Veinte

1933 Words
RILEY "Aray! Masakit na ah, kanina ka pa. Maupo ka nga, kami nahihilo sayo 'e" Saway ko kay Van, kanina pa kasi paikot ikot parang natataeng pusa hindi mapakali. Huminga siya ng malalim at ginulo ang buhok. Muli niya ako binatukan pero nakaiwas ako, tinamaan si Dianne kaya kinurot niya ang isa. "Hindi ka talaga titigil ano?! Malapit na ako mabwisit sayo, iuuntog na talaga kita, maupo ka!" She demanded. Agad naman sumunod ang isa habang naka pout. "Hindi ka rin tanga ano?" Napatigin ako sa kanya, ano ba talaga problema niya? "Bakit mo naman kasi inaway? Paano na 'yong sinabi kong little by little kahapon, wala na, umpisa pa lang sira na" Napahinga ako ng malalim at tinukod ang siko sa hita. "E, anong gusto mong gawin ko? Magsaya kasi nagalit siya sakin? Hindi ko naman kasalanan nawawala ulit si yaya ah, hindi ko rin ginusto!" Tumingin ako kay Dianne at tinuro ang sarili "Mukha bang ginusto ko?!" "H-Hoy! Wag mo nga sigawan si babes tatamaan ka ulit sakin e!" "Tsh, hayaan mo na, nadadala lang yan sa emotions niya, ikaw naman kasi ih" tumabi siya kay Van. "Masyado siya nappressure sayo, relax lang guys" I sighed again. Tama kailangan namin kumalma. Hindi naman masosolve ang problem kung pati kami mag aaway eh. Saka hindi kasalanan namin ni Elly ang pagdukot kay Fina, it was just accident! Kaya bakit kailangan pati si Elly idamat niya? Nakakainis! "I think tulungan na lang natin sila sa paghahanap para naman may maiambag tayo sa kanila. Nakakahiya naman sakanila" suggestion ni Dianne. "Heh! Hayaan mo sila maghanap, tutal problema nila yan bakit kailangan problemahin din natin?" Palatak ko. Nainis naman agad si Van. "Bobo! May kasalanan din tayo hindi natin isinama si yaya sa atin nang kunin si Elly. Dapat lang na tumulong tayo, mag isip ka nga!" "Oo na! Hindi mo naman kailangan sumigaw, nandito lang ako oh!" Sarcastic na wika ko at ginulo ang buhok. "So paano nga? Hindi nga in-accept 'yong offer ko na ireport sa police station, ayaw magpatulong....akala mo kung sino" bulong ko sa huling sinabi. Nagulat naman ako ng may bumato sakin. "Ayusin mo nga yang ugali mo, ang hilig bumulong dinig din naman" umirap si Dianne. Bakit ba galit na galit ang dalawang to sakin? Ako ang kaibigan nila, pero ang lumalabas mas kampi sila kay Shea. Ano bang meron sa babaeng yon? I shake my head. Tumayo na ako saka napamewang, tumingin naman sila sakin na parang may ginawa akong mali. "What? Tumigil nga kayo, ito na nga oh tutulong na!" Humiyaw naman ang dalawa at nauna pang lumabas sa pintuan, padabog na sinara ko ito at sumunod sa kotse. Si Van na ang nagdrive, nasa shotgun seat naman si Dianne. Itong magjowang 'to napaka PDA sa harapan ko pa talaga naglalandian. "Kapag inggit pikit!" Parinig ni Dianne na ikinairap ko. Humalikipkip ako at tinuon ang paningin sa bintana. "Hindi ko na kasalan kung maaga tayong mamatay sa landian niyo diyan" Tumawa lang si Dianne at si Van naman ang sumagot. "Hindi ko naman ipapahamak si babes 'no. At kung mangyari man 'yon I'm here to protect her" "E, paano ako?" "Bahala ka na sa buhay mo, malaki ka naman na ah" I rolled my eyes at them. Nakakabwisit talaga sila. Kung hindi ko lang sila bestfriends nauna na ako bumalik sa States at iniwan sila. Nakarating kami sa tapat ng bahay nila Shea. Nandito sa labas ang ibang kaklase namin at ang iba nasa loob. May kanya kanya silang mundo at seryosong naguusap-usap. Kinalabit ako ni Dianne kaya napatingin ako sakanya. "Ayon 'yong karibal mo oh, dumadamoves na kay Shea" tinuro niya pa kung nasaan si Shea. Sinundan ko ito ng tingin na sana hindi ko na lang ginawa. Pagkaharap ni Shea sa babae saktong nagkiss sila. Agad ako nag iwas ng tingin at sinamaan sila ng tingin. Parang kinurot ang puso ko sa nakita, umiling na lang ako at pinagsawalang bahala ang nakita. "Wala dito si Yoko maybe nasa mansion nila. Doon na lang muna tayo" aya ko at nauna nang bumalik sa sasakyan. Nagbulungan pa sila saka tatango sa isa't isa. Napangiwi ako, hindi ko alam na ganito sila kasweet sa isa't isa na pati langgam mauumay sa kanila. O, nagiging bitter lang ako? Why would I? Binaba ko ang bintana sa harap ko. "Wala na bang ibibilis yang kilos niyo?" Inis na tanong ko. Tumawa at umiling lang sila. Sabay din sila sumakay. Pabagsak ako umupo sa malambot na sofa at sinakop ang buong espasyo sa paghiga. Tumitig ako sa kisame habang naghahabol ng hininga. Hindi naman ako tumakbo basta ang alam ko ayoko muna makita si Shea at 'yong babae kanina. Kapag naiisip ko yon bigla kumukulo ang dugo ko, parang gusto ko manapak na lang bigla saka sasabihin kong 'Sorry sadya'. Nakakainis! Bakit ba ako nagkakaganito!? "Oh anong nangyari diyan? Binully niyo na naman ba?" Dumating si Yoko at nilapag ang tray sa lamesa. "Hindi ah! Grabe ka naman samin ni babes ko" "Nagseselos lang 'yan sa babaeng humalik kay Shea kanina. Kaya nga maaga kami nandito ngayon 'e" wika ni Dianne. Pahamak talaga. "Oh?" Tumawa si Yoko, sinamaan ko siya ng tingin pero hindi ako pinansin. "Bakit pumunta pa kayo doon? Alam niyo namang wala ako doon at selosa ang isang 'to" sabay turo niya sakin. Bahagya ko inangat ang ulo saka tinaasan sila ng middle finger. I mocked his words at tumagilif ng higa, nakaunan sa dalawang braso ko. "Dito na lang kami ni Elly, malayo sa mga maiingay—" "At malayo sa selos" sabay sila tumawa na akala mo iyon ang pinakang nakakatawang salita. I rolled my eyes, again. Nakakailan na ba sila? "Oh c'mon hindi ka pa nga sinasagot nagseselos ka na? Wag kang gan'yan" wika ni Yoko. "Tanga! Paano sasagutin yan hindi naman nanliligaw. Weak!" Pang aasar pa nila. Umupo ako at kumain na lang din. Kinalimutan ko muna ang nakita kanina at nag focused sa meeting namin for the specialized subject. Magpinsan kami ni Shea, ayon ang role ko. Akala ko madali lang pero hindi, magkakagusto ang role ko sakanya kahit na magpinsan lang kami, one sided love ang peg. I let out a deep sigh and fix my things. Tulog na rin si Elly, napagod kakalaro kanina. Lumabas ako ng guest room at nagtungo sa mini bar ng mansion nila. Naabutan ko pa sila nag aasaran habang umiinom ng margarita. Naiiling na lang ako at tumabi kay Yoko. Inagaw ko ang shot glass sa kanya at ako ang uminom, pagkatapos sumipsip ako ng lemon. "May practice tayo bukas tapos naglalasing kayo diyan, kapag kayo napagalitan hindi ko kasalanan" sabi ko at binaba ang shot glass. Tumaas ang kilay ni Van. "Makapag salita ka parang hindi ka uminom ah" "Once lang ako iinom ngayon, pagagalitan ako ni Elly kapag amoy alak ako mamaya pagbalik ko" depensa ko na totoo naman. "May nachismis ako kanina galing kay Clea, madaldal ang babaeng yon" ininom muna niya ang alak saka nagsalita ulit. "Dating manliligaw daw ni Shea si Rain, ilang beses na rin daw nabusted pero hanggang ngayon tignan mo nandiyan pa rin" "Oh tapos?" Bored kong tanong. Inis naman na tumingin sakin si Dianne. "Wag ka muna kasi sumabat" saway niya. "Teka sinong Rain ba yan?" "Yong babaeng kausap niya sa fountain nung nahanap natin siya, siya rin yong babaeng nakikitira kila Shea" "Paano mo naman nasabing manliligaw kung doon nakatira?" Sumang ayon kami kay Van. "Baka nga sila na at naglilive in na pala" mapang asar siya tumingin sakin. "Awww, naunahan ka na. So paano na yan? Maging kabit ka na lang niya?" Sinamaan ko siya ng tingin saka umiling. Nangunot naman ang noo ng tatlo. "Hindi ako magiging kabit kasi aagawin ko siya doon sa Ulan" ngumisi ako. Napa oww naman sila habang pumalakpak ng mahina. "Ibang klase ang charisma mo.... Kung, magagawa mo nga, tingin ko loyal siya e" "Psh, walang loyal loyal sakin, kapag akin, akin na" "Naging sayo nga ba? Edi ba naging kay Yoko din siya parang dapat siya 'yong nagsasabi niyan" tumango naman si Van at Yoko. Binato ko siya ng chips. "Wag kang panira diyan! Pag untugin ko kayong magjowa e, akala mo naman wala nang bukas makapag landian wagas" ngumiti lang sila. Umakbay naman si Yoko at inabutan ako ng shot glass. "Iinom mo na lang yang kabiteran mo sis, wag ka magkalat dito" natatawa na sabi niya. Mahina ko siya sinuntok sa braso saka ininom. Kinabukasan maaga kami pumasok sa school. Nauna pa nga kaming apat kasama din namin si Elly dahil ayaw magpaiwan sa mansion. Nagpaalam na rin kami sa principal para payagan maki sit-in sa amin si Elly. Umupo ako at napangalumbaba. Tinuon ko ang pansin sa labas, inaantay na dumating siya. Huminga ako ng malalim habang tinatap ang mga daliri sa desk ko. "Para namang nasayo ang problema ng mundo" umupo sa tabi ko si Dianne, hindi ko siya pinansin. "Wag mo sabihing nagseselos ka pa rin hanggang ngayon? Fyi lang, Lils, walang kayo!" Inis na binalingan ko siya at binatukan. "Manahimik ka na lang, pwede" tumayo ako at nag stretch ng braso. "Iba na lang kaya ligawan mo? Ay oo nga pala, torpe ka" bumingisngis siya pagkatapos. "Nang aasar ka ba talaga?" Inis na tanong ko. "Medyo nang aasar, madalas nang iinis, tingin mo?" "Mag bbreak din kayo soo" mabilis kong sagot at umiwas nang hahampasin niya ako. "Bumabawi ka ba?" Napamewang pa siya. Ngumisi ako. "Medyo nang iinis, madalas namimikon" mahina ako tumawa ng umamba na naman siya. "Ikaw nag umpisa, chill ka lang, tinatapos ko lang" Inirapan niya ako at umupo sa lap ni Van na ikinagulat niya bahagya pagkatapos mas lumapad ang ngiti niya. Ako naman ang umirap saka hinatak si Yoko. Palabas na sana kami ng bumukas ang pintuan, kamuntikan pa kami magkauntog ni Shea. Hindi ba uso sa kanya ang kumatok? "Maupo ang lahat may meeting ulit tayoo" sigaw ni Lloyd. Kaliit na tao ang ingay. Bumalik kami sa pwesto at nagstart ng meeting. Inayos nila ang projector at pinatay ang ilaw. Tinakpan nila ng kartolina at used manila paper ang buong bintana. "And lastly may kaunting binago lang kami" napakamot siya sa batok. Binali ko ang ulo pakanan. "Mostly sa inyong magpinsan, since pumayag na si Shea about dito at payag na rin ang iba... Gagawin nang lgbt ang story" tumingin siya sa gawi namin. "Pumayag na ba ang advicer natin? I'm sure mag ffreak out yon" tanong ni Dianne at pasimpleng tumingin sakin. "Actually...hindi pa pero kung papayag kayo wala na rin naman siya magagawa. Majority wins" "Okay, pumapayag na kami!" Napatingin kami kay Van. Kumunot naman ang noo ko, ano naman plano niya? Ngumiti siya sakin at kumindat. "O—kay" mabagal na sagot ni Lloyd habang palipat lipat ang tingin sakin at kay Van. Pagkalabas hinatak ko si Van at kinurot sa beywang. Napahiyaw naman siya sa sakit at masama ang tingin na lumayo sakin. Nakasunod lang ang dalawa sa likod namin. "Hoy! Ginawa ko lang yon for you, aba dapat nga mag thank you ka pa, nakakakilig kaya na sa huli magiging kayo pala. Atleast kahit dito maging kayo" nakairap na sabi niya. Tinulak ko siya ng mahina sa noo. "Ikaw na nga nagsabi 'di ba? May kalive in na si Shea, paano kung magalit 'yong Ulan?" Napakamot naman siya sa ulo at nag pout. "Okayy sorry na pero ito isipin mo hindi naman umangal si Rain ah, ibig sabihin payag din siya!!" Umirap na lang ako at humalukipkip. Tumingin ako kung nasaan si Shea at lihim napangiti. Kinikilig ako!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD