Tres

2283 Words
"Mam Rileyy! Gising na ho. Mam?!" Sigaw ng katulong nila Riley. Mag aala syete pa lang at 7:15 ang pasok nila pero tulog pa rin ang dalaga. Nakadapa ito habang may suot na headset sa magkabilang tenga. "Yaya! Gising ko Ate!" Nag pabuhat naman ang nakaba batang kapatid ni Riley kay Fina. "Naku kang bata. Baka magalit nanaman Ate mo sayo" pag aalala nito sa bata. "No!" Iling na sigaw nito, nailing na lang siya at pinihit ang sedura ng kwarto ng amo. Dali dali naman bumaba sa kanya si Zielly at tumalon talon sa kama habang sumisigaw para magising ang Ate niya. Nayayamot naman sa ingay si Riley. Inis na tinanggal niya ang nakapasak sa tenga at sinamaan ng tingin ang kapatid. "Ayoko nga pumasok! Go away!" Pagtaboy nito ngunit hindi nagpa tinag ang kapatid. "Ate! You need too! First day mo sa school e" ngusong sabi ni Elly habang naka upo sa tiyan ng Ate, "Pweaaseee" puppy eyes na paki usap. Napa pikit na lamang si Riley. Hindi rin naman siya mananalo sa makulit na kapatid. Tumayo na siya at hinayaan bumagsak sa kama ang kapatid. Nag diwang naman sa loob loob si Elly. "Basta hindi mo ako mamimiss ah?!" Sigaw ni Rain habang nakatayo sa entrance ng bus papuntang airport. Napairap naman si Shea, "Oo nang tukmol ka! Hindi naman kita mamimiss eh, basta pagkain ko pagbalik mo!" Sigaw pabalik ni Shea, nailing na lang si Rain. Aalis na siya lahat pagkain pa rin nasa isip ng taong iniibig niya. Lihim siya napangiti. Mamimiss niya kase nang sobra ang dalaga. "Pumasok ka na nga! Aalis na rin ako baka mahuli ako sa school. Pepektusan ko utak mo kapag nalate talaga ako" nag wave si Shea sa huli. "Oo na! Umalis ka na, mag iingat ka babae!" Kaway na paalam niya at tuluyang pumasok sa loob. Muli sila nag kawayan hanggang mawala sa paningin ni Shea ang bus na papalayo. Nalungkot naman siya ngunit masaya para sa kaibigan. Napatingin siya sa relong pambisig. Kamuntikan niya nang makalimutan may pasok papala siya! Kaya nag mamadaling tumakbo siya. Matapos makapag ayos ni Riley ay bumaba na siya. Nagmamadaling nag suklay ng buhok dahil late na sa unang araw ng pasok. "Riley kumain ka muna!" Sigaw ng Mommy niya. "Hindi na po, late na ako sa school! Bye Mom, bye Elly!" Kaway niya sa dalawang nasa hapag at kinuha ang bag niya. Huli na siya ng isang minuto sa klase ganoon din si Shea. Nag aantay naman sa labas ng gate si Yoko na kaibigan niya para sunduin. Nayayamot na napakamot sa ulo ang binata kaka antay sa pekeng nobya. "Sorry nahuli ako ng gising, tara na!" Mabilis niya hinatak si Yoko at tumakbo. Hindi nakatingin si Shea sa dinadaanan kaya hindi niya napansin ang dalawang lalaking may hawak na salamin. Dumaan siya sa gitna nito kaya nabasag. "Pasensya na ho!" Sigaw niya na walang lingon habang mabilis ang takbo. Nag dadasal naman siya na sana hindi makasalubong ang dalawang lalaki kung hindi lagot siya. Minumura naman niya sa isipan ang taong dahilan ng pagka late niya ngayon. "Lagi ka naman late gumising eh! Mapa States o probinsya, baka gusto mo agahan minsan ano?" Sarcastic na sermon sa kaibigan. "Mamaya mo na ako sermunan kapag nandoon na tayo" monotone na sabi ni Riley. Napa irap na lang ang binata. Ang sungit talaga ng kaibigan niya lalo na't bully pa sa previous school nila kaya pinatapon dito ng Lolo niya sa Pinas. Kamuntikan naman matumba si Riley nang may dumaan sa pagitan nila ni Yoko. Si Shea na mabilis tumatakbo. "What the f**k!?" Sigaw nito nang makabawi. "Easy girl baka late lang din siya katulad natin ikaw kasi!" "At ako pa may kasalanan?" Irap niyang sagot. Nagpatuloy na lamang sila sa paglalakad. Late na rin naman sila kaya susulitin na nila. Patakbo naman umakyat sa mataas na hagdan si Shea. Walang paki alam kung mapagod. "Yow! Good Morning wala pa si Ma'am?" Bati ni Shea pagka pasok sa Room. "Himala! Ngayon ka lang nalate ah" kinuha ni Yssa ang bag niya at naupo namam siya sa upuan. "P-Paano kasi wait!" Sigaw niya. Naghahabol pa siya ng hininga sa ilang minutong pagtakbi. "Ang gago mo alam mo yon? Tatakbo takbo ka tapos hihingalin" sermon ni Traise at binigyan siya ng tubig. Mabilis naman kinuha ni Shea ang tumbler at uminom ng marami. Nagpunas siya gamit ang likod ng kamay bago binalik kay Traise abg tumbler. "Nagpahatid pa kasi ang loka sa sakayan eh. Hindi naman ako maka tanggi dahil huling pagkikiga na rin namin yon saka!" Sigaw niya habang inaawat magsalita ang nga kaklase niya, "Kaibigan ko din siya" "Kaibigan kaibigan ka diyan! Tuktukan pa kita e! Lahat naman kinakaibigan mo maski clown at galit sayo" sabi ni Thea. "Pinapaasa mo lang 'yung ulan na 'yon, bahala ka nga tigas din ng ulo mo eh" kamot ulong sermon ni Brian. "Heh! Magtigil kayo" "Sinasabihan ka lang namin" sabi ni Ai at naupo sa arm chair. "Teka nga ano nangyari sa braso at pisngi mo?" Biglang tanong ni Zylex. Napatingin naman siya sa braso at napahawak sa pisngi. Nang tignan ay maraming dugo ang nakita niya. Napasandal naman siya sa pader at pumikit. Kaya pala may mahapdi eh sabi niya sa isip. "Nakuha ko siguro nung dumaan ako sa salamin. Hindi ko agad napansin kaya ayon, nakabasag ako" nagmulat na siya ng mata. "Tss, clumsy mo!" Tumayo si Zera at pumunta sa tapat ni Gab para kumuha ng band aid, alcohol at bulak. Girls scout at boys scout sila lagi. Laging handa kapag may kailangan ang isa't isa except sa papel. Sadyang hindi sila nagdadala o bumibili. Mga tamad pero masipag mag aral. "Tatanga tanga ka nanaman, lagot ka kay Tita" pananakot ni Clea at nakitulong na. "Wag na kayo mag salita. Ako na bahala mag sabi kay Nanay. Baka pati gastos sa pagpapalaki ng mga magulang niyo kwentahin niya eh" biro niya. "Sira ulo! Isumbong kita kay Tita eh" sabi ni Gia. "Sus, ikaw kaya isumbong ko?" Nakaupo nanaman sa arm chair ni Zylex si Gia. "Libre mo na lang kami mamaya" sinamaan niya ng tingin si Julia. "Wala nga ako pera! Kayo yung mayaman kaya kayo yung manlibre" "Hindi daw mayaman kaya pala may tatlong bahay, weee" sabi ni Acey. "Malamang! Mayaman sa utang" nagtawanan naman ang lahat. "Ahh Shea may transferee daw ngayon sabi ni Sir" singit ni Aerus. "Edi sa kabilang section nanaman niya ililipat, lagi naman ganyan si Sir eh" tawang sabi niya. "Hindi ililipat ni Sir dito daw eh" sang ayon ni Clarence. "Eh sino naman?" Tanong niya. "Magandang Umaga!" Bumukas ang pinto at niluwa ang adviser nilang naka salamin pa. "Good Morning Sir!" Nagsi ayos naman sila ng upo. "Gaya ng sabi ko sa gc kagabi may bago kayong kaklase. Pumasok na kayo" utos ng guro habang nakatingin sa labas. Kinakabahang pumasok sa loob si Yoko habang si Riley ay poker face lang. Natahimik naman ang lahat kulang na lang ay kuliglig sa tahimik. Masama at matalim na tingin ang binibigay nila kay Yoko at sa babaeng nasa gilid nito. World war 3 ang mangyayari. Iisa lang ang nasa isip nila habang si Shea ay tulala sa harapan. She didn't expect na babalik pa ang ex niya with another girl beside him. Mixed emotions ang nararamdaman niya at pakiramdam niya maduduwal siya anytime. Hindi nga nagtagal bumaliktad ang sikmura niya at dali-dali tumakbo palabas patungong banyo. Mabilis naman tumayo ang girls at sinundan si Shea. Naiwan na lamang ang boys na masamang nakatingin sa dalawa. Nalilito naman ang guro nila pero nag eenjoy sa nakikita. He planned all of this. Expected niya din namang babalik ang ex ni Shea. Having fun with his students is his hobby. Malokong teacher. Riley was still on confused stage hanggang makabalik ang girls. She didn't know what's happening around her. Kung bakit ang sama at matalik na titig ng new classmates niya sa kanya. Maski ang napapadaang schoolmates niya ay ganoon makatingin. She feel so uncomfortable. She regret this day. Tumingin siya sa gurong ngingiti ngiti lamang. It was all planned sabi niya sa isip. SHEA Bigla sumama ang pakiramdam ko sa bagong kaklase namin ngayon. Bakit kasi kailangan pa bumalik? Kung pwede namang hindi na! Nakaka bwesit at sira agad ang araw ko. Para akong lalagnatin sa tension sa paligid. It was so awkward. Kasalanan ni Sir ito eh! Lagi na lang siya nant ttrip. Maski mga lalaking hindi ko kilala at sinasabi niyang 'crush' ko daw. Kung sino sino nakakasama ko sa picture taking niya. Minsan gusto ko na lang iuntog itong si Sir eh. Kaso bawal at baka ibagsak ako. "So class today we have new transferee, magpakilala na kayo" sabi ni Sir at minosyon ang dalawa papuntang harapan. Napa buga na lang ako ng hangin. Magpapakilala nanaman kaming lahat. Nagsisi ako bigla, dapat pala hindi ko na hiniling magkaroon ng transferee sa section namin. "Alam ko namang kilala niyo na ako but I'm Yokoshi Thussco, 19" sumunod naman yung babae. "Lilian Riley Lucienda, 19" Matapos non ay naupo na sila. Since late dumating si Sir at wala nang time hindi na kami nagpa kilala sa harap na pabor din naman sakin. Parang dinaanan kami ng anghel. Maski paghinga ay naririnig ko pero may ilan din namang nagdadaldalan sa mahinang tinig. Lumingon ako sa likod ng may kumalabit sakin. "Ito ba 'yung sasabihin niyo kanina?" Bulong ko. "Oum, kaso bigla naman umepal si Sir kaya hindi na namin nasabi. Ang panget naman kung isisigaw ni Aerus" sagot ni Aiyana. Napatango na lang ako at umayos ng upo, "Sure kang ayos ka ah? Kung gusto mo mag cutting class na lang tayo, sakto may dalang ps book si Gia" Hinampas ko ng mahina si Clea, "Bonak, puro ka kalokohan. Isumbong kita kay Primo eh" "Hmp, nag suggest na nga eh ayaw pa" "Tanga ka kase, pwede namang mamayang lunch mag basa, excited ka masyado" sawat ni Ai. "Ikaw Ate Khione, mag babasa ka din?" Tanong ni Thea, umiling lang si Ate. "Sira ulo, igaya mo pa si Ate sayo" saway ko habang naiiling. "Ohh tama na, pinag tutulungan niyo'ko eh" "Pero ito seryoso na, umiwas ka na lang" "Kung iiwas ako baka isipin niyang hindi pa ako naka move on" napa tango naman sila. "Sabagay" Pagkatapos ng klase mabilis na hinatak nila ako palabas. Nagtungo kami sa likod ng paaralan. Nakatambay na doon ang kabilang section na kanina pa kami inaantay. Hindi kasi sabay sabay ang labasan namin. "Anong meron? Bakit nandito ang mga 'yan?" Tanong ko sa kanila. "May tenga ang lupa, Shea" sabi lang ni Aerus at nakipag fist bump kila Besa. Nagets ko naman agad ang sinabi niya. Wala naman akong plano para mag higanti kay Yoko. Hindi naman ako ganong klaseng babae. Past is Past at hindi na dapat pa balikan. Naka move on na rin naman ako, o sarili ko lang pinapaniwala ko? "Sigurado ka nang hindi ka babawi?" Tanong ni Besa. "Oo nga, ang kulit niyo rin 'no. May pa meeting pa kayo nalalaman, pag uuntugin ko kayo" nag tusok ako ng fishball sabay subo. "Eh sa babae?" Tanong naman ni Molon. "Isa pang tanong niyo hahambalusin ko na kayo" warning ko. KINABUKASAN pag bukas ko ng pinto malamig na tubig ang natapon mula sa taas. Masyado ako napa aga ng pasok. Napapikit naman ako sa lamig at inis na tinignan ang may sala. Si Riley na naka ngisi lang. Ano naman problema ng ugok na 'to? Wala naman ako maalalang ginawa sa kanya bukod sa may nabasag akong salamin at nakabangga na mag jowa. Masakit kasi sa mata kaya binangga ko na. "Anong problema mo?" Malumanay kong tanong. "Paunang bayad mo sa pagka basag ng salamin para sa kwarto ko at pag bangga samin kahapon" aah kanya pala 'yon at sila pala 'yon. "Ang babaw mo naman" bulong ko. "What did you say?" Spokening dollars, supalpalin pa kita ng lupa. "May narinig ka ba? Wala di'ba? Edi hindi ako nag salita" pilosopo kong sagot. "Whatever" lumabas na siya ng pinto at naiwan akong basang basa.Anong next? Mabilis ako nag tungo sa locker room at kinuha ang extra uniform ko. Lagi kaming ready in case na mangyati ang ganitong bagay. Mukhang last year ng senior high ko saka pa ako mabu-bully. Nailing na lang ako sa babae, kailangan ko ng mahaba habang pasensya. Habang kumakain sa canteen may nagbuhos naman ng orange juice at spaghetti sa ulo ko. Kinagat ko ang ibabang labi sa pagpipigil hindi mapatulan ang bata. "Geez, dapat gantihan na natin siya. Bagong bago gumagawa ng kalokohan. Hindi porket anak mayaman siya ay magagawa na niya ang gusto" inis na sabi ni Julia. "Alam ko iniisip mo, magtigil ka. Hindi tayo gagawa ng kahit ano pabalik sa kanya sabihan mo ang iba" "Ewan ko sayo pero kapag kami napuno matutulad 'yan sa college student" nailing na lang ako. Last year may nang bully din sakin at hindi ko ginagantihan. Isang araw binuhusan na lang ako ng mainit na tubig. Hindi na sila nakapag timpi at binugbog ang lalaki. Comatose ito hanggang ngayon. Ayoko naman ma-expelled sila dahil lang sakin. "Promise, kapag naubos ang pasensya ko sa tisat na 'yon doble ang ibabalik natin sa kanya" nagliwanag naman ang mukha nila. "Aba dapat lang. Ang babaw ng dahilan niya para gawin sayo ang mga bagay na 'yan Shea" usal ni Aerus. "Basta sundin na lang natin si Shea at manahimik habang nagpaplano tayo ng ibabalik natin kay Tisay at Tisoy" sabi naman ni Robert. "Tama ka diyan brad, sa ngayon maglalaro muna kami sa court" tumayo na si Brian at sumunod naman ang iba. Nagsama ang dalawang dewende.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD