Quince POV "Anak, masaya ka ba na nakilala mo na ang daddy mo?" Nakangiti kong tanong sa anak ko. Kasalukuyan akong nagmamaneho ng sasakyan pauwi ng mansion, habang nakaupo sa back set si Princess. "Yes, mommy. Thank you po mommy," sagot niya. "Nag enjoy ka ba?" Tanong ko ulit. "Nag enjoy po ako, masarap po kasi magluto si daddy." Aniya. Napangiti naman ako sa sinabi ni Princess. Masaya ako na natanggap at nakilala na ni Leandro si Princess, sa wakas ay nabawasan ang alalahanin ko tungkol sa pagpapakilala ko sa anak ko sa ama niya. Ngunit meron pa akong dapat na gawin para mabuo na ang pamilya namin. Ilang oras din ang byahe namin bago nakarating sa mansyon. Inutusan ko lang ang yaya ni Princess na linisan siya bago patulugin, mag gagabi na rin kasi at alam kong pagod na si Prince

