Dos

2855 Words
"Ate Khione look at me" hinawakan ni Clea ang pisngi ni ate at hinarap sa kanya. Lunch na ang buong section namin ang magkakasama tuwing kakain. Syempre nag hahatian sa mga walang baon. Kung anong meron ang isa ay sa lahat na. Kaya minsan hindi nabubusog yung may ari ng pagkain kase bago pa siya makasubo ubos na ng iba. Nakaka bitin minsan, oo, pero masaya na kami. "Hoy Clea tigil tigilan mo si Ate, mamaya marinig ka ng ate niyan" saway ko. Tapos na ako kumain ganoon din ang iba. Nag aantayan na lang para sabay sabay aakyat. Solid. "Sshhh busy ako" "Saan? Sa katarantaduhan? Bad influence ka eh!" Binato ko siya ng plastic. Tinuturuan niya kasi si Ate mag salita ng 'g' words na mura. Wala talaga magawa sa buhay. Minsan ang sarap na niya ihagis sa bintana. Napaka daldal! "Say ga-go" umiling naman si Ate at natawa ng mahina. Napanguso naman ang isa, kaunti na lang sasapakin ko na to, "Ang kj mo naman! Si Yssa na nga lang" Tumayo na siya at umupo sa tabi ni Yssa. Nailing na lang ako. Nag away nanaman siguro sila ng jowa niya. Mapapa sanaol ka na lang sa ka-sweetan nila. Tumayo ako at tumabi kay Ate, "Buang talaga si Clea. Ako na mag sosorry ate baka nag away sila" "Nako, hindi na po. Ayos lang naman eh" iling niyang sabi. Mas matanda siya ng dalawang taon sakin pero mas magalang pa siya kesa sakin. Para siyang naligaw na anghel tapos kami yung demonyo. "Ano naka move on ka na?" Sinamaan ko siya ng tingin. "Sa tingin mo?" "Hindi pa" ngisi niyang sabi. Sa lahat mahiyain siya at sobrang galang. Pero kapag sakin ang lakas mang asar at parang ibang tao. Minsan nga nadudulas siya at namumura ako sa inis. Mas close kami kesa sa iba. "Tigil tigilan mo'ko Ate. Eh ikaw nga dapat ko tinatanong eh, naka move on ka na ba?" Ako naman ang ngumisi sa kanya. Nahalata ko naman ang pag tutubig ng mata niya. Nakipag break siya sa babae. Oo babae! Nakilala niya sa rpw akala ko nga din ay lalaki ayun pala crp. Ang hudas na yon! Ilang beses sinaktan ang Ate ko. Kapag talaga napadpad ako sa Batangas ic-cremate ko siya ng buhay! Pero nagsisisi din ako at the same time. Kung hindi ko lang pinakilala ang gasolinang hilaw na yon hindi siya masasaktan. Hindi niya deserve. "Oh, pinapatay mo nanaman siya sa isip ano?" "Ano pa nga ba. E, ang gago niya naman kase eh! Pero hayaan na nga" siningkitan ko siya ng mata ng may maalala, "Doughnut tell me kinakausap mo pa rin siya?!" Napatungo ito. Sabi na eh! Hahambalusin ko talaga siya. Ang tigas ng ulo. Nakakapagod din naman maging love guru niya kung marupok siya, tss. "Sabi ko sayo i-block muna eh! Bahala ka nga. Hindi na ako magugulat kung may part 4" nakahalukipkip kong sabi. "Tanga, hindi naman ako katulad mo na binablock ang ex pagka break. Sayang din yung memories no!" Namura pa. "Hmp! Bahala ka nga. Ang akin lang naman paano ka makaka move on kung kinakausap mo pa rin? Aba ang galing mo naman mag move on!" Palatak ko. Napakamot siya sa kilay, "Eh sa ganoong way ako makaka move on eh, saka bestfriends din kami!" Binatukan ko siya. "Mas tanga ka pa sa tanga at mas marupok ka pa sa marupok! Ang pangit mo mangatwiran" "Eehh! Basta ayoko" ngusong sabi niya sabay napahalukipkip. Pumikit ako ng mariin. Baka mabigwasan ko siya ng dos por dos nito. Huminga ako ng malalim at nag mulat ng mata. Napa atras naman ako kaya nahulog sa kinauupuan. Lahat sila naka tingin sakin at ang unang bumungad sakin ay si Gatchalian! Letseng yan. Nanlalaki pa ang mata at ilong niya, para siyang n***o na sabog. Lalim ng eye bags. "Letsugas naman Aerus! Kailangan mang gulat?" Inis ako tumayo at nagpagpag. Tumawa lang sila at tumayo na rin. Inakbayan lang ako ni Claire ganoon din si Zylex. "Laa, bakit nang aakbay ka diyan doon ka sa jowa mo" pang tataboy ko. "Sshhh ikaw na nga sinasamahan paakyat eh" "Hindi naman ako baldado ah! Sira ulo ka at ikaw" nilingon ko si Clarence, "Anong progress sa inyo ni Clarisse?" "Tss, hindi nga ako nireplyan kagabi eh baka nang lalaki" kamot ulo niyang sabi. Hinampas ko siya sa braso. "Masakit!" "Alam ko! Saka hindi lalakero yon ano! Royal yon, ako pa nga maid of honor niyo eh" "Baka chaka doll" tawang asar ni Zylex. Mabilis ko naman siya siniko at napa aray ito. "Tado ka ah" tumawa lang siya at inayos ang damit. "Ikaw naman nag bibiro lang eh, may dalaw ka no?" Ngiting tanong niya. "Wala yan hindi natagusan eh" singit ni Yssa. "Hmp! Isa ka pa" tumawa ang mga naka rinig. Gusto ko na lang kainin ng lupa sa kahihiyan. Sa tuwing nagkaka dalaw ako ay natatagusan ako. Tss, nakaka inis na nga eh! Yung feeling na malagkit at medyo rough. Nakakainis talaga, ang kapal naman ng napkin ko pero natatagusan pa rin. "Ohh hi Yssa!" Kaway na sabi ni Sir Mark nang mapadaan. "Ayieee kilig dimple ni Yssa" "Oh Yssa kalma lang si Sir Mark lang yan hahaha" "Nice one, Yssa!" "Hahaha gago, tirador ng Sibulan brothers amp" dinig kong sabi ni Aiyana. "Letse ka Ai, anong tirador ka diyan" inis na inis niyang sabi habang namumula. "Una si Sir Mark tapos Sir Deo eh hahahaha" "Yssa salawahan ka!" Sabi ko mabilis naman niya ako sinamaan ng tingin. "Letse ka Yssa, two timer ka ah" singit ni Ate Acey. "Tss, Yssa hindi loyal, wee" nakatakip sa bibig na lumayo ang patay gutom squad. "Amputa! Bahala nga kayo diyan" Nauna na siya umakyat habang kami ay mamatay matay kakatawa. Hitting two birds with one stone ang peg! "Mga hindot tama na kakatawa, suyuin niyo yon" sabi ko habang umaakyat kami sa hagdan. "Hala bakit kami eh sila lang naman" atungal ni Juliana. "Tanga hindi naman ikaw tinutukoy eh, syempre yung mga nang asar lang" pag tatama ni Clea. "Tara na nga parating na si Miss oh" Nagsitakbuhan naman kami paakyat. Pagkapasok namin si Miss Mary naman ang sumunod. Kamuntikan pa kami late sa bagal nila. — "Nay nandito na ho ako!" Sigaw ko pagkapasok. Binaba ko sa upuan ang gamit. Nilabas ko ang perang napag bentahan ko kanina pagkatapos ko i-deliver ang order nilang kakanin. "Ano ba namang bata ka! Papatayin mo ata ako sa gulat eh" sigaw ni Nanay pagkalabas sa kusina. "Namiss din kita 'nay!" Magiliw kong sabi at akmang yayakap sa kanya. "Lumayo ka sakin amoy pawis at usok ka na. Magpahinga ka muna at maghahanda ako ng hapunan" pumasok siya sa kusina. "Nanay talaga eh mabango pa rin naman ako ah!" Ngusong reklamo at naupo sa bamboo na upuan. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod sa buong araw. Kumikirot din ang binti ko marahil nalamigan sa labas. Pagkatapos maligo at makakain ay gumawa na ako ng takdang aralin at sinet ang alarm. Boses ni nanay ang ringtone ng selpon na bigay nila sakin noong birthday ko dahil kapos nga sa pera. Maasahan talaga ang mga yon. Napatingin ako sa tumatawag. Si Rain. Tibo siya at hindi ako pumapatol sa isang tomboy o bisexual. Hindi naman ako against o galit sa kanila dahil ganoon sila. Nagpapaka totoo lang naman. Pero ang isang ito ay ayaw tumigil sa panliligaw at pangungulit. Hindi ko nga siya pinayagan manligaw dahil ayoko talaga pero ang kulit masyado. Ilang beses ko na binasted since junior high hanggang senior high ayaw ako tantanan. "Ano nanaman ba?" "Hi, good evening din!" Masigla niyang bati. "Ilang beses ko na sin—" "Sandali lang naman Shea. Ako muna pwede?" "Ano ba yon? Siguraduhin mo lang na hindi nonsense yan kung hindi ipapa salvage kita sa kanila" kilala na niya kung sino ang mga tinutukoy ko. "G-Gusto ko lang sana mag paalam sayo" mahina niyang sabi kaya napa ayos ako ng upo. Anong ibig niyang sabihin? "Kung pwede lang sana mag date tayo sa weekend? Isang araw lang promise! Pagkatapos non tatantanan na kita. Next week kasi isasama ako ni Mama sa States" natahimik ako. "S-Sige tutal paalis ka din naman, pag bibigyan na kita" napa yes naman ito ng malakas kaya nilayo ko ang telepono sa tenga. Sisirain pa ata ang eardrums ko eh. "S-Sorry, sige matulog ka na, good night" ayun lang at binabaan ko na siya. Napasandal ako sa pader at pumikit ng mariin. Tama ba tong pinasok ko? — "Hi, good morning Shea!" Hyper niyang bati pag bukas ko ng pinto. Sabado ngayon at sa Monday na ang alis niya. "Kanina ka pa diyan? Dapat kumatok ka muna para napapasok kita. Ang init pa naman" pinayungan ko siya. Kawawa naman baka masunog ang balat niya. "Thanks" ngiting ngiti niyang sabi. Napa irap na lang ako at huminga ng malalim. "Btw ang ganda mo ngayon" araw araw naman eh. "Bolera pero salamat" Dinala niya ako sa plaza ng bayan kung saan maraming skateboarders ang naglalaro. "Bakit dito tayo pumunta? Hindi ka naman marunong ah" ngumiti lang siya sakin at hinatak ako. "Pwede naman mamaya tayo kumain di'ba? Saka alam ko din namang kakain mo pa lang bago ka lumabas eh" napa tango ako. Kilala niya talaga ako. Ewan ko ba sa babaeng ito at ayaw tumigil. Ano bang meron sakin at ako pa napili niya? Wala namang special sakin bukod sa purong tsokolate na kulay ng mata. Umupo kami sa bench habang nanunuod sa mga naglalaro. Nakita ko pa na kasali si Kuya Dahon habang nakikipag kwentuhan sa apat na pugo. Nandito din pala sila. Napatayo kaming lahat at napahiyaw ng kamuntikan niyang maperfect ang 1080 degree turn o three full rotations. Pigil hininga ako kanina sa ginawa ni Kuya Leif! Pangarap ko din magawa yon kaso delikado at baka mabalian na ako ng buto. Sa pangatlong ikot kasi ni Kuya ay hindi siya naka balance ng maayos kaya sumablay siya at napa upo sa sahig. "Aahh Shea yung b-braso ko" napa tingin ako sa braso niya kaya nahihiyang binitawan ko ito. "Sorry nadala lang ako" "Hindi ayos lang. Masaya akong makitang masaya ka" may bahid ng lungkot ang boses niya. Naguilty naman ako bigla. Sobra sobra na yung sakit na nadulot ko sa kanya still nandito pa rin siya. Naluluhang niyakap ko siya. Ang gago niya kasi ayaw pa sumuko! "S-Sorry talaga" humihikbi kong usal. "Sshhh ayos lang ako. Wag ka namang maguilty. Isa pa kaya ko na kaya mag move on sayo!" Pinalo ko siya sa likod. "Basta babalik ka ah? Magiging bestfriend pa kitang tukmol ka" Tumawa naman siya, "Kung hindi mura tukmol itatawag mo sakin. Baka naman pwedeng baby, love, hon—aray naman!" "Ang ingay mo punyeta ka" kumalas na ako sa yakapan. Chansing ang babaeng to. "Tara libre mo na lang ako nang makapag usap na tayo ng masinsinan. Alam kong may gusto ka sabihin" hinila ko siya palabas sa plaza at nagpunta sa malapit na parke na maraming food stalls. Bumili kami ng fishballs at kwek kwek na tig bente. Burger, fries at dalawang shake. Paminsan minsan kailangan ng bacteria sa katawan ika ni nanay. Naupo kami sa ilalim ng puno. Nilatag niya ang dalawang panyo saka kami naupo. "Kung lalaki ba ako pagbibigyan mo 'kong mahalin ka?" Out of the blue niyang tanong. Medyo naging awkward. "Kahit hindi ka naman lalaki hindi pa rin kita papatulan kung hindi naman kita mahal. Gusto ko manatili tayong mag kaibigan. Sayang yung memories at mas sayang yung pagkain" natawa naman siya. "Pagkain lang ata habol mo eh" pagtatampo niya. "Wag ka mag tampo wala kang jowa kaya walang susuyo sayo, remember" Biro ko at hinilig ang ulo sa balikat niya. Namayani ang katahimikan sa amin. Ingay ng ibon, mahihinang usapan sa paligid at paghampas ng hangin sa mga puno lang ang maririnig. "Alam mo unang kita ko pa lang sayo tinamaan na ako ni kupido eh. Sayang nga lang na yung babaeng yon ay hindi ako gusto o mahal. Pero sa kabila ng lahat pinili mong manatili ang friendship natin" "Syempre mabait ako eh. Saka mas mahalaga naman ang pagka kaibigan kahit saan o kung ano pa yan. Naging parte ka rin naman ng buhay ko" pinatong niya ang ulo sa ulo ko. Para tuloy kami mag jowa. "Salamat talaga. Kahit na alam mong tibo ako at magiging ma-issue kung lalapit pa rin ako sayo hinayaan mo lang kase nga sabe mo wala akong pakialam sa kanila, hindi naman nila ako pinapalamon kaya manahimik na lang" tawa tawa niyang sabi at ginaya talaga ako ng sinabi ko yon. "Tss, ano namang mapapala ko sa kanila kung magpapa apekto ako? Kung bigyan na lang nila ako ng pagkain o manahimik na lang mas maganda. Masyado kasi papansin hindi naman inaano" inis kong sabi. "Easyhan mo lang. Inis ka nanaman eh, kumain ka na nga lang" sinubuan niya ang ng malaking kwek kwek. Halos hindi iluwa ko ma dahil maliit lang naman ang bibig ko. Para nga daw gurami eh. Sinamaan ko siya ng tingin habang panay tawa lang siya. Tarantado talaga! "Letse ka talagang damuho ka!" Inis kong sigaw at pinalo ang hita niya. "Hahahaha tangina" napa poker face ako. Enjoy na enjoy talaga siya. "Titigil ka o bibigwasan kita?" Seryoso kong tanong. "Ito naman minsan na nga lang eh" ngusong reklamo, "Pero ang cute mo sa picture" tinaas niya ang selpon at pinakita sakin. Nakakahiya ka Shea! "Sperm ka!! Burahin mo yan!" Pilit ko inagaw ang selpon sa kanya pero mas tinaas niya. "Hoyyy bawal nga, remembrance ito eh!" "Ihh! Ayoko palitan natin yan. Iba na lang kasi!" "Nyenye ayoko nga!" Napahiga na kami lahat lahat ayaw pa rin sumuko. Aish! Ang tigas din ng ulo nito eh. "Hoy! Ano yan bawal ang live dito!" Napatigil kami sa pag aagawan. Sabay pa napatingin sa kay Traise kasama si Larrean. Ngayon ko lang narealize na naka ibabaw na ako sa kanya. Dali dali naman ako umalis at umayos ng upo ganoon din siya. Kapwa namumula ako sa kahihiyan ewan ko lang sa kanya. "T-Traisee, Ishii hi!" Sigaw ko at nag wave. Tinaasan lang ako ng kilay ni lolo Traise. Si Ishi naman ay nakakalokong ngumiti lang habang palipat lipat ang tingin saming dalawa. "Ikaww bata ka hindi ka nagsasabing may girlfriend ka ah" sabay pisil sa mag kabilang pisngi ko. "Lola naman! Masakit na kaya" angal ko. "Hmmmpp! Nang gigigil ako sa pisngi mo" sabi niya saka humiwalay na. Hinamas ko naman ang namumulang pisngi. Wala ngang kalaman laman ito tapos ang hilig nila pisilin. Hindi nga ako mataba eh! "Nakakainis ka! Lolo oh" sumbong ko. "Magtigil ka. Mag explain ka muna, bakit magkasama kayo niyan?" Seryoso niyang tanong at ninguso ang katabi ko. Kasalanan niya! Dinaig pa si nanay eh. Panigurado pagka alis nila dito ipagkakalat sa gc. Gegerahin nanaman ako ng mga yon. Parang gusto ko na lang maging pusa ni Lino o maging aso ni Bangchan. Bahala na magalit si Thea. "Lumabas lang kami saka may pinag usapan na din. Wag niyo na itanong kung ano, pwede naman sa Monday 'di ba? Saka yung kanina wala lang yun" para naman akong na hot seat ng wala sa oras eh. "T-Tama siya. Gusto niya lang i-delete yung stolen picture niya. Saka hindi ko na rin naman siya guguluhin pa after nito sasama din ako kay Mama sa states" mabuti naman tumulong ka. Nakahinga na din ako ng maluwag. "Wag ka sumabat hindi ikaw kausap ko" sabay namin hinampas siya ni Ishi. Nahihiyang napa tungo si Rain. Hinawakan ko ang kamay niya para i-comfort siya. Comfort ha hindi comflirt! "Mas mataray ka pa sa jowa mo, may dalaw ka din Traise?" "Tch, sorry na nga!" Labas sa ilong na sabi niya. "Hindi, ulitin mo labas sa ilong eh" gan'yan nga Ishi! "Tss. Sorry na ano, Rain" pigil hininga niyang sabi. Ang pilosopo! "Aray ano na naman ba?!" Inis niyang tanong pagkatapos hampasin ni Lola. "Para ka kasing tanga" "Agree, tanga talaga siya" sinamaan niya ako ng tingin. "Ohh bakit gan'yan mata mo ha? Tutusukin ko yan, umayos ka Traise" nag make face naman ang huli. Nailing na lang ako. Walang forever! "Sige na mauuna kami para makapag solo kayo" tumayo na sila at umalis. Ayaw pa sana umalis nung isa pero nahila na siya ni Ishi. Under. "Sorry about kanina. Mabuti pa umuwi na tayo?" "Mabuti pa nga. Baka hinahanap ka na ni Tita Fina" tangong sabi niya. Pagkarating malapit sa bahay nila ay pina uwi ko na. Malalayuan pa kung ihahatid niya pa ako. "Sigurado ka ah? Baka pagbalik ko dito i-salvage ako ng nga kaklase mo" "Sure ako pumasok ka na" "Ingat!" Kinawayan ko lang siya at umuwi na rin. Naabutan ko pa ang paalis na mamahaling sasakyan sa tapat ng bahay. Ano naman kaya meron? Nasa labas si nanay habang tinatanaw ang papalayong sasakyan. "Nanay! Nandito na po ako. Kanino ho yung kotseng nang galing dito?" Tanong ko bago pumasok. "W-Wala. Nagtanong lang dahil naliligaw. Tara na sa loob" ang weird naman. Nagkibit balikat na lang ako bago sumunod.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD