Pagka uwing pagka uwi namin sa mansyon ay agad kaming sinalubong ni mommy. Hindi pa nga ako nakaka get over sa nalaman kong buntis na ako, ito na naman ay senorpresa kami ni mommy at daddy na kararating lang galing sa ibang bansa. Alam din nila na buntis na ako, diko alam kong paano, pero alam ko talaga na si Lean ang dahilan kaya nila nalaman. "Congratulations, anak." Bati pa ni mommy sa akin habang kayakap ko at malapad ang ngiti at ganun din si daddy. "Thank you po, hindi niyo naman po sinabi na darating kayo ngayon, sana ay nasundo namin kayo," saad ko. "Sinadya talaga namin na hindi ipaalam sayo anak," aniya. "Na miss ko po kayo, Dad lolo kana ulit," nakangiti kong saad na maluhaluha. "Syempri, hindi kami magpapahuli sa balita." Saad ni daddy at inakbayan pa ako. "Parang,

