Leandro's POV "L-Lean," sambit niya habang nakapikit ang mata. Kasalukuyan kami nakatayo dito sa may sala at hapit ng aking braso ang kanyang bewang habang dikit na dikit ang aming mga katawan. Simula ng nawalan ako ng lakas na hanapin siya sa loob ng limang taon ay nag umpisa akong maglaro sa iba't-ibang mga babae na nagpapakita ng motibo sa akin, sinubukan ko rin na buksan ang aking puso sa ibang babae pero hanggang ngayon ay siya pa rin ang nilalaman ng puso ko. "Umuwi ka na, at ihahatid ko nalang sa mansyon si Princess, bukas," saad ko at binitawan ko siya. Kita ko kung paano siya nadismaya sa ginawa ko. "Lean, please. Kausapin mo muna ako," pagmamakaawa niyang sabi. "Malalim na ang gabi, umuwi ka na at ako na ang bahala sa anak mo." Pagka sabi ko ay iniwan ko siya sa sa

