RILEY
Huminga ako ng malalim at inayos ang suot na uniporme. Kinakabahan sa unang salang ko sa theater keme na 'to. Ngayon nagsisisi na akong sumali pa dito. Ano naman alam ko sa pag arte? Saka para saan ba ang ganitong bagay? Connected na 'to sa kukunin naming course in college?
Napailing na lang ako inayos ang pagkakapusod ng buhok ko saka tumingin sa salamin. Kalahati ng katawan ko ang inikot at pinatong ang siko sa monoblock na kinauupuan ko. Bumukas ang pintuan at bahagya sumilip si Zera.
"Im 5 minutes sasalang ka na. Goodluck"
Tumango lang ako at umalis na siya. Bakit pakiramdam ko ngayon na ang play, kahit practice pa lang kinakabahan pa rin ako. Paano kung magkamali ako o mamental block sa script ko? Huminga ako ng malalim at napahilamos na lang sa mukha. Ano ba 'to!
"Relax ka lang, masyado kang pressured diyan" tumingin ako sa salamin, nakita kong nakasandal sa pader si Shea. s**t, hindi ko alam na pumasok siya. "Wag ka masyado mastress diyan baka mablangko ka mamaya at magkamali. Trust your self" tinapik niya ang balikat ko saka lumabas.
Ilang saglit pa pumasok naman sila Van. Dapat susunod na ako kay Shea, anong ginagawa nila dito? Inayos ko ang gamit at akmang bubuksan ang pintuan nang may humawak sa braso ko kaya napatingin ako.
"Lalabas na ako, tapos na ang five minutes ko" muli niya sinara ang pintuan ng buksan ko ito, inis na tumingin ako sa kanya, "Ano na naman trip niyong tatlo? Mamaya mapagalitan pa tayo!"
Umiling si Yoko. "Hindi nga kasi pwede, may nag aaway sa labas kaya pinapasok kami," mabilis nagsalubong ang kilay ko at binatukan siya. "Para saan naman yon?"
"Bobo, may nag aaway pala bakit pumasok ka dito? Lalaki ka kaya tumulong ka doon!" Pagpapa alis ko sa kanya, sumimangot siya at nilock ang pinto.
"Ang bilin sakin walang lalabas hangga't hindi nila sinasabi, saglit lang naman yon mag antay ka na lang diyan sa isang tabi"
"At wag ka rin masydong excited sa scene niyo, umamin at manligaw ka muna!" Dugtong ni Van.
Binato ko siya ng brush pero nailagan niya, tumawa lang silang tatlo hindi alintana ang masama kong titig. Minsan iniisip ko kung paano ko sila ilalaglag sa bangin o sa himpapawid, parang hindi friends e.
Sa t'wing tatanungin ko naman sila ang laging linya nila ay 'Kasi true friends kami sayo, harap harapan, hindi uso ang backstab' that time hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis dahil totoo talaga sila sakin. 'Fake friends' daw kapag hindi gano'n. I wonder kung anong klaseng utak ba meron sila.
Umakbay sakin si Dianne at gave me assurance smile. "Relax ka lang diyan, they can handle it on their own. Masanay ka na" ngumiti lang ako ng tipid.
It's been a week since the weird things and situations happened. Hindi pa rin ako nasasanay na may biglang mangyayari. Hindi na rin kami o ako nagtangkang magtanong as long as ligtas kami ng kapatid ko, hindi pa rin umuuwi si Mommy. Extended ang business trip noya but this time sa ibang bansa naman. She's always busy with her businesses. Nawawalan na siya ng time samin, hindi katulad noon. How I wished ny childhood friend was still here beside me.
"Oh gosh! Change plan!" Pagkasigaw non ni Yoko sumilip siya sa labas. We heard different noises, may malakas at mahina, depende kung saan ito nangyayari. We're still on main gym of the school. Saglit siya tumingin samin. "Stay there, I need to help them"
Hindi na kami nakaangal pa ng lumabas na siya. Maya maya pa ay nakarinig kami ng putok from nowhere. Nataranta ako at hinanap ng mga mata ko si Elly. s**t! She's not here. Mabilis ako nagtungo sa pintuan at handa nang buksan ng may pumigil sakin.
"You can't go out, delikado lalo na may narinig tayong putok kanina. We don't know what's the exactly happening" pagpigil sakin ni Dianne.
"I know! Pero hindi pwedeng pabayaan ko doon si Elly, what if something bad happens to her? Malalagot ako kay Mommy"
Her brows furrowed, looking at me like a criminal. "God! You're so irresponsible, akala ko ba kasama mo siya dito kanina? Ano na naman ginawa mo sa kanya?"
Tinaasan ko siya ng kilay. "I didn't do anything!" It sounds defensive, mas tumalim ang tingin niya sakin. "Promise I didn't do anything to her, maybe sumama siya kay Yoko nung lumabas kanina"
"But I didn't notice her! Baka naman nung lumabas si Shea kanina dito" napahilot na lang ako sa sentido. That child.
Bumuntong-hininga ako ng malalim. I decided, hahanapin ko siya no matter what.
"I need to find her, she's my sister, I can't loose her not now" tumango lamang siya at bahagya lumayo sakin, binitiwan na rin ang braso ko.
"Alright then, sasama kami sayo. Hindi pwedeng mag isa ka lang mas maganda kung tatlo tayo maghahanap sa kanya"
Sabay sabay kami lumabas sa pintuan. Maraming nagkalat na sirang bagay sa sahig. May mga bumagsak din na stage lights mula sa itaas. Tumakbo kami palabas kung saan nanggagaling ang malalakas na sigaw. Huminto ako bigla sa pagkakatakbo. Parang nabingi ako sa nakita, literal nanigas ang katawan ko sa kinatatayuan, I feel something inside my throat, hindi ako makapagsalita.
"Diyan lang kayo walang lalapit kung hindi pasasabugin ko ang bungo ng batang 'to!"
"Ano pa bang gusto mo?! Nabigay na namin ang kailangan mo bakit nanggugulo na naman kayo? Siya na naman ba nagutos!?" Buong loob na tanong ni Shea.
Tumawa ng malakas ang lalaking may baril, hawak niya ang kapatid ko. Ngumisi siya at pinasadahan ng tingin si Shea. "Kaya naman pala patay na patay sayo si Boss, ang gandang dalaga mo naman talaga"
Nagkuyom ang kamao ko, hindi ko gusto ang tingin niya kay Shea. May humawak sa magkabilang balikat ko, pilit ako pinapakalma. Mabilis nagtaas baba ang dibdib ko, hindi ko kinakaya ang ganitong atmosphere. Anumang oras aatakihin na ako ng asthma. Hindi sa ngayon, hindi pwede.
Maya maya tumunog ang selpon ng isang lalaki. Nabaling sa kanya ang atensyon ng lahat lalo na sa hawak nito. Muli siya tumingin sa gawi nila Shea habang tumatango tango. Hinatak naman nila ako paatras.
"M-May plano na ako" lumunok muna si Dianne. "Guguluhin namin sila kayo ni Shea kunin niyo si Elly at tumakas. Masama ang kutob ko sa kanila"
"Paano kayo? Baka kayo ang saktan nila, hindi pwedeng kayo ang makuha"
"Don't worry kaya na namin ito ni Babes, nandiyan naman sila Yoko I'm sure papayag sila sa plano ko. Shea is too important to them, siya ang utak ng grupo nila"
Hindi na ako nagtanong sa kung anong ibig sabihin ng mga sinabi niya. Sa tono ng pananalita ni Dianne may alam na siya at ayaw niyang sabihin samin. Tumango si Van sa kanya, under. Lumapit siya sa iba at pasimple bumulong sa mga ito habang busy ang mga kidnapper sa kanilang mga mundo.
Napameywang ako, binend ko ang isang tuhod habang nakatungo. Hindi ko na talaga kaya, I need my inhaler. Napahawak ako sa dibdib ko, sumisikip na ito at nahihirapan akong huminga. Lumalabo na rin ang paningin ko at nagdadalawa ang mga nakikita ko. Para akong matutumba at the same time nasusuka rin.
Bago pa ako bumagsak may mga brasong pumulupot sa beywang ko at binigyan ako ng inhaler. Mabilis ko ginamit ito, pakiramdam ko nakalutang ako sa ere. Pinakiramdaman ko ang paligid, tanging pagtakbo ng taong may hawak sakin ang naririnig ko, ilang minuto pa luminaw na ang lahat sakin. Buhat ako ni Shea habang tumatakbo kasama si Van kalong si Elly.
Ilang oras lang huminto kami sa matandang puno. Sumilong kami sa ilalim nito.
"Ate!" Yumakap sakin ang kapatid ko at ganon din ako. Bahagya ako lumayo sa kanya and cupped her face.
"Are you okay? Anong ginawa nila sayo? Tell me, nandito si Ate" umiling lang siya at muling yumakap sakin.
Umupo siya sa lap ko. Tumingin ako kay Van na nagtatanong. "Si Dianne, nasaan siya? Akala ko ba magkasama kayo? What happened?"
"Nagpaiwan siya at sinabing mauna na kami. Ako namang si Under sumunod, magagalit siya sakin kung hindi ko siya susundin" pinunasan niya ang luha sa mukha at tumingala. "I don't know what to do. Bigla nagkagulo kanina, kayo ni Elly ang unang itinakas habang nagkakagulo"
"She'll be fine, I'm sure. Matapang siya alam mo yan, don't worry hindi yon papayag na magkahiwalay kayo" ngumiti siya sakin ng tipid.
Tumikhim si Shea kaya napatingin kami sa kanya. "Maghahanap muna ako ng makakain natin, dito lang kayo, Gur and Jia bantayan niyo sila"
Lumabas ang mga alaga niya na siyang nagpaayos ng upo ko. Nakatitig lang si Elly sa kanila, may kislap sa mga mata niya nang tumingin siya sakin. "Ate, I want to addopt a specie like them"
"Sure, magpapaalam tayo kay Mommy kapag dumating na siya. Wag mo silang gugutumin at alagaan mabuti, okay?" Tumango lang siya.
"Susundan ko si Shea dito muna kayong dalawa" tumayo siya. "Magpapahangin na din ako, grabe hindi matake ng utak ko ang nangyari kanina" umiiling siyang umalis, sumunod sa kanya si Gur.
Nakatulog na si Elly at ganon din ako. Madilim na at may bonfire sa gitna namin, may ilang prutas sa harapan namin. Kumuha ako ng isa at nagsimulang kumain.
"We better move now, sapat na siguro ang pahinga natin dito. Baka kapag nagtagal pa tayo matunton na tayo dito. Katulad kanina, Van ikaw ang bahala kay Elly" tumango si Van sa kanya. Bigla ako kinabahan at naexcite na kaming dalawa ulit ang magkasama.
Pagkatapos kumain at magpahinga saglit nagsimula kami umalis sa pwesto namin at kumuha ng kahoy na may apoy para sa liwanag namin. Half hour nakarinig kami ng kaluskos kung saan. Agad naalerto si Shea at tumingin sa paligid. Nagkatitigan pa sila ni Van pero hindi iyon nagtagal.
"We need to seperate. Vanessa itago mo si Elly, hindi pwedeng apat tayong mahuhuli dito" nag aalinlangang tumango sakin si Van.
"Pero Ate ayokong mawalay sayo, natatakot ako"
Lumapit ako sa kanya at marahang hinimas ang pisngi niya. "Magkikita pa tayo Baby, babalik si Ate, but for now we need to seperate directions kailangan mo maging safe"
"Promise yan, Ate?" Tumango ako at mabilis siya hinalikan sa noo.
Tumakbo sila sa kabilang bahagi ng gubat at ganoon din kami. Magkahawak kamay kami habang mabilis tumatakbo. May mga humahabol din samin na mga armadong lalaki. Nagulat ako ng ibato ni Shea ang sulong hawak niya sa kabilang direksyon at hinila ako sa kabila.
"Bakit mo binato?! Mas delikado kapag wala tayong ilaw!"
"Mas delikado kung may ilaw tayo, masusundan at masusundan lang nila tayo. Bilisan mo!"
Hinatak niya ako at halos sumubsob na ako sa lupa sa bilis ng takbo niya. Hinihingal na rin ako pero hindi kami pwedeng tumigil baka maabutan kami. Sa hindi inaasahan nalaglag kaming dalawa sa malaking butas na hindi namin napansin. Were too much distracted from the guys!
Pagod na umupo kaming dalawa sa lupa habang naghahabol ng hininga. Hinanap ko sa bulsa ang inhaler but to my dismay nawawala ito. Tumayo ako at sinubukan iahon ang sarili pero lagi akong dumudulas pababa. Napasabunot na lang ako sa sarili. This can't be.
"Umupo ka muna, pagpahingahin mo ang sarili baka matotal black out ka ngayon" sinunod ko siya at umupo sa isang tabi.
"What will we do? Hindi pwedeng dito tayo magpalipas ng gabi, paano kung....paano kung maha—" agad niya tinakpan ang bibig ko at hinila ako sa pikagilid, umaasang makakapag tago kami sa kanila.
Nakarinig kami ng tawanan mula sa taas. Bumagsak ang dalawang balikat ko, wala na kaming pag-asa. Bumaba ang isang lalaki habang nag sstretch ng kanyang ulo, kumakain pa siya ng bubble gum. Damn, were trapped.
"Sa wakas nakita rin namin kayo, pinahirapan niyo pa kami. Lapit dito!"
Bago pa kami makaabot sa kanya bumulong sakin si Shea, sinadya niyang idampi ang labi sa likod ng tenga ko, para akong kinuryente.
"Bambino mi dispiace"