"L-Lean, I'm sorry…" umiiyak kong sambit. "Quince, hindi ko maintindihan pero…alam ko ang tinutukoy nyo! Sinasabi niyo na ako ang ama ng anak mo? Sa tingin niyo maniniwala ako?! Pagkatapos mo ako iwanan tapos ngayon…sasabihin mo na anak ko ang batang yun? Pinagloloko mo ba ako Quince?!" Galit na sabi ni Lean habang itinuturo ang loob ng mansion na para bang nandyan ang anak ko sa pinto. "L-Lean, please makinig ka. I-Ipapa..l-liwanang ko ang lahat, patawarin mo ako..." Nauutal kong sabi habang patuloy na umiiyak. "Leandro, ako na ang nagpapatunay na anak mo ang apo ko!" Naiinis na sambit ni daddy. "Dad, hindi mo kailangang ipagtanggol ang babaeng 'to! Kahit kailan ay hindi ko aakuin ang responsibilidad ng iba—-" "Leandro! Hindi kita pinalaki ng ganyan!" Galit na sigaw ni daddy sa ka

