Ilang beses na siyang nagpalit ng pwesto sa kama, ilang beses nang ipinikit ang mga mata pero sa tuwing pipilitin niyang matulog, iisa lang ang bumabalik. Si Jeida, ang malambot nitong labi, yung malakas nitong sampal at yung masama nitong tingin. Napabuntong-hininga siya aty tuluyan ng bumangon at umupo sa gilid ng kama, hinagod ang mukha saka napasuklay sa buhok.
“Unbelievable…” bulong niya. Hindi siya sanay sa ganito, hindi siya sanay na may iniisip na ibang tao nang ganito katindi.
Kinuha niya ang phone niya. Tiningnan ang pangalan ni Jeida sa contacts, saglit siyang nag-atubili pero hindi rin nagtagal—
Tinawagan na niya ito. Ano ang lagay siya lang ang puyat hindi dapat silang dalawa dahil ito ang umabala ng isip niya.
Ringing. May ilang minutes din bago sumagot si Jeida. Pero imbes na tahimik na boses ang marinig lang niya sa kabilang linya. Malakas na music ang sumalubong sa tenga niya kaya nailayo niya ng bahagya ang phone at tiningnan kung tamang number ba ang tinawagan niya.
"Damn it!" malakas na Bass. Sigawan, tawanan ang naririnig ni Sancho kaya naningkit ang mga mata niya. Hindi makapaniwala na may ganitong side si Jeida na akala niya isang socialite hotelier na classy and demure, tipong prim-proper. Mali pala siya meron din itong wild side.
“Hello?” boses ni Jeida, pero halatang may tama na medyo mabagal, medyo magaan.
“Where are you?” diretso niyang tanong.
“Hmm?” tumawa siya ng mahina.
“You Guess.” Lalong sumama ang timpla ni Sancho na napapikit na kagat labi at nagtitimpi na sigawan si Jeida dahil ano bang karapatan niyang magalit wala naman silang relasyon.
“Jeida.”
“Relax,” sagot nito, may halong ngiti sa boses.
“I’m just having fun.” Napahigpit ang hawak niya sa phone.
Fun? Habang siya, hindi makatulog dahil sa kanya? Grabe napaka unfair...
“Send me your location.”
“Why?” natawa si Jeida ulit.
“You coming?” Walang sagot si Sancho. Pinutol na niya ang tawag, hindi na niya kailangan ng sagot. Alam na niya. Tumayo na siya at tinawagan ang isang kaibigan.
"Hello." bungad ng isang boses na parang ayaw pang sumagot na napilitan lang.
"Get up! Now..." matigas na utos niya sa kabilang linya.
"What? Alam mo ba kung anong oras na?" tanong ni Glenn na naka pikit pa ang isang mata na tiningnan ang oras sa cellphone,
"1am in the morning are f*cking kidding me?" bulalas ni Glenn,
"Then I'm not helping you with your project plan." sagot ni Sancho na nakasimangot na nagtungo sa walk-in closet niya.
"Give me 20 minutes, no—15 minutes max." sagot naman ni Glenn saka nawala na sa kabilang linya. After 15 minutes gaya ng pangako nito saktong labas niya ng gate ng bahay niya dumating naman si Glenn.
“Bro, are you serious right now?” Inis na inis si Glenn habang nagmamaneho, naka-half button lang ang polo at halatang kakagising lang.
“Alas dos na ng umaga, oh!” tinuktok pa ni Glenn ang screen sa loob ng kotse kung saan kita ang oras. Tahimik lang si Sancho sa passenger seat. Matalim ang tingin sa kalsada.
“Just drive.” Napailing si Glenn.
"Saan ba tayo pupunta?" maktol pa din ni Glenn.
"Jeida." kumunot naman ang noo ni Glenn at nag salubong ng kilay.
"Tama ba ang iniisip ko? Iisang Jeida lang ang nasa isip natin diba?"
"La Huerta." sagot lang ni Sancho. Napakamot ng tenga si Glenn na bahagyang ikiniling ang ulo na nag-iisip na saglit na nilingon si Sancho.
"So, tell me is this really just about the hotel? Or are you finding excuses to see Jeida? At dinadamay mo lang ako."
“I’m fixing a problem, Glenn. The fact that she’s involved… just makes it more complicated." Nakasimangot na sagot ni Sancho na nilingon ni Glenn sandali na parang hindi na niniwala sa sagot niya.
"I don’t need an excuse to see anyone. The hotel is business… Jeida just happens to be part of it. And I don’t hide behind excuses.” simangot na dugtong ni Sancho.
“That’s not normal anymore, Sach—you’ve had a thing for Jeida for a long time, even back then kung di la—." naputol ang sasabihin ni Glenn at hindi na naituloy ang sasabihin ng itikom nalang ang bibig ng maalala ang araw na iyon. Saglit na katahimikan ang namayani sa pagitan nila. Sancho let out a low, humorless chuckle, his gaze hardening as he looked away.
“Don’t flatter her… or yourself, Glenn.” ani Sancho na nilingon ang kaibigan sa driver seat.
“I don’t chase things I can’t control. And Jeida?” He smirked faintly.
“She was just… unfinished business.” He took a slow breath, jaw tightening.
“But don’t mistake that for something as weak as feelings.”
“Hindi pa sa ngayon,” ani Glenn dahil sa tono palang ni Sancho, alam na ni Glenn na wala nang atrasan at masyado na niyang kilala si Sancho sa tagal na nilang magkasama. Hindi nagtagal natunton na nila ang club kung saan pala nila susunduin ang jowa nitong hilaw.
Malakas ang ilaw ng pumasok sila, punong-puno ng maraming tao, ramdam ang energy kahit nasa labas pa lang. Malakas na music ang sumalubong agad sa kanila ni Glenn na ikinasimangot ni Sancho. Hindi talaga siya fans ng ganitong lugar, maingat, mabaho at higit sa lahat ang init. Agad na sinuyod ni Sancho ang buong paligid at hinahanap niya—Siya. At ilang segundo lang—
Nakita niya.
Sa gitna ng dance floor si Jeida. Naka-body-hugging dress. Hair down, barely steady at sumasayaw kasama ang isang babae at meron lalaking masyadong malapit sa katawan nito na halos gusto ng yakapin si Jeida. Nanlaki ang mata ni Glenn.
“Damn…That's sexy." ungol pa ni Glenn na napasipol ng parang sawang gumigiling si Jeida. Pero si Sancho hindi na tuwa sa nakita. Hindi siya nagsalita, hindi rin gumalaw agad. Tumigas lang ang panga niya at sa isang iglap naglakad siya papunta sa kanila.
Diretso, walang pakialam sa mga taong nadadaanan na nababangga niya. Hanggang sa makarating siya sa harap ni Jeida.
Napatingin pa ito sa kanya na napatigil sa pagsayaw, tumawa pa ito ng malakas na hindi makapaniwala, Ipinakilala pa siya nito sa babaeng lagi nitong kasama na halatang pareho ng lasing ang dalawang babae. Pinakilala siya ni Jeida na nobyo dito pero lasing lang ito kaya ginawa nito iyon. Hinawakan na niya ang braso nito ng mahigpit. Sinenyasan naman ni Sancho si Glenn na ito na ang bahala sa babaeng kasama ni Jeida.
“Sancho?” parang hindi makapaniwala ng makita siya sa harapan nito, mukhang malakas na talaga ang tama nito at hindi na alam ang ginagawa ang sinasabi nito.
“Let’s go.” Walang paligoy-ligoy na hinila niya ito.
“Ha?Teka.” natawa siya ng bahagya.
“No.” Sinubukan ni Jeida na bawiin ang braso niya pero mas humigpit ang hawak ni Sancho.
“Jeida.” May galit at warning na nag tono nito pero halatang wala na sa wisyo ang dalaga.
“I said no,” sagot niya, medyo pasuray.
“Let go.” Napatingin ang lalaking sa likuran kanna ni Jeida.
“Hey, man she said—” Hindi pa nito natatapos ang sasabihin nakatitig na si Sancho dito. Isang tingin lang sapat para umatras ang lalaki.
Smart move. As*hole. Bumalik ang tingin ni Sancho kay Jeida.
“You’re drunk.”
“So?” sagot niya.
“Not your problem.”
Wrong. Maling sagot. Biglang hinila siya ni Sancho. Napasinghap si Jeida ng halos madapa siya sa paghila nito.
“Sancho—!” pero hindi siya pinansin. Sinubukan niyang pumalag. Tinulak siya, sinubukang kumawala.
“Let me go!”
“Not happening.” Mas lalong nagwala si Jeida.
“Who do you think you are?!” Pero imbes na sumagot. Bigla siyang binuhat ni Sancho. Diretso na isinampa sa balikat.
“HEY!” sigaw ni Jeida. Nagkatinginan ang mga tao na pinanood sila, may tumawa, may napatingin pero wala siyang pakialam.
Nagpupumiglas si Jeida. Hinahampas ang likod ni Sancho, mas lalong umiikot ang paningin ni Jeida dahil sa puwesto niya.
“Put me down!”
“Relax,” kalmado niyang sagot.
“You’re coming with me.”
“NO I’M NOT—!” Pero tuloy-tuloy lang siya sa paglakad palabas ng club.
Si Glenn naman nakasunod nalang ng tingin sa dalawang papalayo, nangingisi pero halatang entertained.
“Bro… you’re dead meat.” nanapailing na binalingan ang babaeng naiwan ni Jeida na biglang nawala sa harapan niya at nakita nalang niya patungo na sa isang couch na sinundan na niya.
-
-
-
Hanggang sa makarating sila sa kotse. Doon lang niya ibinaba si Jeida, na bumuway pa ng tayo ng itulak siya kaya agad na nahawakan ulit ni Sancho ang braso ng dalaga na pilit na kumakawala pa din. Hindi na mahigpit ang hawak niya pero hindi rin siya makakaalis. Huminto naman si Jeida sa pagpupumiglas dahil na ikot na talaga ang paningin niya.
“Are you done?” tanong niya. Galit na galit naman si Jeida na tumingin sa kanya namumula ang mukha. Hindi lang dahil sa alak.
Kundi dahil sa kanya.
“You don’t get to do that.” Mahina pero matalim.
“I can,” sagot niya.
“Clearly.”
“Hindi ako pag-aari mo.”
“I know.”
“Then stop acting like it!” Tahimik si Sancho sandali. Tinitigan siya matagal at mas seryoso.
“Then at least act like you care about yourself.” Napatawa si Jeida ng mapait.
“Don’t.”
“Don’t what?”
“Don’t pretend you care.” Hindi siya sumagot agad pero hindi siya umiwas. Hindi rin siya ngumiti.
“I’m not pretending.” At iyon mas lalong ikinainis ni Jeida.
“Everything you do is calculated,” sabi niya.
“Lahat may agenda.”
“Even this?” Hindi agad nakasagot si Sancho na ipinasok na si Jeida sa loob ng backseat dahil habang tumatagal ang tayo nito pahilig na ito ng pahilig. Kahit siya mismo hindi na rin sigurado sa nagiging takbo ng utak niya.
“At least ngayon…” dagdag ni Sancho, na pumuwesto na sa likod ng manibela.
“I’m not the only one losing sleep.” Naningkit naman ang mga mata ni Jeida.
“You’re insane.”
“Probably.” Saglit na katahimikan muli ang namayani. Hanggang sa nawalan na ng lakas ang katawan ni Jeida. Na humiga na sa backseat ng kotse. Hindi dahil sumuko siya kay Sancho kundi dahil pagod na siya at lasing. Napahawak pa siya sa skimura niyang biglang sumakit. Napansin iyon ni Sancho na nakatingin sa rear mirror.
"Hey are you okay." nag-aalalang tanong ni Sancho na binigalan ang takbo ng sasakyan.
“Careful.”
“Don’t touch me,” mahina niyang sabi na akala mo may tinatabig kahit nasa manibela naman ang dalawang kamay ni Sancho. Napangiti naman ang binata na napailing. Mukhang sobrang lasing talaga ang babaeng ito at tumatalab na ang alak nito ngayon.
Hindi na niya pinakialam, hinayaan nalang muna niya itong makatulog sa likod.
Ngunit ganun nalang ang mura ni Sancho ng narinig nalang niya ang biglang pag suka ni Jeida sa likod ng kotse at makulong ang amoy. Kaya naman napasigaw nalang si Sancho na nagmamadaling binuksan ang mga bintana para sumingaw ng amoy ng suka nito.
"Sancho..." ungol ni Jeida habang nasa likod ng kotse at basang-basa ng suka nito. Nakita pa ng binata na humikbi ito kaya doon
Mas lalong lumalim ang tingin ni Sancho. Habang panay ang ungol ni Jeida ng pangalan niya na parang na nanaginip ito at hinahanap siya sa panaginip. Napahinga ng malalim ang binata na diretso ang tingin sa kalsada, sa unang pagkakataon, hindi niya gustong makipaglaban kay Jeida para sa hotel at iyon ang mas delikado. Realizing his feelings for Jeida never really disappeared. They only went quiet for a while, buried under everything that happened in the past few years… things he’s still trying to forget.