Pauwi na kami at hinahanda na namin ni Nina ang mga gamit namin. Itinali ko naman pataas ang aking buhok at napangiti na lang ako sa harap ng salamin pagkakita ko sa aking repleksyon. Nakasuot ako ng sleeveless na medyo labas ang aking pusod at tinernuhan ko ng maong shorts na hindi lalagpas sa aking tuhod. Hinarap ko naman si Nina at nakita kong tapos na rin siyang mag-empake ng mga gamit niya. Narinig ko naman ang sunod-sunod na pagtunog ng doorbell at nagkatinginan pa kami ni Nina kung sino ang magbubukas ng pinto. “I’m hundred percent sure si Papa Jeremy lang ‘yan,” pabiro pa nito akong inirapan. Nagtungo ako sa may pintuan at marahan itong binuksan. Hindi nga nagkamali si Nina. Hinagod ko naman siya nang tingin at na-amaze ako sa nakikita kong itsura niya. Mas lalo siyang gumwapo s

