Dalawang araw ang lumipas, at nalaman ko na nasa isang restaurant si Lean at kasama nito ang babae na kanyang kasintahan na si Mera. Dali dali akong mag-ayos ng aking sarili at kinuha ang aking bag sa loob ng aking cabinet. Nagpaalam ako kay mommy na bantayan mo na si princess kasama ang kanyang yaya dahil may importante akong pupuntahan agad naman na akong nagpunta sa garahe at sumakay ng aking sasakyan pinaandar ko ito at labas ng gate ng mansion mabilis akong nakarating sa isang kilalang restaurant at nakita ko na masayang kumakain na magkasama si Lean at Mera. Lumapit ako sa kanilang dalawa at bigla na lang tumayo si Lean ng makita niya ako. "Anong ginagawa mo dito?" Nagtataka ng tanong ni Lean. "Leandro, sino siya?" Tanong naman ng babae kay Lean habang tinuturo ako. "Ah hindi

