LEANDRO'S POV "Manang, mabuti at nandito ka na. Kanina pa ako kinakabahan," sambit ko kay manang. Hindi ako mapakali dahil sa kanina pa ako kinakabahan, hindi ko alam kong anong nangyayari sa kwarto na pinag dalhan kay Quince. Kahapon pa ako nandito sa farm para tumulong sa paghahanda dito. Bago pa man ako mag propose kay Quince ay inabisuhan ko na sila mommy at daddy na dito sa farm ko balak na ganapin ang kasal namin ni Quince at gusto ko ay surpresa lamang ang magaganap. Actually, nung nakaraan ay gustong pumunta dito ni Quince, nalaman ko iyon sa piloto na pinsan din ni Quince sa mother side. Hindi siya kilala ni Quince sa pagiging mag pinsan nila ang alam lang kasi ni Quince ay piloto lang siya ng pamilyang Montefalco. Pero ang totoo ay nandito siya sa pilipinas dahil may inaasikas

