida kung ano ang mas dapat niyang gawin. Itaboy ito o siya lumayo dito. Dahil sa kauna-unahang pagkakataon, hindi lang si Sancho ang may kontrol sa laro. Kundi pati na siya at iyon ang mas nakakatakot. Dahil habang pilit niyang tinatanggihan ang presensya ni Sancho, may isang bahagi sa kanya na unti-unting… naaapektuhan at tama ito at iyon ang hindi niya kayang kontrolin. "Sorry… but I think I’m about to do something I shouldn’t—and I’m not sure I even want to stop myself anymore.” wika ni Sancho at bago pa makapag react si Jeida, napasinghap na lang si Jeida ng sakupin ni Sancho ang buong labi niya at hindi nalang yun basta halik. It was totally intense and reckless.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD