"Brijet, taga rito kalang ba?" Nakaupo ako sa isang mataas na stall. Habang inaayusan ang aking buhok ay naisipan kong tanungin ang baklang nag aayos sa akin baka sakali may nalalaman siya tungkol sa nangyayari. "Opo, Senyorita. Ako po ay anak ng tagapangasiwa dito sa farm, suma sideline po ako sa pag mi makeup kapag wala pong trabaho dito," aniya. Habang nakatingin sa akin sa pamamagitan ng malaking salamin sa aming harapan. Kasalukuyan aking nilalagyan ng kolorete sa mukha. "So, kilala mo ang magulang ko?" "Opo, sila po ang mababait naming amo. Actually, maswerte po kami dahil sa naging trabahante kami ng Vineyard ng mga Montefalco, dahil po sa inyo ay magtatapos na po ako sa kolehiyo ngayong taon," nangingiti niyang sambit. "Kilala mo rin ba si Leandro?" Tanong ko saka ko siya

