Matapos ang isang linggo ay nagbalik trabaho ako, dahil bored ako sa mansyon at checker lang naman ako dito sa work kaya hindi naman ako nahihirapan. Hapon at oras na ng uwian at tinawagan ako ng secretary ni Lean na samahan ko daw siyang umakyat sa rooftop ng gusali, hindi ko alam kung ano ang dahilan kaya sumunod nalang ako. Pag bukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang maraming bulaklak na naka paligid sa isang set ng lamesa na may dalawang upuan, sa gitna ng lamesa ay merong flower vase na may tatlong pulang rosas at may pa candlelight pa. May dalawang plato at wine glass. Nakita ko si Lean na nakatayo at nakatalikod. "L-Lean?" Tawag ko sa pangalan niya. Malapad ang ngiti niyang umikot ng paharap sa akin. "Hi?" Tipid niyang tugon. "Anong meron?" Nagtataka kong tanong. "Wal

