CHAPTER 2

1983 Words
Halos araw-araw napupuno ng tao ang simbahan ng Saint Mary Magdalene Parish Church. Ganito dito lagi ang sitwasyon na nakikita namin ng mga kasama ko, kung saan kami kinalakihan. Dito na rin kami nag-aaral. Suportado naman ako ng aking mga magulang, kalakip pa nito ang pag-donate nila sa simbahan. Pagkatapos ng misa ni Father Jojo, tuturuan naman kami ni Mother Thesa ng pagbabasa ng Bibliya at kung paano magdasal na may puso. Sa araw-araw na ginawa ng Maykapal, hindi ako napapagod sa ganitong buhay. Hindi ko iniisip kung anong buhay ang meron sa labas, pero lagi kong nababasa sa liham ng aking magulang na magulo ang labas. Kaya mas gugustuhin nila na manatili ako rito at naging maganda ang aking pagpili na tumira sa kumbento kumpara sa labas, sapagkat ang kabataan ay mapusok. Nakita ko na may dumating na tao na parang may katungkulan sa gobyerno dahil sa kanyang kasuotan. Nang tinawag ako ni Mother Thesa, lumapit naman ako para alamin kung bakit niya ako tinawag. “Ano po, Mother Thesa?” tanong ko. “Halika dito, ipakilala kita kay Mayor Centeno,” saad niya. “Mayor, excuse me, ito ang isa kong estudyante, napakahusay sa pagbabasa ng Bibliya at puwede ninyong dalhin ang mga bata rito na nakatira sa bahay ampunan na hinahawakan ninyo at para maturuan niya,” saad ni Mother Thesa. “Aba, napakagaling naman niya kung ganun. Ano ang pangalan niya, Mother Thesa?” tanong niya. “Siya si Maria Theresa Orsos. Simula pagkabata niya, narito na siya. Marahil kalooban ng Maykapal at galing din sa pamilya Class A.” Nakatingin lang ako sa kanila, pero iba ang nararamdaman ko kay Mayor. “Talaga! Napakabait naman na bata yan at maswerte ang mga magulang niya kung meron kang anak na katulad niya,” tugon niya. “Salamat po, Mayor,” wika ni Mother Thesa. “Walang anuman. Hija, ilang taon ka na ngayon?” “Nineteen na po ngayong taong kasalukuyan, Mayor,” sagot ko. “Parang may kamukha ka, hija, pero huwag mo nang isipin ang sinabi ko. Anyway, tama lang na narito ka sa loob ng kumbento kasi ngayon ang mga kasing edad mo sa labas ay masyadong rebelde at sobrang magulo. Napariwara pa ang ibang kabataan.” “Hayaan mo, sa isang araw maaari kong dalhin rito ang mga bata para maturuan mo sila, tutal sang-ayon naman si Father. Ayos lang ba sa’yo, hija?” tanong ni Mayor sa akin. "Wala naman pong problema, Mayor, basta alam naman po nila Father Jojo at Mother Thesa. Maraming pwedeng magturo po sa mga bata dito,” wika ko. “Salamat, kung ganun.” “Paano po, Mayor, mauna na ako. May Bible study pa po kasi ako na a-attendan.” “Siya, hija, maaari ka nang lumakad,” tugon niya. At nagtungo nga ako kung saan kami tuturuan ni Mother Thesa, pero nagulat ako dahil walang tao sa loob. Kaya hinanap ko ang iba pang katulad ko na nag-aaral. Nakita ko si Jane at tinawag ko kaagad. “Jane, saan na sina Mother Thesa at ang iba?” tanong ko sa kanya habang papalapit ako sa kanyang kinaroroonan. “May lakad siya, kaya sabi niya ay mag-solo-solo muna tayo sa pagbabasa,” tugon niya sa akin. “Ganun ba? Salamat. Paano, mauna na ako, sa loob na lang ako ng kumbento magdasal,” paalam ko. “Okay.” Pagdating ko sa loob, lumuhod agad ako para magdasal. Nang matapos na ako, umupo ako para magbasa ulit ng Bibliya. Ganito ang aking ginagawa araw-araw. Nakaugalian ko nang magbasa, sapagkat maliit pa lang ako, sinabi ko na sa pamilya ko na nais kong tumira sa kumbento. Bigla akong kinalabit ni Maya, tiningnan ko siya ng masama. Pero walang salita ang namumutawi sa labi ko. Tinapos ko ang pagbabasa ng Bibliya at nag-sign of the cross ako. “Bakit? Ano naman ang kailangan mo, ha, Maya?” galit kong tanong. “Wala naman, gusto ko lang sana makipagkwentuhan sa'yo. Bakit ba masama, Maria Theresa?” tugon niya sa akin. “Kita mong nagbabasa ako ng Bibliya. Mamaya tanungin na naman tayo ni Father Jojo kung nagbasa tayo ng Bibliya, tapos hindi rin tayo makasagot sa kanya. Baka mamaya ay bibigyan na naman niya tayo ng punishment. Madami na naman ang babasahin natin. Gusto mo ba 'yon?” mahabang tanong ko sa kanya. “Hindi. Eh, tapos ka naman, di ba? Ako din naman, kaya puwede na tayong magkwentuhan, kaya tara na sa Teresa, sa dating lugar, habang maganda ang simoy ng hangin,” aya niya sa akin at kinuha niya ang aking kamay at hinila patungo sa teresa ng kumbento. Nagpatianod na lamang din ako sa kanya dahil maganda nga ang view doon at napaka-presko. Sabay kaming lumabas ng simbahan, magkahawak pa ng kamay. Sa lahat ng narito, si Maya ang malapit sa akin. Hindi rin kasi ako mahilig makipaglapit sa iba, ayaw ko din ng rejection. Nang makarating kami sa favorite spot namin, sabay kaming umupo at sinandal ang likod sa puno na nakadikit sa may haligi ng teresa. “Theresa, malapit na tayong mag-graduate. Wala ka bang plano na umuwi sa inyo?” tanong niya sa akin. “Alam mo, Maya, ‘yong totoo lang, wala akong balak umalis dito sa kumbento. Gusto ko dito lang ako. Kaya nga simula nang magkaisip ako ay nagpaalam na ako sa pamilya ko.” “Ewan ko ba kung bakit ‘yun ang gusto ko at paano ko nasabi sa magulang ko. Pumayag naman sila dahil kabutihan ko din naman ang nais nila. Kaya agad silang humanap ng kumbento na tumatanggap ng mga kagaya natin,” mahaba kong pahayag. “Kahit may kaya ang aking pamilya, pumayag naman sila at ang kumbento na kukupkupin nila ako. Kaya laging nagdo-donate sila Mommy at Daddy. Bakit mo pala natanong, Maya?” dugtong ko pa na tanong. “Wala naman, Theresa, na-curious lang ako sa buhay sa labas. Alam mo naman sina Father, simula nang pumasok tayo dito, halos hindi tayo nakakalabas. Kahit nakakasalamuha tayo ng ibang tao, iba pa rin kung maranasan natin ang buhay sa labas,” mahaba itong litanya. “Hindi ba sumagi sa isip mo na lumabas man lang? Bakit ganito ang suot natin, sing-haba ng damit ni Father Jojo, para na tayong Madre?” singit pa niya. “Alam mo, Maya, wala akong makuhang sagot sa mga sinasabi mo. Basta ang alam ko lang, gusto ko ang ginawa ko at gusto ko rin na narito ako sa loob ng kumbento,” pahayag ko sa kanya habang sinusulyap siya sa gilid ng aking mata habang nandito pa rin kami sa malaking katawan ng puno. “Ewan ko ba, Theresa, bakit bigla akong nagka-interest sa labas. O baka dahil nakita ko sila Perla at Jane na may gadgets tapos nagpapalit sila ng damit. Ang gaganda! Tapos humarap sila sa gadgets nila, tapos nagpapacute sila. Kaya siguro na tanong kita ng ganito,” yumuko ito at lumungkot ang kanyang maamong mukha. Natahimik naman ako dahil hindi ko rin mahagilap sa sarili ko kung ano ang tamang isasagot sa kanya. “May contact ka pa ba sa pamilya mo, Theresa?” bigla niyang tanong sa akin. “Oo, every month naman nakatanggap ako ng liham galing sa kanila. Mamimiss man nila ako, ay hindi masyado kasi palagi nilang sinasabi sa liham na may inampon silang batang lalaki, mas matanda lang sa akin ng limang taon.” “Talaga, nag-ampon pa sila? Baka sa huli problema lang ‘yan, Theresa, alam mo na syempre mayaman kayo. Baka mamaya maging ganid, tapos kukunin niya lahat ng para sa'yo,” wika niya na napaghaharap na sa akin. “Alam mo, Maya, may tiwala ako sa magulang ko at alam kong mahal nila ako at tiwala din ako na lalaki ang batang inampon nila ng mabuting tao kasi mabuting tao ang mga magulang ko,” paninindigan ko sa kanya. “Masyado kang positive sa buhay. Ganda ng mindset mo, Teresa,” tugon niya na napapangiti. “Ganun naman dapat, kasi di ba, lagi 'yon sinasabi ni Father Jojo sa atin? Kaya nasa puso ko at isipan ang lahat ng aral nila sa atin,” saad ko sa kanya na nakangiti din. “Pero, Theresa, hindi ba pumasok sa isip mo kung ano ang sinasabi nila na boyfriend na minsan kong naririnig sa mga dalagita kapag nagsisimba?” “Isa lang ang sagot ko diyan, Maya: ang mga aral ni Mother Thesa. Hindi ko nga ‘yan iniisip sa ngayon at masyado mo nang inuukupado sa isipan mo ang mga bagay na ‘yan. At bakit ba ang kulit mo? At kung ano-ano ang tinatanong mo at inaalam?” irritang tanong ko sa kanya. “Tara na nga at magbasa ka ng Bibliya para maliwanagan yang utak mo ng kalinisan at hindi puro kalokohan ang mga inaalam mo para maliwanagan na din ang isipan mo. Sa daming pumapasok sa utak mo, pati ako tinatanong mo eh alam mo namang pareho tayo na dito na lumaki,” natatawang wika ko sa aking kaibigan na natatawa. Pero habang pabalik na kami sa loob ng kumbento, naiisip ko din ang mga sinasabi niya. Ang lakas talaga niyang maka-distract. Para kaming sinaunang tao, marami kaming hindi alam lalo't ang pinag-uusapan ay ang labas. Hinawakan ko ang kamay ni Maya, sa loob ng simbahan kami tumuloy para magdasal at humingi ng kapatawaran sapagkat kung ano-ano lang ang naiisip namin. Sabay kaming lumuhod at nagdasal, nakatapos kami sabay pa rin kaming lumabas at tumungo sa aming silid. Dahil alas singko na ng hapon dito. 'Yon kasi ang patakaran ng kumbento: kapag alas singko ng hapon, dapat nasa kwarto na kami. Magkasama kami ni Maya, kung baga naging siya ang aking matalik na kaibigan at kapatid dito sa loob. Naglinis na muna ako ng aming kwarto bago ako maglinis ng katawan. Natapos kami nang dumating ang ayuda na pagkain na dala ng servant. Pagkatapos ay kumain na kami ni Maya, ako na rin ang nagligpit. Pinauuna ko siyang mag-toothbrush para ako naman ang sunod pagkatapos niya. Hindi kasi puwedeng magsabay sa liit ng banyo. Pagkatapos kong mag-toothbrush, umupo muna ako sa lamesa, ganun din si Maya. Nagbasa kami ng Bibliya bago kami matulog. “Goodnight, Theresa,” saad niya. “Goodnight too, Maya,” tugon ko sa kanya. Humiga kami sa kanya-kanyang higaan. Maaga talaga akong nagigising. Tapos na akong maligo, tulog pa rin si Maya, kaya ginising ko na siya. “Maya, ikaw na ang maligo, tapos na ako.” Nakabihis na si Maya tulad ko, pareho kami ng kasuotan - mahabang palda, para kaming mga Madre kung titingnan. “Tara na sa kusina para mag-almusal,” aya niya. Magkahawak kami ng kamay habang naglalakad, nakasanayan na naming dalawa. “Good morning po, Sister Daisy,” sabay naming bati. “Magandang umaga din sa inyo,” tugon nito. “Oh, nariyan na pala kayong dalawa. Kayo na lang ang kulang sa batch ninyo para makakain ng agahan,” wika ng servant na si Aling Amy. “Ganun po ba? Hindi pa naman kami late, di ba, Aling Amy?” tanong ni Maya. “Oo naman, Maya. Kaya umupo na kayo para maumpisahan na ninyo ang mga task ninyo ngayong araw,” sabi ni Aling Amy. Kaya sabay na kami umupo ni Maya. Ganito kasi sa kumbento, may mga task kami na dapat gawin. Kaya nang matapos na kaming mag-almusal, ginawa namin ang mga naka-schedule na gawain, pero bago ang lahat, nagdasal muna kami. Nagtungo na ako sa loob ng kumbento para magpunas. Ano kaya ang iniisip ng ibang kabataan na nakikita kami na nandito sa loob ng kumbento? Na akala ba nila na magdasal lang ang alam namin? Hindi nila alam na natututo kami sa mga gawaing bahay at pakikiharap sa mga tao. Hindi lang spiritual ang aming pinalalawak. Lahat, puwede naming matutunan, pinapagawa sa amin tulad ng paggawa ng bag at marami pang iba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD