Nagising ako ng maramdaman kong may humahawi sa buhok ko. "Lean?" Nakita ko na nakaupo si Lean sa tabi ko at seryusong nakatitig sa akin. "Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko. Bigla na lang ako napahawak sa aking noo dahil nakaramdam ako ng pagkahilo ng bumangon ako. "Ahhh," daing ko habang hinihilot ko ang aking sintido. Naalala ko ang pagiinom ko kagabi mukhang napasobra yata iyon dahil sobrang sakit ng aking ulo. Tumingin ako sa irasaan at 3:00 am palang. Napatingin ako kay Lean dahil hindi siya nagsasalita at nakatitig lang siya sa akin, ngunit akma na sana akong bababa ng kama upang magtungo sa banyo ay bigla niya nalang ako hinapit sa bewang at pinahiga sa kama. Tinitigan niya ako na parang natutunaw na ako sa kinahihigaan ko. "Lean, anong gagawin mo? Kung paaasahin mo

