Chapter 3: Axel o Alex

1460 Words
"Happy Father's Day, Papa!!!" Humalik ako sa pisngi ng tatay ko. Kahit na makulit 'to, pasaway at lagi silang nag-aaway ni Mama sa maliliit na bagay, mahal na mahal namin siya. Hindi naman siguro mawawala sa pamilya 'yon kahit gaano pa ito kaperpekto. May isang araw pa nga na dahil sa hilig niya magkalikot ng mga bagay-bagay, sumabog 'yung electric fan. Sira na kasi tapos sinusubukan niyang ayusin. Ayun, balak pa niyang ipahawak sa akin ang screw driver tapos pupukpukin niya. Eh, dahil sa baka mapudpod ang kamay ko, napasigaw ako. Nagalit tuloy ang nanay ko, si Papa naman ay tumawa lang. Sabi ng nanay ko sobra na raw ako, gumagaya raw ako sa kaniya. Nagkakasagutan kasi sila minsan. Grabe siya, parang ang sama ko namang anak. Nasa hapag na kaming lahat ngayon nang may biglang kumatok sa pinto. 'Yung kapitbahay namin na kamukha ng ex ko. Bigla tuloy napatingin sa akin ang pamilya ko at ako naman nagtataka na tiningnan sila. Tinulak ako ng tatay ko at sinabing kunin ko raw 'yong inaabot ni Alex. Ang tino talaga ng pamilya ko kahit kahit kailan. Nasobrahan ata sila sa pagiging supportive. So ako naman na masunurin, pilit na lumapit sa pinto. Mabilis kong kinuha sa kaniya ang plato at nginitian bago isara agad. Wala ng sala-salamat bahala siya r'yan. Naiinis lang ako kapag nakikita ko ang mukha niya. Naaalala ko lang ang ex kong walang kwenta. Nakasimangot akong bumalik sa lamesa at itinuloy na ang pagkain. Alam niyo ba kung bakit ako inis na inis sa lalaking yon? Maliban kasi sa kamukha niya ang ex ko, naiirita ako kapag nginingitian niya ako. Feeling close siya mga ‘te! Nakakairita promise! Sobra! Sa tuwing tinitingnan ko kasi siya, nakikita ko talaga sa kaniya si Axel. Halimbawa na lang niyan, ah, nakatambay ako sa tapat ng bahay namin, tapos gano’n din siya. Mga dalawa o tatlong bahay lang kasi ang pagitan namin. Alam niyo yung mga bahay sa subdivision? 'Yung dikit-dikit tapos parang magkakamukha. Gano’n, kaya malapit lang din talaga sila sa amin. Nakatambay kami parehas tapos napansin ko nakangiti siya sa phone niya, e 'di mas lalong nakakainis, ewan ko ba. Wala naman siyang ginagawa sa akin pero naiirita talaga ako. Bigla siyang lumingon sa side ko kaya napaiwas ako ng tingin, baka kasi isipin niyang tinititingan ko siya. Napatigil lang ako sa pag-iisip nang maramdaman ko na may nakatingin sa akin. Iniikot ko ang paningin ko at nahuli ang pamilya kong kakaiba na naman makatingin sa akin. Napalaki naman ang mata ko dahil baka akalain nila na iniisip ko si Alex kahit hindi naman. "Hindi nga!" depensa ko pa. Tumawa lang sila nang malakas dahil sa inasal ko sabay nguso ni Kuya sa plato ko na halos durog na ang pagkain. Sinamaan ko lang siya ng tingin at itinuloy na ang pagkain. Kinagabihan, wala akong masyadong ginawa. Nag-internet lang ako habang nakaupo sa may sala. Nang magawi ang tingin ko sa pinto nakita ko si Alex sa labas. May iniihaw ata siya. Naka loose black shirt and black short lang at may headband. Ewan ko ba bakit kinaiinisan ko 'to mukha namang kulugo. Nakatitig lang ako sa kaniya. Medyo gwapo pa naman, bilugan ang mata, hindi pango, hindi rin matangos ang ilong, medyo manipis ang labi... TEKA! Bakit ba tinitingnan ko siya? Inis nga ako 'di ba! Tinawag ako ni Mama para utusan magtapon ng kanin baboy sa labas. So lalabas ako? Makikita niya ako? Eh, bakit ko ba iniisip kung makikita niya ako o hindi? Habang naglalakad, nakatingin lang ako sa langit, ang ganda talaga ng buwan. Bilog na bilog. "Ay tae mo bilog!" Nagulat ako nang may mabanga ako at matapon sa kaniya ang kanin baboy na dapat ay ilalagay ko sa lagayan. Pinilit kong punasan ang damit niya pero lalo lang iyon nadumihan ng kamay ko. Sorry ako ng sorry sa kaniya at nang iangat ko ang tingin ko, para akong nanlamig sa kinatatayuan ko dahil si Alex ang natapunan ko. Nginitian ko siya at aalis na sana pero pinigilan niya ako. "Saan ka pupunta?" sabi niya habang hawak ang pulso ko. "Uuwi na? Kasi wala na 'yung kanin baboy na sana itatapon ko," obvious kong sabi at iniangat pa ang lagayan. "At sa akin 'yon natapon. Tapos wala kang balak gawin?" naniningkit niyang sabi Napaisip ako sa sinabi niya bago sumagot, "Wala? Kasi malapit naman ang bahay mo kaya makakapagpalit ka agad?" pagdadahilan ko, gusto ko nang magpalamon sa lupa dahil sa kahihiyan. Hindi siya makapagsalita pero hawak niya pa rin ang kamay ko kaya pinilit ko itong tanggalin pero mas lalong humigpit ang hawak niya. "Gusto kita, Cath," sabi niya na sobrang ikinagulat ko pero halos magharumentado na ang puso ko sa bilis ng kabog nito. Hindi ako nakaimik at nawalan ng lakas pumiglas sa pagkakahawak niya. Out of nowhere bigla-bigla siyang umaamin. "Kuya!" Napalingon kami parehas sa tumawag sa kaniya. At pamilyar na pamilyar sa akin ang boses na 'yon. Si Axel. Kuya? Kapatid niya si Axel? "Catherine?" tawag niya sa akin nang makalapit siya. Nagtatakang tiningnan ko silang dalawa. Bumitaw ako sa pagkakahawak kay Alex at mabilis na tumakbo papasok ng bahay. Umiyak lang ako sa kwarto, inaalala kung paano ako lokohin ni Axel. Akala ko okay na. Akala ko naka-move on na ako pero nang makita ko siya, hindi ko na alam. Pumasok ng kwarto ko si Papa, siguro naramdaman niya na sobra akong nasasaktan ngayon. Kaya hindi siya nagtanong at tumabi lang sa akin habang hinahaplos ang likod ko. Umiiyak lang ako sa tabi niya habang yakap niya ako. Nang medyo mahimasmasan ay sinabi niya sa akin na nasa labas daw si Alex at gusto akong makausap. Hindi ko alam kung kaya ko siyang harapin lalo na at alam ko ang rason kung bakit sila magkamukhang dalawa pero sinubukan ko kung kakayanin ko ba kaya lumabas ako para kausapin siya. Nang makaharap ko siya ay hindi ko siya matingnan sa mata. "Sinabi sa akin ni Axel ang nangyari sa inyo. I'm sorry sa ginawa ng kapatid ko. I know he's an asshole.” "Bakit ikaw ang nag-so-sorry? Ikaw ba ang may kasalanan? Kung 'yon lang ang ipinunta mo rito, umalis ka na." Hindi ko talaga kaya. Tinalikuran ko siya at isinara ang pinto. Ilang araw akong nagmumukmok kakaisip kay Axel. Nasa tapat ako ng bintana ng kwarto ko. Habang nag-iisip ay nakita kong may kasama si Alex sa labas. "'Yan ba ang may gusto sa akin? May kasama agad na iba? Tsk!" Sakto naman na tinawag ako ni Mama at nagpapabili ng mantika. Walang'ya, mantika lang ata magpapalabas sa akin. Bakit kasi ngayon pa naubusan ng stock si Mama, eh! Nakasalubong ko sila ng kasama niya. Hindi ko sila tinapunan ng tingin ngunit alam kong nakatingin sa akin si Alex. Nang pabalik na ako sa bahay, nandoon pa rin sila sa pwesto nila kanina at nagtatawanan pa. Pagkaraan ko sa kanila, bigla na naman nanghila ng braso si Alex. "Let's talk," seryoso nitong sabi sa akin. "Ang bastos mo naman sa kausap mo," pagtataray ko. Tila naguguluhan siya sa tono ng pananalita ko. Bigla naman siyang ngumisi. "Nagseselos ka ba?" Namilog naman ang mata ko sa sinabi niya. Nababaliw na ata 'to. Baka nauntog sa pinto kagabi pagkasara ko. "'Wag kang mag-alala, pinsan ko lang 'to si Keith," nakangiti niyang turo sa katabi niya. "Okay," pagtataray ko pa rin at hindi ko na lang pinahalata na nagulat ako. Medyo nakakahiya rin pala 'yung mga iniisip saka pinagsasabi ko. Ang judgmental ko talaga. Nagulat na naman ako nang bigla niya akong yakapin. Tumigil na naman ata ang oras, sira ata battery ng relo namin. O baka nasobrahan na ako sa kape kaya nadedeliryo na ako. Ramdam ko ang buntong-hininga niya sa tainga ko dahil sa sobrang lapit ng bibig niya sa akin. Parang may kumikiliti sa kaibuturan ko at pumipigil sa sarili na itulak siya. Hindi man sabihin ni Alex may ideya na ako sa nararamdaman niya. Hindi ko lang mapunto dahil wala siyang sinabi. Dahil wala akong assurance na natatanggap sa kaniya. At dahil din iniiwasan ko siya. "I like you," bulong niya sa tainga ko kaya naman napatigil ako at tila hindi makahinga sa sensasyong dala ng boses niya. "Please give me a chance? Hindi ko kayang gawin ang ginawa ng kapatid ko sayo. Hindi naman natin siya kailangang isipin 'di ba? Sariling buhay naman natin 'to," malambing niyang sabi. At some point, I realized why I keep on thinking Axel. Kasi hindi ako sigurado kung seryoso ba si Alex sa akin, na baka maulit na naman ang nakaraan. Naduduwag ako at natatakot na masaktan ulit. Pero ayoko na lokohin ang sarili ko. Unti-unti kong itinaas ang kamay ko para yakapin din siya nang mahigpit. Handa na akong sumugal ulit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD