RILEY
"Seryoso ka!?" Napatayo si Van sa kinuwento ko about sa pagtira kila Shea for awhile. Agad naman siya pinaupo ni Dianne dahil na rin pinagtitinginan kami.
"Like seriously?" Si Yoko. Bakit ba ayaw nila maniwala? hat is the case if I stay at their house? Parang ang big deal naman para sakanila. "Sa bahay nila Sheaiana talaga? Bakit? I mean pwede naman sa mansion namin ah?"
Huminga ako ng malalim at sumandal. "Oo, bakit ba parang ang big deal sa inyo? Pumayag naman si yaya Fina pati siya" mabilis nagsalubong ang kilay ni Yoko, tinitignan kung totoo ang sinasabi ko.
Napahilamos siya sa mukha. "Are you sure she agreed? Knowing her kahit kami pa never kami niya ako pinatira sa bahay nila, even sleepover"
"So what? Baka dahil parehas naman silang babae ni Shea?" Sabat ni Dianne "Don't tell me nagseselos ka kay Shea?"
Tumingin kami sa kanya. Hindi maipinta ang mukha niya. Para siyang natataeng pusa. What important to me is may natitirhan na ako for awhile. Mas gusto ko naman doon sa bahay nila para na rin makasama siya at makilala mabuti. Ang dami kong tanong sa isip ko, so much curious about them.
"Ahhh nothing. Wag ka na lang gumawa ng kahit anong kalokohan" makahulugan niya ako sinulyapan pero saglit lang saka tumayo palabas.
Tinukod ko ang siko sa lamesa habang nilaro ang bote ko. Napatingin kami sa entrance ng cafeteria nang may pumasok na kalalakihan. Mukha silang ex convict sa dami ng tattoo sa katawan. Ayokong ijudge sila pero hindi ko maiwasan. Mas nadagdagan ang curiosity ko nang pumunta at umupo sila sa table nila Shea.
Maraming nagbulungan, tumatango pa ang ilan na parang alam ang nangyayari ngayon. Kaming tatlo lang ata ang walang kaalam-alam dito. Ano ba 'tong pinasok namin? Napatingin ako kay Van nang tapikin niya ako, she leaned closer to me.
"Something's wrong" pinakita niya ang phone, may nakalive sa f*******:, bandang highway ito at mukhang nagkakagulo. May mga taong sangkot doon habang nakikipag palitan ng bala sa mga nakatago sa mahabang truck, 8 minutes ago lang at mukhang ex convict din ang ilan sa kanila.
Binalik ko ang tingin sa table nila Shea saka sumulyap sa dalawa. "I think we need to go, masama ang kutob ko sa mangyayari" nagmadali tumayo si Dianne agad naman kami sumunod sa kanya.
Nakakuha pa kami ng atensyon sa iba. Hindi ko maipaliwanag ang kaba sa dibdib ko. Parang may nagrarambulan na mga daga. Kotse ko ang ginamit namin at dumiretso sa mansion. Sinundo ko si Elly pero wala si yaya Fina doon. Nag stay kami sa bahay nila Shea. Nandoon pa rin ang tatlo niyang kasama. Ang awkward lang nila makatingin.
"What the f**k? Akala ko kayo lang ni Shea nandito, sino sila?" Bulong ni Dianne, I shrugged at pumasok sa kwarto ni Shea. Napaatras din agad, may nakasampang batang leon doon at may ahas naman sa lapag. Naramdaman ko pang bumangga sila sakin.
"What the hell!!" Nabulalas ni Van, agad naman tinakpan ni Dianne ang bibig ng huli "Holly s**t! Nakatulog ka dito kasama sila? I mean hindi ka nila sinaktan? Bakit may ganito sa bahay nila, ang weird!"
Pumihit siya patalikod saka bumalik kami sa sala. "Hindi ko gusto ang mga nangyayari, it's fvcking creeping me out!" Nasapo niya ang noo habang nakasandal ang siko sa sofa "I might get sick"
Inismiran ko siya "You're too oa, relax hindi pa tayo mamatay" natawa ako sa sarili "Maybe someone could tell us what's happening, right?" Binaling ko ang tingin sa tatlong nasa lamesa. Maang sila tumingin pabalik samin saka nagpalitan ng tingin.
Frustrated napasubunot sa buhok si Dianne. "If Yokoshi is here"
"Ang galing lang tumiming ng pag-alis niya. Maybe he knew what's happening in highway" umayos ng upo si Van "Or maybe sasali siya sa gulo doon?"
Parang nagkabumbilya sa ulo namin. Sabay sabay kami tumayo at iniwan doon si Elly. Halos paliparin namin ang sasakyan. Knowing Yoko, for sure may plano na siya.
Halos sumubsob na kami sa dash board sa biglaang pag preno ni Van. Nahampas tuliy siya ni Dianne. "Why did you stop!? Kamuntikan pa ako mapunta diyan sa harapan!" Inis na aniya.
"This is not the right time para manermon ka!" Ganti niya "Yuko!"
Agad kami yumuko kahit nagtataka. Napasigaw pa kaming tatlo nang mabasag ang salamin sa harapan. Maya-maya tumigil rin. Nakayuko kami lumabas at tumakbo sa likod ng sasakyan. Nagtataka at nagbabaga ang tingin na bumungad saming tatlo. Nandito rin sila Shea na may hawak na baseball bat, tubo at kahoy.
Kusang nagkatinginan kaming tatlo saka binalik ang tingin sa kanila. Matalim na nakatingin samin si Shea nang tumingin ako sa gawi niya kaya agad ako umiwas.
"What the f**k girls!?" Galit na sigaw ni Yoko nang makarating sa pwesto "Anong ginagawa niyo dito? Delikado dito sana hindi na lang kayo nag punta, this was just a show!"
"What show? Ano to fake lang lahat ng to?" Medyo naiinis ang tono ni Dianne.
Napahilot sa sentido si Yoko, sumasakit ang ulo samin "No! I mean si Elly ang gusto nila kunin, nasaan ba siya?"
"Nasa bahay ni Shea namin siya dinala. I didn't know na may ganito pala" nag squat ako sa ngalay "We need to get her asap!"
Sumakay kami sa kotse ni Yoko. Mabilis ang pagpapaandar niya na parang may hinahabol. May mga nakasunod na motorcycle sa likuran namin at ginitgit ang katabing van ng sasakyan. Pagkahinto ng kotse agad ako bumaba. Nakabukas ang pintuan. Nataranta ako at agad pumasok. Napatigil rin sa gulat, nasa likod ng leon at ahas sila Elly, karga siya ni Arthur.
Sumenyas si Shea na tumakas at agad sila umalis. Pumalatak si Shea, may ngisi sa labi siyang umupo sa gilid ng sofa. Naiiling pa siya habang nakatingin ng nanunuya sa tatlong lalaki, nangiinsulto. Umambang susugod ang nasa kanan pero napatigil ng harangin ng ahas.
Humikab pa siya at nag cross legs. Ano ba gusto niya palabasin?
Ngumis sa kanya ang lalaki at umupo sa kabilang gilid. "Mabilis ka pa rin makatunog, walang pinagbago" pinaglaruan niya ang kutsilyong hawak "Why don't you join to our group? Mas magiging powerful kung magiging isa ang grupo natin, what do you think?"
"Think? Tingin mo may utak ako ngayon?" Sarkatiko na aniya, ngumiti ng pilit ang lalaki "Ayoko, ayoko sa bulok mong grupo. Hangarin pa lang magkaiba na tayo, nasa good side ako at bad side naman kayo" umayos siya ng upo "Do you think palalagpasin niya 'to? At ngayong araw mo pa talaga ginawa huh? Unbelievable" tumawa siya ng pagak.
Inis ma tumayo ang lalaki habang masamang nakatingin sa kanya "At anong gusto mo? Hayaan siya na ulitin ang ginawa niya? Masyado nang mahaba ang sungay niya at mas lalong hahaba pa kung papatagalin dapat nang putulin yon!"
Hindi ko na narinig pa ang sagot ni Shea sa lalaki. Hinatak kami palabas ni Yoko, blangko ang mukha niya. Pinagbuksan niya kami ng pintuan. Umirap muna si Van bago pumasok, padabog pa niya sinara ang pinto. Nailing na lang ako at tinukod ang siko sa bintana.
"I don't understand them! May lihim lihim pa kasing nalalaman. Bakit hindi na lang nila sabihin? Nagmumukha lang tayong tanga dito" muling bumuga ng usok si Van.
Huminga ako ng malalim saka pumikit ng mariin. "Intindihin na lang natin sila. Hindi rin madali sa side nila ipaliwanag ang lahat and I'm sure humahanap lang sila ng tamang tyempo"
Umismid si Dianne. "Tamang tyempo? Kelan pa yon?" Sarkatiskong aniya "E, baka nga kahit pumuti ang uwak hindi sila mag explain. Hayaan na natin sila!" Tumabi siya kay Van.
Napakamot ako sa batok. "Saka bakit mo ba sila pinagtatanggol huh? May alam ka bang hindi mo sinasabi samin?" Kamuntikan ko na maibuga ang iniinom.
"Of course not! Based on my observations lang naman, saka kahit pilitin natin sila at tanungin ng paulit ulit tingin niyo magsasabi sila?" Napaisip naman sila "Looked guys, hindi natin sila kilala ng buo. Baka nga mamaya ipalapa na tayo sa leon at ahas na alaga nila"
Tipid na tumango si Van saka tumayo habang nakahawak sa baba niya. "Tama ka" tumatango tango niyang sabi "So I have a planned. Since you like Shea, bakit hindi ka na gumawa ng move mo? Little by little malalaman mo, natin kung ano bang meron sa kanila, right?"
Tumayo ako at mabilis siyang binatukan. "Hindi ka rin tanga ano? It's not that easy! Kung ikaw nga na sinapak tumigil lang sa panliligaw, ano pa kaya sakin?"
Tumayo na rin si Dianne at inakbayan ang isa. "Babes tama siya. Paano kung mas malala pa ang gawin sa kanya ni Shea tumigil lang din. Nasaan ba isip mo?"
Nag pout naman ang huli na ikinairap ko. "Babes, I'm just suggesting lang naman"
"Well, you're suggestion is bad" singit ko.
Sinamaan niya aki ng tingin sa pagloloving nilang dalawa. Tinaasan ko siya ng kilay at inirapan. Iniwanan ko sila at pumunta sa bahay ni Shea. Sa labas pa lang dinig na ang sigawan nila. Dahan dahan ko binuksan ang pintuan at walang ingay na sinara. Paano ako makakapunta sa kwarto kung nasa gitna sila nagtatalo?
"Tangina naman Arthur!" Napangiwi ako sa lutong ng mura ni Shea. Babae ba talaga 'to? "Bakit ngayon mo lang sinabi?! Saan ko na naman hahanapin si Nanay ngayon!!" Bumakat ang ugat sa leeg ni Shea sa galit niya.
Parang hindi mas matanda sa kanya si Arthur kung pagsalitaan niya.
"Sorry!" Tumaas na rin ang boses ng isa. "Nataranta ako kahapon, may mga lalaki na dumating sa bahay ng mga kapatid ko so I panicked. I'm really sorry"
Nanghihinang umupo si Shea, mabilis na nagtataas baba ang dibdib niya. Napahilamos pa siya sa mukha at pumadyak sa galit at dismaya. Nakatungo pa rin si Arthur, yumuyogyog na ang balikat niya at halatang umiiyak. Bigla naman ako nahiya kung dadaan pa ba o mamaya na lang. Kabastusan naman kung makikinig pa ako sa kanila. Napahinga ako ng malalim.
Ilang segundo pa nag ring ang selpon sa ibabaw ng maliit na center table. Mabilis na kinuha yon ni Shea at binasa kung sini ang caller. Nagkatinginan pa sila ni Arthur sa gulat saka sabay na tumigin sakin. Anong kasalanan ko?