Napaungol na nagising si Jeida na parang may humahampas na dos por dos sa ulo niya. Mabigat ang talukap ng mga mata niya, tuyong-tuyo ang lalamunan, at parang umiikot ang buong mundo kahit hindi naman siya gumagalaw. Dahan-dahan siyang napamulat, pilit ina-adjust ang paningin sa paligid. Hindi pamilyar ang kisame, puti, malinis. At masyadong… tahimik. Napakunot ang noo niya. Nasaan ako? Nasapo pa niya ang ulo ng dahan-dahan siyang bumangon, pero agad siyang napangiwi ng kumirot ang sintido niya dahil sa hilo. Napasinghap siya at napapikit sandali bago muling dumilat at doon niya napansin hindi iyon ang kwarto niya. Masyadong malawak, minimalist, modern, may glass wall sa gilid na tanaw ang mga puno. Hindi ito condo niya, hindi rin ito parte ng kahit anong hotel niya o kahit anong lugar n

